Forty Three || FastForward

8 0 0
                                    

Kaye's POV

A months later...

Saturday ngayon. October na! Ambilis ng panahon noh?

(A/N: Malamang kasi finastforward ko diba?)

Kinakausap ba kita, Author? -.-

(A/N: Aba! Gusto mo bang mapatalsik sa estorya ko?!)

Syempre ayoko! Magkakatuluyan pa kami ni Jaye e. Charot! Ayaw ko po!

(A/N: Good!)

Bumaba na ako sa hagdan at pumunta sa sala. Wala akong magawa e.

Nga pala! May ikekwento ako. Hmm...kanino ba tayo magsisimula?

Okay! Kay Ceb nalang. So, sa mga nakaraang buwan, mas naging super close na sila Ceb at Fria. Lagi nga raw silang lumalabas sabi saakin ni Lish. Good for him. Para di na sya masaktan dahil kay Lish, paasa kasi yun! Joke lang.

Tungkol naman sa mga barkada ni Shawn. First, si Sam. Hmm...ayun, ganun pa din naman sya. Mahangin, babaero, at playboy. Wala ata yung balak magpaka seryoso. Second, kay Percy at Jessa. One year and 1 month na silang mag jowa. Mabuti pa tong dalwa, may forever.

Punta naman saamin ni Jaye. Hmm...ano bang meron saamin? Hm..ayun, mas lalo ko syang naging close, mas nakilala ko yung totoong Jaye. At oo, aaminin ko na din, mas lalo akong nafa-fall sakanya. Wala e, lumalim yung naramdaman ko na dati ay crush lang. Syempre hindi ko naman alam kung may feelings din saakin si Jaye, hindi naman ako assuming e.

And lastly, kina Lish at Shawn. Hm...masasabi ko na lagi silang...nagaasaran, barahan, nag aaway at kung ano ano pa. Ewan ko ba dito sa dalwa! Hindi ba sila napapagod sa mga ginagawa nila? Aysus! Si Lish lang ata ang babae dito sa campus ang may ayaw kay Shawn. Ibang klase rin ano. Pero, LisHawn loveteam ako! Lish + Shawn.

Pero alam ko naman na crush ni Lish si Manuel. Ang isa sa mga gwapong lalake dito sa campus. Dati nya nayung crush. At ngayon nga, madalas ko na silang makita na magkasama ni Lish. Mukhang close na sila. Siguro, nanliligaw si Manuel kay Lish. Okay lang naman saakin si Manuel para sa bes ko, kaso nga lang, nauna na akong bumoto kay Shawn for my bestie. Haha!

So ayun. Ang daldal ko anoh? Pake nyo ba? E ganto ako! Charot lang guys. Peace ^_^

Wala kasi akong kasama dito sa house bukod sa mga maids. Umalis kasi sina mama. May pupuntahan sila, ayaw nila akong isama kasi raw baka ma bored lang ako. Well, tama naman sila.

*Ring*

Tinignan ko phone ko. May nagko call. Then biglang lumabas yung name ni Jaye sa phone ko. Omy!

[On phone]

"Hi?"-K

"Hello, Kaye."-J

"So, napatawag ka?"-K

"Am..pwede ka ba mamaya?"-J

"Ha? Bakit? Anong meron mamaya?"-K

"Am...may sasabihin kasi sana ako sayo mamaya. Kung pwede? "-J

"H-ha? Ano naman yun?"-K

"Mamaya ko nalang sasabihin"-J

"Ah sige. Saan ba?"-K

"Sa Park. 4 pm." -J

"Ah okay. Sige sige."-K

[End]

Omygosh! Anong sasabihin nya mamaya? Omy! Magtatapat na ba sya saakin? Yung nararamdaman nya saakin?

"Kyaaa~" mahina kong tili para di ako marinig nina Yaya. Ehh...kinikilig ang lola nyo!

Pero napaupo ako ulit ng maayos.

What if hindi naman sya magtatapat ng feelings nya saakin? Baka...ipapakilala nya yung first girlfriend nya? Aray.

Tsk. Wag ka kasing assuming, Kaye. Masasaktan ka lang T_T.

Jaye's POV

Its been a month. At alam ko na tama na tong decision ko.

Ilang months na ang lumipas at alam ko na kilala ko na si Kaye. Kaya ngayon, ayoko na may mauna saakin.

Alam ko yang mga iniisip nyo. Na ano? Liligawan ko si Kaye? Tss..
.
.
.
Tama kayo. Liligawan ko na nga sya. Ayoko ng may mauna saakin lalo na nang malaman ko na crush din sya ng ibang mga lalake sa school.

Tinap ni Percy yung balikat ko. Oo, kasama ko ngayon si Percy kasi sya lang naman ang matino kong makakausap.

"Kaya mo yan bro. Hay salamat, sa magbabarkada, may karamay na rin ako na may lovelife." Asar saakin ni Percy kaya hinampas ko sya.

"Aray! Ayan! Bagay nga kayo! Hilig nyong manghampas!" Sabi nya saakin tsaka kami tumawa.

Tumingin ako sa relo ko. 3:30 pm. na. Pupunta na ako dun para naman di ako maunahan ni Kaye. Nakakahiya noh.

"Sige na. Umalis kana nga!" Pagtataboy ko kay Percy.

"Oo aalis na ako. Namimiss ko na yung babe ko e." Sabi nya tapos kinikilig pa. Tsk! Ka-bakla!

Sumakay na sya sa kotse nya at umalis. Lumabas narin ako sa pinto at pumasok sa kotse ko.

Park

Nandito na ako sa Park. Saktong 4 pm na kaya alam ko na maya maya, dadating na si Kaye--"

"Jaye." May biglang tumawag saakin na boses babae kaya mapalingon ako agad. Si Kaye.

At ang ganda nya ngayon. Sabagay, araw araw naman syang maganda sa paningin ko.

"Kaye. Andito kana pala." Sabi ko tapos lumapit ako sakanya. Umupo kami sa bench.

"Asan sya?" Tanong nya saakin. Ha? Sinong sya?

"Sino?" Tanong ko.

"Yung girlfriend mo." Sagot naman nya kaya nabigla ako.

Balak ko ngang ligawan ka tapos magkaka girlfriend pa ako? Hindi naman ako katulad ni Sam na babaero.

"Ha? Wala akong girlfriend." Sabi ko tapos tumingin sya.

"E ano pala yung sasabihin mo?" Tanong nya.

So, this is it. Hinawakan ko yung mga kamay nya.

"Kaye, magtatapat ako sayo ngayon. I like you--no--i really like you. Hindi ko alam kung paano o bakit, basta ang alam ko, gusto na kita." Panimula ko. At ngayon palang, lumaki na ng mga mata nya sa gulat.

"Gusto ko, ako yung magpapangiti sayo o kaya naman magpapatawa sayo. Selfish na kung selfish, e anong magagawa ko? Gusto kita e. Gusto ko, akin ka lang. Pero syempre, paghihirapan ko muna na makuha ko ang matamis mong oo, someday. So..magtatanong lang sana ako kung..." pabitin ko sakanya at tsaka sya pinatayo.

Nag go-sign ako sa mga bata na kasabwat ko dito. Apat na bata ang naka shirt na may nakasulat na CAN-I-COURT-YOU? Tapos binigay saakin nung isang bata yung flowers and chocolates.

Ibinigay ko yun kay Kaye, tinanggap nya naman.

"So...can i court you?" Kinakabahan kong sabi pero nakangiti padin ako sakanya.

Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Yes."

|¤|¤|¤|

#Confession/Ligawan

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon