Eight || Rose's Plan

17 1 0
                                    

Astrid's POV

Uwian na kaya pumasok na ako sa room at kinuha yung bag ko. Nagulat si Kaye kaya niyakap nya ako.

"Omgod! Akala ko kung ano nang nangyare sayo!" Sabi nya tapos kumalas sya.

"Meron talagang nangyare!" Inis kong sabi. That jerk kiss stealer!

"Ano? Anong masamang nangyare sayo?" Tanong nya.

"Well, sobrang sama talaga. Pero ayos lang ako" sagot ko tapos hinila nya na ako palabas.

Nang makita ko si Shawn, tinakpan ko agad yung bibig ko. Ngumiti naman sya nang unti. Ngiti ngiti ka pa dyan! Sampalin kita eh!

"Oh, anyare sayo?" Tanong ni Kaye.

"Ah...inaantok lang ako" sagot ko tapos humikhab kunwari.

"San kayo nakatira?" Tanong ni Jaye.

"Sa Vanton Street, malapit lang naman." Sagot ni Kaye habang ako nakahawak parin sa bibig ko.

"Well, dyan lang kami sa likod nang Vanton Street" sabi ni Percy.

"Yung Wanton Street" sabi naman ni Sam.

"Ahh...magkalapit pala" sabi ni Kaye.

"Bakit mo naman tinatakpan yang bibig mo, Astrid?" Pa-inosenteng tanong ni Shawn habang naka ngiti nang nakakaloka.

"Kasi may mga magnanakaw nanaman dito sa paligid. Naninigurado lang ako" sagot ko sakanya.

"Magnanakaw nang ano?" Tanong ni Kaye.

"Halik." Sagot ko tsaka lahat sila nagulat. Ay! Nadulas ako.

"I mean Halika na, Kaye. Uuwi na tayo" sabi ko. Soows! Palusot.

Tinarayan ko lang si Shawn tapos tumalikod na kami. Nag wave lang sila nang hands. Tinanggal ko na yung kamay sa bibig ko.

Nag drive na ako pauwi. Habang nasa kotse kami, si Kaye namin tinitignan akong weird.

"Ano ba! Stop staring at me" sabi ko sakanya.

"E kasi naman, na weirdohan ako sa sinabi mong 'halik'. May nag kiss na ba sayo?" Tanong nya sakin

Lecheflan! Sasabihin ko ba? Wag na muna. Ayoko! Sabihin nito baliw ako at may gusto ako dun sa kiss stealear monter jerk na yun!

"Wa-wala. Bakit?" Tanong ko. Lecheflan! wag kang mautal!

"Nauutal ka, Lish. I know you have a secret. Diba sabi ko no secret secret" sabi nya then nag smile.

Urgh! Syete! Oo na, sasabihin ko na. Lecheflan ka, Shawn!

"Oo na....well, wala naman akong secret, nauutal lang ako kasi...kasi" sabi ko. Anong ipapalusot ko dito.

Well, tumingin ako sa daan. Salamat at nasa Vanton Steet na kami.

"Andito na tayo."sabi ko tapos nabigla naman sya.

"Lish, tell me the truth." Sabi nya tapos hindi pa sya bumababa nang car.

Urgh! This is it. Ayoko na magsinungaling!

"Shawn and i accidentally kissed." Sabi ko sabay yuko. Namumula na ako!

"Ohh...my...gosh!" Sabi nya tapos kinilig. What! Anyare sa babaeng to!

"Ano ba, Kaye! Ang akala ko ba magagalit ka sakin" sabi ko tapos tumawa sya.

"No. Actually, i'm happy for you. Talaga bang accidentally kissed o kaya naman kissed lang?"tanong nya.

"Accidentally kissed yun, Kaye! O kaya naman unexpected kissed" sabi ko.

"Bat kasi kayo nag kiss...how does it feel?"tanong nya.

"I feel mad. I feel like i want to slap his face. And my life became miserable!" Sagot ko then i stop the car kasi andito na kami sa tapat nang bahay.

"Ay, ang akala ko nafefeel mo nang mainlove sakanya." Sabi nya.

"Ako mainlove sa isang loko na yun! Well, hinding hindi yun mangyayare because i don't like him!" Sagot ko.

"Bakit nga kayo nag kiss?" Tanong nya.

"Kasi naman diba alam mo na ayaw ko sa mga gagamba. Tapos may nakita akong malaking spider tapos tumakbo ako palayo, si Shawn nga e pupuntahan sana ako pero andoon na ako kaya nabunggo ko sya tapos natumba kami tsaka kami nag kiss" paliwanag ko.

"Ohh! How....sweet bayun? Nevermind. Pero sana may gagamba nanaman tapos magkiss ulit kayo ni Shawn." Sabi nya with matching hampas pa. Anong nakakakilig dun!?

"I hate him! Pati second kiss ko nakuha nya." Sobrang inis kong sabi sakanya.

"Talaga? Paaano?" Tanong nya.

"Well, sine sermonan ko kasi sya e an daldal ko kaya ayun! Hinalikan nya ako para patigilin ako. Kung pwede lang na ihampas ko sa dingding yung labi nya " sagot ko sakanya.

"Ayan kasi! Pero dumaldal ka nalang para yung third kiss mo makuha na din. Wait, wag mong sabihin pati pangatlo nakuha na din?" Sabi nya.

"Muntik na. Mabuti at dumating yung librarian kaya lumayo sya sakin." Sagot ko.

"Kaya pala tumatakip ka nang bibig mo?" Tanong nya.

"Oo, para di na ulit dumampi yung madumi nyang labi sa maganda kong labi." Sagot ko sakanya.

Bumaba na kami at pumasok na sa bahay.

Tomorrow

"Hi, Astrid! Wala pa ata yung bestie mo na si..." bati sakin ni Rose. Oo, si Rose to. Wow, moody lang.

"Si Kaye. Bakit?" Tanong ko
Ang weird nya ngayon.

"Ahh..i'm just wanna say sorry to you about yesterday." Sabi nya sakin sabay ngiti.

"Ahhh..okay lang" sabi ko.

"Talaga? Okay lang sayo na apihin kita?" Tanong nya sakin kaya nabigla ako.

"I'm just kidding. Syempre, sorry nga kahapon. Nag selos lang talaga ako" sahi nya.

"Well, hindi ko naman gusto si Shawn eh, diba kayo? Bat di ka nya binoto?" Tanong ko.

"Ammm....tampuhan lang yun. Hehe!" Sagot nya.

"Wala din akong idea kung bakit ako napili ni Shawn eh" sabi ko tapos parang may binubulong sya.

"May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Ah...wala. Sabi ko baka gusto lang akong pagselosin ni Shawn kaya ikaw yung binoto nya" sabi nya.

"Ahh..sige una na --"

"Ahh...wait, Astrid. Amm...may ibibigay ako sayong cupcake." Sabi nya tapos nilabas nya yung cupcake.

"Para saan?" Tanong ko.

"Peace offering. Sige, tikman mo kung masarap o hindi para magpa deliver ulit ako para sayo" sabi nya tapos nilabas nya phone nya.

"Wag na. Ok na ako dito, salamat" sabi ko tapos aalis na sana ako pero pinigilan nya nanaman ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo man lang ba titikman yung cupcake?" Tanong nya tapos nag pout.

"Wala yang lason ano lang....hsjsjudnsjn" sabi nya pero yung huli di ko narinig.

"Ha?" Tanong ko ulit.

"Sabi ko tikman mo kung masarap ba o hindi." Sabi nya tapos in-open ko yung lalagyan nang cupcake.

Then, tinignan ko sya, nakangiti lang sya.

Kinagat ko yun. Hmmm...lasang...

"Ops! I gotta go. Sleep well, Astrid!" Huling sabi ni Rose.

Then i just know i drop the cupcake and all went black...

|¤|¤|¤|

#PoisonCupcake

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon