Thirty Four || Morning Fight

8 0 0
                                        

Astrid's POV

Pumasok na akong gate ng school. Napaaga ako dahil si Shawn pinaaga din yung mga bata. Loko talagang Shawn yun!

"Hi ate Ganda!"

"Goodmorning, sis."

"Morning po!"

"Hi po, ate!"

Nabigla naman ako. Pero ang aga naman nilang pumasok dito, 6:20 palang e.

"Oh, ang aga nyo naman." Sabi ko tapos pumunta muna kaming music room.

Pagkapasok namin, agad silang umupo sa couch.

"Btw, where is kuya Shawn?" Tanong ni Zaf.

"Akala ko andito na sya e. Loko talaga yun." Sabi ko tapos tumawa sya.

"Ate, boyfriend mo po ba sya?" Tanong ni Giana na ikinagulat ko.

"Ha? Hindi ano. Hindi yun mangyayare haha." Sagot ko tapos tumawa.

"Ay sayang, bagay pa naman kayo." Sabi naman ni Jim at sumang ayon naman sina Zaf at Giana.

Tumingin ako kay Gil, ang tahimik talaga nitong batang to. Ang gwapo nya--ay sorry! Napa iba yung describe ko haha.

"Gil, bat ang tahimik mo?" tanong ko tapos umupo sa tabi nya. Nagkukwentuhan yung tatlo nyang kaklase.

Nabigla ata sya kaya umusog sya palayo tsaka umiwas ng tingin.

"H-ha? Wala." Sabi nya tapos namula. Namula? May sakit ba sya?

Hinawakan ko yung noo nya kung may lagnat ba sya pero bigla syang tumayo.

"Am..c-cr lang a-ako." Nauutal nyang sabi tsaka umalis. Ang pula ng mukha nya e.

Napatingin ako sa tatlo na nakatingin sakin.

"Bakit ganun si Gil ngayon?" Tanong ko tapos ngumiti sila.

"Ate may sasabihin kami sayo pero wag mong sasabihin kay Gil, ok?" Sabi ni Giana tsaka naman ako umoo. Makisama nalang sa bata.

"May crush po sayo si Gil, ate." Sabi naman ni Zaf na ikinabigla ko. Sakin may crush?

"Ha? Uy kayo ha, mga bata pa kayo may pa crush crush na." Sabi ko tapos suminangot sila.

"Totoo po. Kahapon nga po nung pauwi kami, nakangiti sya habang nakatingin sa phone nya. Pagtingin ko po, picture mo. Pinicturan ka po ata kahapon." Paliwanag naman ni Jim.

Totoo kaya yung mga sinasabi neto? Aba! Grade 4 palang si Gil e, sakin talaga nagka crush?

"Si Gil may crush kay Amazona?" Biglang may sumulpot na boses. Si halimaw pala.

Napatingin sila kay Shawn tapos ako tumayo na.

"Ha? Wala. Ang bata pa nun." Sabi ko tapos bigla naman sumulpot din si Gil na galing cr. Hindi na sya namumula.

"Papasok ba tayo sa room?" Tanong ko kay Shawn.

"Oo. Bago daw mag 8." Sagot nyatapos tumango nalang ako.

Kinuha ko sa bag ko yung pinaprint ko na may keys/chords na song ng 'Everything I Own'.

Binigay ko ito sakanila.

"So, kaya nyo bayan? Kasi baka mahirapan kayo sa keys/chords nanandyan." Sabi ko tapos tumingin si Jim.

"Ay hindi po ate. Madali lang po ito." Sabi nya tapos ngumiti.

"Nakapagperform na po kami sa ibat ibang lugar kasi sabi nila, talented kami." Sabi naman ni Zaf.

"At tsaka ate, band members po kami." Sabi naman ni Giana na ikinabigla namin ni Shawn.

"Sa age nyong yan, may banda na kayo?" Tanong ni Shawn.

"Yes. Magaling kasi kami." Sabi ni Gil habang di tumitingin.

"Galing ah. So, maiwan muna namin kayo dito at mag practice kayo. Andun lang sa mini stage yung instrument na gagamitin nyo, ok?" Sabi ko tapos tumango sila at ngumiti.

"So sige, mamaya nalang recess namin kayo babalikan. May pasok pa kami. So, bye!" Paalam ni Shawn tsaka ako hinila palabas.

Nang makalabas na kami, tsaka nya ako binitawan.

"Aray ko naman! Makahila to!" Inis kong sigaw sakanya.

"Kasi yung Gil, iba yung tingin sayo. May something e." Sabi nya.

"Ano ba Shawn! Bata yun! Wag mong bigyang malisya!" Sabi ko tapos inayos yung bag ko.

"Kanina nga yung hinila kita, nakatingin sakin ng masama sabay tingin sa kamay natin." Paliwanag nya.

"Hay ewan! Manahimik ka nalang." Sabi ko tapos nagsimula na maglakad pero may biglang humarang.

"Well, well, well. Andito nanaman ang makating babaeng to." Sabi nya tapos tumawa yung mga alipores nya.

"Excuse me." Sabi ko pero ayaw nila akong padaanin. Nakita ko si Shawn na nilagpasan lang kami.

Aba! Loko talaga yung lalakeng yun! Iniwan ba naman ako sa obsess nyang ex girlfriend!

"Aww...nilagpasan ka lang ni Shawn my baby. Kawawa ka naman." Asar nya tapos biglang nag pout. Panget nya!

"Mauna na ako." Paalan ko ulit pero ayaw nila ako padaanin kaya tinulak ko sya kaya naman napa upo sya.

Omygod! Bat ko ginawa yun!?

"Rose! I'm sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga--"

*slap*

"Ay sorry din. Di ko sinasadya. Duh! Paawa effect ka pa! Slut!" Sigaw nya tapos tinulak ako kaya ako naman ang napaupo.

Narinig kong tumawa yung mga kasama nya at pati narin yung mga tao sa paligid namin.

Nag glow nanaman yung bracelet ko. Wait, papunta naba si Shawn?

"Tumigil nga kayo!" Sigaw bigla ng boses lalake galing sa likod ko.

Wait, hindi to si Shawn e. Parang si Li. Wait ulit! Bat ba si Shawn ang hinahanap ko! Pake ko ba dun!

"Omy! Ang bestfriend ng makating ito. Wag mong sabihin Astrid na pati itong si cute boy, nilalandi mo? Gosh! Napa--"

"Will you shut your mouth!? Just leave." Sigaw ulit ni Li tsaka naman tinignan sya ng masama ni Rose.

"Hindi pa tayo tapos, Astrid." Sabi nya tapos umalis na.

Tinulungan naman ako ni Li na tumayo tsaka nya ako hinawakan sa mukha.

"AL, ok kalang ba? Sorry at di ako nakaabot agad. May masakit ba sayo?" Tuloy tuloy nyang tanong tapos ngumiti nalang ako.

"Wala. Ok lang ako, tara na." Sagot ko tapos tumango sya.

"Sige. Akin na yang bag mo, ako na magdadala." Sabi nya tapos binigay ko nalang yung bag ko.

Malapit na kami sa room ng maaninag ko si Shawn sa malayo na nakatago ata dun sa puno. Si Shawn bayun?

Aish! Bat ba Shawn ako ng Shawn! Halimaw yun diba!? Tumigil ka nga Astrid Lish Mendez!

Pumasom na kami sa room at tsaka umupo sa mga upuan namin.

"Salamat kanina, Li." Sabi ko kay Li tsaka ngumiti.

"Ok lang. Basta sabihin mo ulit kung aawayin kananaman nung ex ni Shawn, ha?" Sabi nya tapos tumango ako.

Nakita ko si Shawn na pumasok na din at tumabi sakin, magkatabi kasi kami ng upuan. Pero pabagsak syang umupo at suminangot.

May problema nanamn ba itong lokong to?

|¤|¤|¤|

#Gilbert'sCrush

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon