Astrid's POV
Wednesday ngayon. Shortern period. Hanggang alas tres lang kami ng hapon. Hay! May oras din para makapag mall. Miss ko na din mag shopping. Ma aya nga si Kaye mamaya.
Lapit na nga mag November e. Birthmonth ko. Birthday ko? November 19. Tsaka malapit narin ang All Souls Day. Bibisitahin ko si Lola. Yung nagbigay ng mahiwagang bracelet na to.
Malapit na rin ang intrams namin. Sa November 3 to 7. 1 week kasi yung intrams namin. Ang saya diba? Walang lessons, puro laro lang tsaka nga ibat ibang activities ang gagawin. And after that, Exam na. Sa November 12,13, and 14. Diba ang galing? Pakatapos ng kasiyahan, review na ang kasunod? Hays. Wednesday nga pala ang birthday ko. Third week of November. Medyo...excited naman ako. Medyo lang.
"Ok class, shortern period lang tayo this day kaya you may have your breaktime. Sa mga hindi nakinig, goodluck sa exam ninyo. Goodbye." Paalam ng teacher namin sa Science. Napatingin naman ako.
Hala! Saakin nakatingin si ma'am. Sorry naman, napatulala kasi ako sa bintana. Pano to, wala akong narinig sa mga diniscuss nya. Pero may sulat sa board kaya kokopyahin ko nalang.
"Ano bang nangyari sayo, Lish? Di ka ata nakinig e. Nakatingin pa ng masama sayo si Ma'am." Tanong saakin ni Kaye na tapos na kumopya.
"Sorry naman. May iniisip lang." Sagot ko tapos umiling lang sya.
"At sino o ano naman yun?" Tanong nya saakin.
"Ah...wala." sagot ko tapos nag roll eyes lang sya.
"O sya sige, magrerecess lang kami ha." Paalam nya tsaka tumayo kasama si Li.
"You want food, AL?" tanong ni Li saakin.
"Ha? Ok lang, wag na. Tatapusin ko lang tong kopyahin." Sagot ko tsaka sya tumango at umalis na sila.
Nagsialisan na rin yung mga kaklase ko para pumunta sa canteen. Ako lang mag isa di--
"Hoy." Biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako. May kasama pala ako. Worst, its Shawn.
"Ano?" Tanong ko at hindi ko pinapaghalata ang pagkailang ko sakanya.
"Can you do me a favor?" Tanong nya saakin tsaka umupo sa tabi ko.
*dugdug*
Ang lapit nya. Sheez! Lumayo ako ng kaunti at umupo ng maayos.
"Ha? Ayoko kaya." Sagot ko tsaka pinagpatuloy yung pagsulat ko.
"Ikaw lang kasi ang alam kong makakatulong saakin." Sabi nya na ikinataka ko. Makakatulong sakanya? Ano naman yun?
"Ha? Ano yun?" Tanong ko tapos tumingin sakanya.
Tumingin sya saakin sa mata. Ang seryoso nya ah.
*dugdug*
Gosh! Aaminin ko na po! Ang gwapo nya lalo pag seryoso. Sheez! Dati naiinis ako pag pinupuri sya ng ibang tao. Ang hangin nya kasi e. Pero ngayon, ako na mismo ang pumupuri sakanya. Oo na, gwapong hot na sya. Ok na kayo? Happy na?
"Ganto kasi yun..." panimula nya kaya napatigil ako sa pagsulat at nakinig na sakanya.
Shawn's POV
Ganto kasi yun. Dumating sina Mama at papa galing sa London kasi may business trip sila dun. Ngayon, meron daw anak na babae yung ka business partner nila. Para mas lalong maging maayos abg kompanya, kailangan akong ipakasal sa babaeng yun. At yun ang ayoko.
Kung may girlfriend akong ipapakilala sakanila, pwede raw ako umayaw sa kasal. Ngayon, kailangan kong may ipakilalang girlfriend sakanila bago pa maikasal ako sa anak ng BP nila.
Ang unang pumasok sa isip ko na maging girlfriend, si Astrid. E kanino pa ba, kay Kaye? Siguradong bugbog sarado ako kay Jaye. Si Rose? Tss.. I'm done with her. At ayoko rin naman sa mga EXes ko kasi masyado na silang obsess saakin.Wala ng ibang babae ang mapapakiusapan ko kundi si Astrid.
At sana kapag tinanong ko sya, pumayag sya.
"NO! Hindi! Ayoko!" Sigaw nya saakin. Kaya napa buntong hininga ako.
"Please? Ayokong makasal sa ibang babae, ok." Pagmamakaawa ko. Ginagamit ko na yung good side ko para mapilit lang sya.
Tumingin sya saakin ng masama.
"Nahihibang kaba? Sa tingin mo maniniwala sila na ako yung girlfriend mo? Diba nung last time na pumunta ako dun sainyo, nagpakilala ako kay tita Pam bilang kaibigan mo. Tapos ngayon, sasabihin mo, girlfriend mo na ako?" Paliwanag nya saakin. Urgh!
"Edi sabihin natin na nainlove tayo sa isat isa kaya naging tay--"
"That's insane. Ako? Maiinlove sayo? sdfhjklmetyhsjb ...." sabi nya saakin pero di ko na narinig yung pangguling sinabi nya.
"Magpapanggap nga lang tayo--"
"Yun na nga ang problema. Kung magpe pretend lang tayo, they might found out. At sa huli, maipapakasal ka sa iba." Mahinahon nyang sabi.
Napakunot naman ang noo ko. Lagi nyang pinuputol yung mga sinasabi ko.
"Hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin." Sabi ko sakanya.
"Alam mo ang kulit mo. Bat ba kasi ako yung napili mo ha? Maraming babae ang nagkakandarapa sayo, bat di sila ang piliin mo?" Tanong nya saakin.
"Bakit, wala ka bang gusto saakin?" Biglang tanong ko.
What the heck! Bat ko yun natanong? Argh! Are you stupid, Shawn? Bawiin mo nalang ang tanong mo sakanya.
"H-ha? A-anong s-sabi mo--
"Forget it. Wala lang yun." Sabi ko tsaka umiwas ng tingin.
Tapos na yung recess kaya nagsibalikan na yung mga kaklase namin. Umupo nalang ako ulit sa upuan.
Ang hirap naman pakiusapan tong amazonang to! Ayokong maipakasal lang ako sa ibang babae na di ko naman kilala. Paano kung pangit pala yun? O kaya flat?
(A/N: Ang naughty ni Shawn!)
Oh well, thats me :)
Nagsiupuan na lahat means andyan na yung next teacher namin.
"Please?" Bulong ko sakanya.
"No." Tipid nyang sabi.
"Astrid--"
"No."
"Nagmamakaawa ako, pleas--"
"Again, no."
"Promise, ngayon lang na--"
"Ayoko. No."
"Hindi naman nila yun malalaman agad kung magpang--"
Tumingin sya saakin ng masama. As in yung masamang masama.
"For the last time, no. Spell N and O. NO." inis nyang bulong saakin tsaka na sya umiwas ng tingin.
Ano ba naman tong babaeng to. Kakaiba! Ang hirap suyuin!
Ginulo ko yung buhok ko. Naiinis ako.
Ay basta! Pipilitin ko sya hanggang sa pumayag sya. Mapipilit ko tong babaeng to. Humanda sya mamaya pag lunch, hindi nya makakaya ang pagiging makulit at mapilit ko.
|¤|¤|¤|
#Pilitan
-bæ

BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...