Fifthy Five || Talk

4 0 0
                                    

Astrid's POV

Lunch

"Saan gusto mong kumain, AL?" tanong saakin ni Li.

"Kahit saan. Sasama ba si Kaye?" Tanong ko rin sakanya.

"Hindi e. Niyaya ng manliligaw nya." Sagot nya saakin.

"Ah sige tara--"

May biglang humigit ng braso ko kaya napalingon ako. Ang sakit ah! Makahigit to!

Binawi ko yung braso ko at tinignan sya ng masama.

"Anong kailangan mo?" Mahinahon kong tanong sakanya.

"Let's talk." Matipid na sabi ni Rose saakin.

Biglang humarang si Li sa harapan namin.

"Hindi pwede. Baka kung ano nanaman ang gawin mo kay--"

"Shut up, you freak. Kakausapin ko lang si Astrid. Hindi sasaktan." Putol ni Rose sakanya. Ang bastos diba?

Hinarap ko si Li. Alam kong ayaw na ayaw nya kay Rose pero kakausapin lang ako naman nya ako. Kung sasaktan nya naman ako, hindi lang sampal ang ibibigay ko.

"Li, mauna kana. Isama mo si Fria para may kasama ka. Okay lang ako." Sabi ko sakanya habang naghihintay si Rose sa harapan namin.

"Pero--"

"I'm okay."putol ko sakanya tapos tumango sya at tinawag si Fria at umalis.

Tumingin ako ulit kay Rose. Ngumiti sya saakin at hinila ako papuntang CR.

"Oh?" Tanong ko sakanya para makapagsimula na sya.

"Gusto ko lang naman sabihin na ako yung babaeng papakasalan ni Shawn." Panimula nya. Pero panimula palang, nakakabigla na.

Napatingin ako sakanya ng may halong pagtataka. Paano?

"Nagtaka ka noh? Syempre, mga magulang ko lang naman ang business partner ng mga magulang ni Shawn. Nagsabi muna ako kina mom and dad na wag munang ipaalam kay Shawn na ako yung ipapakasal sakanya. Pero, ayaw nya." Paliwanag nya saakin.

"Akala ko ba tumigil kana? Hindi ka ba nasasawa? Sinaktan at pinaglaruan ka ni Shawn. Manhid ka ba?" Tanong ko sakanya.

Napa smirk sya.

"Simple lang, I love him." Sabi nya na ikinatigil ng pagtibok ng puso ko.

Ewan ko. Hindi ko alam pero nung lagi naman nyang sinasabi saakin na mahal nya si Shawn, okay lang sakin. Pero ngayon, iba.

"Ba-bat mo sakin to sinasabi?" Tanong ko sakanya.

"Kasi alam ko yung pagpapanggap nyo. Pinakilala ka ni Shawn sa mga parents nya kasi ayaw nyang maipakasal saakin." Sagot nya na ikinabigla ko ulit.

God! Alam nya! Paano? Aish! Syempre, mahal nya si Shawn kaya gagawin nya ang lahat para mapasakanya lang sya.

"At gusto ko lang din sabihin na kapag nalaman to ni Tita Pam, siguradong madi-disappointed sya. Lalo na kaibigan ka ni Shawn. Magagalit sya sayo. At sa huli? Saakin lang sya. Tsaka wag na wag mong sasabihin kay Shawn na ako yung babaeng papakasalan nya, kasi pag ginawa mo yun? Malalaman nina Tita at tito ang pagpapanggap nyo." Patuloy nya ulit.

Ayokong magalit si tita dahil lang dun. Ang bait saakin si tita noong una palang. Kahit na ang sama saakin ni Shawn.

"Ano? May sasabihin ka pa?" Tanong nya saakin. Hindi ako makapagsalita. Wala ni isang word ang lumalabas sa bibig ko.

"Kaya ngayon palang, mas mabuti pang makipag break kana kay Shawn at hayaan mo syang mapunta saakin. Tutal, okay lang naman sayo kasi wala ka namang gusto kay Shawn diba?" Sabi nya pa.

*dugdug*

Anong sasabihin ko? Shet! Bat pa kasi ako nakipag usap kay Rose. Tanga ko!

"Malapit narin pala ang kasal namin. Pinaaga ko na para wala nang makauna saakin. Tsaka alam ko na hindi pa kami sa tamang edad kaya sa west muna. But, kapag 18 na ako, we're truly married " Malambing nyang sabi.

Parang may kung anong tinik na dumapo sa puso ko. Ang sakit e.

"Ka-kailan?" Tanong ko.

"November 20. No worries, invited ka and your friends. Exciting diba?" Sagot nya.

"O sya. Mauna na ako, i'm so gutom na. Goodbye!" Malambing nyang sabi tsaka umalis.

Bigla nalang pumatak yung luha ko. Takte! Bat ako umiiyak? Shet! Hindi ako ganito. Hindi ako umiiyak lalo na sa lalake! Anong katangahan to!

Naghilamos ako at pinunasan yung luha ko.

Diba gusto ko lang sya? Hindi naman ako inlove sakanya e. At mas lalong hindi ko sya mahal. Mawawala rin tong feelings ko. Hindi pwede to, ayokong tuluyan akong mahuhulog sa playboy na yun. Ayoko! Ayokong masaktan. Lalo na ng malaman ko na, si Rose yung ipapakasal sakanya.

Umalis na ako sa Cr. Babalik nalang ako sa room. Ayokong kumain, nawalan ako ng gana.

(A/N: inlove kana)

Hindi ah! Ayoko! Di ako maiinlove sakanya.

(A/N: basta, inlove kana sakanya. Halata e.)

Napahilamos ako. Sheez! Tama na! Shut up!!

Para akong zombie dito dahil ang bagal ng paglakad ko. Hindi kasi ako maka get over sa usapan namin ni Rose.

Ayoko! Oo na! Aaminin na ako! Ayokong maipakasal sya kay Rose. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit! Naiinis narin ako sa sarili ko! Sa mga galaw ko! Sa feelings ko!

(A/N: aminin mo na kasi!)

Ang alin?

(A/N: na inlove ka sakanya)

Takte! Hindi nga sabi e!

Ayoko na! Magmomove on na--ay syete! Anong move on na sinasabi ko? May kami ba? Aish! Ang gulo.

Asan na kasi si Manuel? Kailangan kong may makakausap. Mababaliw na ako kung itatago ko lang to. Alam naman na ni Manuel na gusto ko si Shawn kaya walang problema na sabihin ko sakanya ang nangyari kanina.

Bat pa kasi nagkakagusto pa ang tao? Ayan tuloy, di na alam kung ano ang gagawin. Bat pa kasi nagmamahal pa? E kung sa huli, masasaktan lang naman.

(A/N: masarap magmahal, Astrid. At lahat ng tao, nagmamahal. Hindi mo mapipigilan ang nararamdaman mo.)

At kailan ka naman naging expert sa love, Author?

(A/N: shekret ;))

"Amazona!" Biglang may tumawag kaya napahinto ako sa paglakad.

*dugdugdug*

Shet! Ayan na sya!

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?" Tanong nya.

"........"

"Hoy! Tinatanong kita." Sabi nya.

"......."

"Ano bang nangyari sayo ha? Para kang tanga dyan." Tanong nya.

Baka nga oo, tanga talaga ako.

"Hoy! Diba madaldal ka? Anong nangyare at bigla kang nanahimik? May nangyari ba?" Tuloy tuloy nyang tanong.

Ewan ko pero nagsarili nalang bigla ang katawan ko at
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Niyakap ko sya.

0___________________0

Parehas kami ng reaksyon. Agad akong kumalas at tumakbo ng mabilis pabalik ng room.

Omygosh! Anong nagawa ko! Takteee!! Sigaw ko sa isip ko.

|¤|¤|¤|

#Don'tKnowWhatToDo

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon