Forty || Kulitan

13 1 0
                                        

Astrid's POV

Bilis ng panahon noh? July na agad. Its been a month since kinulong ako ni Rose sa library.

Nung June 25 din nung nalaman ko na nilagyan nya ng poison yung food ko. Kaya nung nalaman ng school principal namin, na suspended si Rose.

Bakit ba kasi ayaw nya pa akong tigilan? Iniiwasan na rin ako ni Shawn this past few days. Mabuti nayun para lumayo saakin yung malas.

"AL, half day diba?" Tanong saakin ni Li na nasa tabi ko.

"Ha? Ah..oo. Bakit?" Sagot ko at tanong ko naman.

"Wala naman. Gusto mong lumabas?" Tanong nya tapos ngumiti.

"O sige ba--"

"Mga bes! Sama ako!" Singit naman ni Kaye habang nakangiti.

"Mich naman e! Sinosolo ko na nga si AL." Patampong sabi ni Li kay Kaye tsaka naman natawa si Kaye.

"Hay naku, Ceb! Porket may gusto ka sa bestfriend ko, ayaw mo na akong makasama sa gala nyo. Nakakatampo." Sabi naman ni Kaye tsaka nag crossarms.

Nga pala, alam na ni Li na alam ni Kaye na may gusto si Li saakin. Nung una, nabigla si Li kung pano raw nalaman ni Kaye lahat. Pero ng tumagal, okay naman na.

"Sige na n--"

"Ito naman, joke lang! Sige payag na ako. Basta bantayan ko si Lish ha?" Sabi ni Kaye tsaka ako tumawa. Loko talaga to.

"Oo naman. Di ko hahayaan na may mangyareng masama sakanya." Sabi nya tsaka ngumiti saakin.

"Tama nayan. Tara na." Anyaya ko tsaka lumabas na kami ng room.

Saktong pagkalabas ko, may nakabunggo akong lalake. Napahawak ako sa damit nya at nakahawak naman sya sa likod ko, muntikan na kasi akong mapadulas.

Omygod. Bat sya pa?

Lumayo kami sa isat isa.

"Be careful." Cold nyang sabi tsaka umalis na kasama ang mga barkada nya.

"Tara na." Anyaya ni Li kaya nagsimula na ulit kaming maglakad.

Hindi na ako lumingon kay Shawn. Oo, si Shawn yun.

Habang nasa sasakyan kami, di ko alam kung bakit si Shawn yung nasa isip ko.

Ewan ko ba, lagi ko syang hinahanap kapag wala sya. Kapag naman andyan sya, iniiwasan ko sya at ganun in naman sya.

Alam mo yung feeling na naiinis ka na ini ignore ka ng isang tao? Yun yung na fefeel ko.

Ang point ko lang is naging magkaibigan naman kami nung KGL tapos bigla ka nalang di papansinin. Diba?

Aish! Ay ewan! Sumasakit lang ang ulo ko kapag si Shawn yung naiisip ko.

Mall

"Liii~" paglalambing ko kay Li.

"AL, no." Sabi nya pero di ko susuko. Kaya nag puppy eyes ako sakanya.

"Li, please? Laro na tayo ulit. Last na to." Pagmamakaawa ko sakanya.

Humarap sya sakin. Sorry naman, naadiķ ako e.

"AL, pang ilan nanatin tong try? 12? Di mo parin makuha diba? Wag na." Sabi nya tapos napa pout ako.

Sorry na! Kasi naman e. Kahit anong try kong kunin yung pikachu na teddy bear, e wala padin.

Nandito pala kami sa world of fun. Bonding naming mag bestfriends.

"Sa iba nalang tayo." Sabi nya tsaka nya ako hinila. Nagpahila nalang ako.

Tawa kami dito ng tawa kasi raw mabigat ako sabi ni Li.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon