Sixty One || Intramurals (Part 2)

3 0 0
                                    

Astrid's POV

Nakabihis na kami nung maigsing short at nagsuot ng rubber shoes. Tinali rin namin yung buhok namin ng ponytail. Volleyball kasi ang lalaruin ko at badminton naman kay Kaye.

"Ay bes ang sexy mo! Hala ka, magagalit si Shawn." Sabi ni Kaye saakin pagkalabas ko ng cubicle.

"Anong magagalit? Bakit sya magagalit?" Tanong ko tapos nagpowder at tumingin sa salamin.

"E kasi ganyan ang suot mo." Sagot nya tapos nagpowder din.

"Malamang kasi volleyball yung lalaruin ko diba?" Sabi ko sakanya tapos di na sya sumagot.

"At mas lalo pa syang nsjsjsbahjsns.." mahina nyang sabi kaya yung huli nyang sinabi di ko na narinig.

"Ano?" Tanong ko ulit tsaka sya humarap.

"Ah wala. Sabi ko goodluck! Kaya natin to." Sabi nya tapos nag thumbs up.

"Goodluck din Kaye." Sabi ko sakanya tapos nag thumbs up.

Lumabas na kami.

"Volleyball players, go in the field now."

"Oh bes, tinatawag na kayo." Sabi saakin ni Kaye.

"Badminton players, go in the quadrangle now."

"Oh, tawag na rin kayo. Sige, mauna na ako. Goodluck!" Paalam ko kay Kaye at nagsimula ng tumakbo papuntang field.

"Goodluck din!" Pahabol nya at umalis narin.

Napailing ako sa kubo area kung saan tumatambay yung mga estudyante kapag vacant time.

May biglang kumaway saakin. Si Li. Nag thumbs up sya at nag mouth gesture ng goodluck. Kaya nag mouth gesture din ako ng salamat.

May bigla naman sakanyang tumabig. Sino pa ba? Edi si Shawn. Nag mouth gesture sya ng goodluck girlfriend at ako, tumango lang kaya napasimangot sya. Mamaya pa kasi pagkatapos namin ang laro ng soccer at ng basketball.

Pumwesto na ako kung saan ako pinapwesto. Sumali pala si Rose sa volleyball, at kalaban ko sya. Ngumisi lang sya saakin.

"Ready, GO!"

^^^^

"Yes yes yes!!!" Sigaw naming green team. Syempre, ano pa nga ba? Panalo kami!!

Nagyakapan kami dun. In-announce na din na panalo kami. Pumunta ako sa side kung saan andun yung panyo ko. Pawisan na ako.

"Girlfriend o, tubig." Biglang may umabot saakin ng tubig. Si Shawn. Tatanggapin ko ba o hindi?

"Salamat." Sabi ko tapos tinanggap ko at uminom. Nabigla nalang ako ng may dumamping tela sa noo ko. Huminto tuloy ako.

"Pawisan pa ang girlfriend ko." Malambing nyang sabi habang pinupunasan nya ako.

*dugdugdugdugdug*

Omygosh! Pinupunasan ako ni Shawn!? What to do!??

Inagaw ko yung panyo sakanya at ako na yung pumunas sa sarili kong pawis. Napangiti lang sya.

"Hi-hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sakanya. Sinuaubukan kong hindi maging awkward ang atmosphere.

"Aalis na rin. Gusto ko lang sabihin na congrats kasi nanalo kayo." Sagot nya tapos ngumiti

*dugdug*

Takte! Wag kang ngumiti! Nakakaakit!

"Soccer players, go in the soccer field now."

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon