Fifthy Eight || Ngiti at Lungkot

2 0 0
                                    

Shawn's POV

Pauwi na ako ng bahay. Wala na kasi akong mapuntahan. Umalis pa si Ara, yung babaeng kasama ko kanina na pinagseselosan ni Astrid.

Napangiti ako. Natutuwa ako na nagseselos si Astrid kay Ara.

Sandali--ano? Natutuwa? AKO?

Aish! Ano bang naiisip ko?

Talagang sinabi nya na girlfriend ko sya. At...totoo naman yun.

Diba sabi ko sainyo, nagugustuhan ko na sya? Ewan ko kung bakit, basta ko nalang sya nagustuhan.

"Sir? Bat po kayo ngumingiti?" Biglang may nagsalita sa tabi ko. Si yaya lang pala.

"Ah. Wala po." Sagot ko habang nakangiti. E hindi ko maalis yung ngiti ko.

"Si Ma'am Astrid po ba yung dahilan?" Tanong ni yaya ulit.

Napangiti ako ng marinig ko yung pangalan nya.

"Oo." Nakangiti kong sagot tsaka pumasok sa pinto. Hinanap ko sina mom and dad pero wala sila.

"Umalis po sila sir. Mauna na po ako sa kitchen." Sabi nung katulong namin tsaka umalis.

Umakyat na ako tsaka pumasok sa kwarto.

Naalala ko nung andito si Astrid. Pinalinis ko pa sya dito kasi naging slave ko sya. Pinilit ko pa sya magswimming kasama ko. At....hinalikan ko sya.

Napangiti nanaman ako.

*pak*

Anong ningingiti ngiti ko! Hindi ako ganto! Para akong bakla shet!

*calling....*

Kinuha ko yung phone ko at sinagot.

[On Phone]

"Hello?" -ako

"Hi--"

"Sino to?" -ako

"Ay shet! Wrong call!"

Familiar saakin yung boses. Parang si...

"Astrid?" -ako.

"Ah..e..bye!"

Beep...beep....beep.

[End]

Tama ako. Si Astrid nga. Sino ba dapat ang tatawagan nya? Si Liam ba? Si Manuel? Tss..

(A/N: selos ka?)

Hindi ah? Bat naman ako magseselos?

(A/N: kakasabi mo palang na nagugustuhan mo sya diba?)

>_>

(A/N: o bakit ka umiwas ng tingin? Kasi totoo? Aysows!)

Oo na! Nagseselos na ako. Girlfriend ko sya kaya ayokong nakikipagtext lang sya sa ibang lalake, dapat ako lang. Dapat ako--wait what?

(A/N: ayan naman pala. Mabuti at umamin kana.)

Kalimutan mo na ang sinabi ko--

"Sir, may nagpapabigay po." Biglang sulpot ni yaya tsaka binigay saakin yung...letter?

"Sige salamat." Sabi ko tapos umalis na sya.

Letter? Kanino naman to galing?
Binuksan ko ito.

Dear Shawn,

Gusto mo pa ba ako makita? Mapapatawad mo pa ba ako sa ginawa ko? Gusto ko kapag nagkita tayo ulit, hihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko. At sana, maging okay pa tayo.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon