Sixty Eight || Tampo

3 0 0
                                        

Astrid's POV

Pumunta ako sa canteen muna para bumili ng tubig. Nandito ako para uminom and mailabas na din yung inis ko kay Shawn kanina.

Hindi porket gusto ko sya e mamaliitin nya na ako. Hindi naman ako flat ha! Excuse me, halata naman siguro sa damit ko kasi fit na nga. Bulag ba sya?

"Naku! Nakakainis kana talaga!" Inis na inis kong sabi kaya di ko namalayan na na-crumpled ko na yung bottle ko. Shinoot ko nalang sa trashcan kasi ubos naman na yung tubig.

"O, what's with the face?" Biglang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako. Si Manuel.

Umupo na sya sa upuan na kaharap ko.

"Wala." Inis kong tugon. Kahit kasi pigilan kong di mainis e naiinis talaga ako.

"Shawn?" Bigla nyang banggit sa pangalan ng halimaw na yun kaya napatingin ako ng matalim sakanya.

Napaatras naman sya ng unti kaya umiwas ako ng tingin.

"Tama nga ako. Ano bang nangyare?" Tanong nya sakin.

"E kasi naman kanina habang nagpapractice kami, sinabihan nya ako ng flat! Bulag ba sya! Halata naman sa damit kong fit na pinasuot saamin tapos di nya makita! Napaka ano talaga nun. Akala nya kung sino sya!" Pasigaw kong sabi kaya natulala sya. Nabigla rin ako kaya napailing ako sa gilid kung may tao, mabuti naman at wala.

"Ay sorry." Sabi ko.

"Di okay lang. Di ka naman masyadong naiinis e." Natatawa nyang sabi kaya napangiti narin ako dahil sa sarkastik nyang sinabi.

"Btw, asan yung girlfriend mo? Bat di mo kasama?" Tanong ko sakanya.

"Ah may kinuha lang sya sa room namin. Sinabi ko na nandito ako sa canteen kaya padito na din sya." Sabi nya saakin.

"Pakilala mo na ako. Daya ah." Sabi ko tsaka sya napatawa ng mahina.

"Oo nga pala. Sige, pag dating nya. Btw, salamat sa pagtulong ha." Sabi nya tsaka ngumiti.

"Ayos lang yun. Pero may kapalit." Pabiro kong sagot.

"Ha? Ano--"

"Biro lang. To naman di mabiro." Natatawa kong sabi sakanya tsaka naman sya tumawa din.

"Ehem!"  Biglang may nasalita sa likod ko kaya napalingon ako. Hay naku, ayos na ko kanina nung nandito si Manuel, e nung dumating naman to, nagiinit nanaman ang ulo ko.

Napaharap ako kay Manuel.

"Ah sige Manuel, una na ako ha? Baka hinahanap na ako nina ma'am." Paalam ko sakanya tsaka tumayo.

"Sige sige. Hintayin ko nalang dito si Zyra." Sabi nya tsaka ngumiti. Nagwave na ako sakanya tsaka nagsimulang maglakad palayo sa canteen.

Nilagpasan ko din si Shawn at nagkunwaring di ko sya nakita. Bigla syang sumulpot sa gilid ko pero di ko pinapansin.

"Sabi ni ma'am saglit ka lang aalis." Panimula nya.

"...."

"Anong pinagusapan nyo dun?" Tanong nya saakin.

"...."

"Psst, galit ka ba?" Tanong nya ulit pero ngayon, binilisan ko na yung paglakad ko.

Pero hinigit nya yung kamay ko kaya napaharap ako sakanya.

"Ano ba!?" Inis kong sigaw sakanya.

"Bat di mo ko pinapansin?" Tanong nya sakin tsaka ko hinigit yung kamay ko sakanya.

"Pake mo ba!" Sigaw ko sakanya tsaka sya tinalikuran pero hinigit nya ulit ako.

"Nagtatampo ka ba? Sorry na oh." Sabi nya sakin tsaka nag puppy eyes.

*dugdug*

Ay hindi! Wag kang magpadala sa ganyan nya Astrid.

"Ang drama. Kung ayaw mo pang bumalik dun, bahala ka." Inis kong sabi sakanya tsaka na ako tumakbo pabalik ng studio at iniwanan sya.

Pero salamat at napigilan ko yung sarili ko. Mapapatawad ko na sya nun e.

Shawn's POV

Studio

Hanggang ngayon umiiwas pa din sakin si Astrid. Kanina ko pa sya sinusuyo pero ayaw nya.

Kailan pa ako nanuyo ng babae?

Iba na talaga ang lakas sakin ni Astrid. Sakanya ko lang to naramdaman.

Nakaupo kami ngayon kasi tinuturuan pa sin Rose at Tom. Kanina pa sakin tingin ng tingin si Rose at ngumingiti na parang may balak pero iniirapan ko lang sya. Kasi ang tinitignan ko lang ay si Astrid.

"Kaye." Tawag ko sa bestfriend nya na katabi ko lang. Si Astrid kasi tumabi dun kay Jaye.

"Oh?" Tanong nya.

"Kanina pa umiiwas si Astrid. Ano bang gagawin ko?" Tanong ko sakanya.

"Lambingin mo lang." Sagot nya tsaka ngumiti.

"Ayaw nya nga, umiiwas e." Sabi ko naman.

"Naku, anyare kay Lish? E dati hindi naman sya yung type na babae na dapat suyuin ng lalake. Saakin lang yun gumaganun." Bigla nyang sabi tsaka nagtaka.

"Ako din naman e. Ngayon lang ako nanuyo ng babae." Bigla ko ding sabi kaya napangiti sya na para bang nang aasar.

"Sus! Gusto mo lang bes ko e." Pang aasar nya sakin.

"E kung tulungan mo nalang kaya ako diba?" Pagsasaway ko sakanya.

"Yun na nga, lambingin mo. Bawiin mo yung sinabi mo." Sagot nya tsaka nya kinausap si Jaye.

Natapos nang turuan sina Rose at Tom kaya umupo na sila.

"Break muna!" Sabi ni ma'am.

Umupo sa tabi ko si Rose. Ngumiti sya sakin at nairita ako sa ngiti nya. Mas maganda pa ngiti ni amazona e.

Aalis na sana ako kaso bigla nya akong hinila paupo ulet.

"Aba't--"

"You'll be mine, Shawn. You'll be mine." Mahina nyang sabi pero para bang nagpapaalala na sakanya lang ako. Nagtaka ako dun tsaka sya naunang tumayo at lumabas.

What was that? Dati ako yung nagwo walkout e, anong trip nya ngayon?

"Ayan! Mas lalo mong pag igihan ang panunuyo mo. Tignan mo si Lish, selos na selos na." Biglang bulong sakin ni Kaye kaya napatingin ako kay Astrid.

Nakita kong nakatingin sya sakin pero tinarayan nya lang ako.

I smirk.

Noon kasi, nakakairita yung mangsuyo sa babae. Ang aarte nila. And now, i'm starting to like this kind of stuff ng dahil kay Astrid.

Imbis na mainis ako sa taray nya, mas lalo akong ngumiti. Ganyan pala talaga sya? Tsk, kailangan ko nang matutong manuyo neto kahit ganto palang kami. Pano pa kaya kung...kami na?

Tumayo ako at unting unting lumapit sa inuupuan ni Astrid. Umupo na rin ako sa upuan na katabi nya.

"Lalabas lang kami." Paalam nina ma'am kaya mas lalo akong nagkaroon ng chance.

Bago pa umalis si Astrid at pinaharap ko na yung upuan ko sakanya. So, magkaharap na kami.

"Ano ba? Dadaan ako." Mahinahon nyang sabi pero para syang lalake kung mangtaray.

Hinawakan ko yung kamay nya at seryosong tumingin sa mga mata nya kaya nabigla sya.

"I'm sorry for what i've said earlier. I didn't mean it. Forgive me, babe."

|¤|¤|¤|

#Suyuin/Lambingin

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon