Astrid's POV
Monday
Hays. Monday nanaman. Tumingin ako sa relo ko, 7:25 na. At kanina pa ako dito kakahintay kina Kaye at Li.
"Hi Astrid!" Biglang may bumati sakin sa likod kaya lumingon ako. Si Rose.
"Rose, ayoko ng away umagang-umaga kaya pleas--"
"No. Hindi naman ako makikipag away sayo eh." Sabi nya sakin tsaka nag pout.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko tapos ngumiti sya.
"Am..magpapasama lang sana ako sayo sa library kasi meron akong librong babasahin dun." Sabi nya tapos humawak pa sa kamay ko.
Binawi ko ito. Ano to? Close lang kami? Di naman e.
"Am..yung mga kaibigan mo nalang ka--"
"Wala pa naman kasi sila e. Please~" Sabi nya tapos nagmakaawa.
"Ano kasi, hinihintay ko sina Ka--"
Nakakainis naman si Rose. Hindi mo alam kung mabait ngayon o nagbabait baitan lang.
"Please, madali lang naman tayo." Pagmamakaawa nya tsaka ulit nag pout.
"Ah ok sige na nga." Sabi ko tapos bigla nya akong hinila.
"Omygee. Thankie!" Sabi nya ha ang naghihilahan kami papuntang library.
Library
"Asan na kaya yung librong yun?" Tanong nya sa sarili nya habang naghahanap.
"Anong libro ba?" Tanong ko.
"Ah e...ayun!" Turo nya dun sa libro na nasa pinakataas. Seriously?
Saktong nasa gilid nya lang naman yung ladder kaya inurong nya to. Pero di naman sya tumataas.
"Anong hinihintay mo--"
"Pwedeng...ikaw na yung kumuha?" Pakiusap nya sabay pout.
Naparoll eyes ako ng patago. Ang sakit naman sa ulo netong si Rose. Nakakaloka naman this girl.
Pumunta na ako dun at tumaas na kaso di ko matandaan yung aklat na tinuro ni Rose kaya magtatanong ako.
"Rose, anong aklat nga yun?" Tanong ko habang iniisa isa yung mga aklat dito.
"Ah..yang isa." Sagot nya.
"Ito ba?" Tanong ko ulit.
"Yung katabi!" Sagot nya.
"Ito na ba?" Tanong ko ulit.
"Malapit na." Sagot nya habang tumatawa kaya napalingon ako.
Nasa labas na sya ng library. Smirking. Agad kong naalala na sira pala yung door knob dito kaya agad akong bumaba at pumunta sa pinto kaso...nasara nya na to.
Kinatok katok ko yung pinto.
"Rose! Open this door!" Sigaw ko tapos tumawa lang sya at tumingin sa window.
"Ano ako? Tanga? Mabuti talaga at gumana ang plano ko." Sabi nya tapos tumawa ulit.
"Rose i said open this damn door!" Sigaw ko pero nanaray lang sya sakin.
"Bat ko naman yan bubuksan? Manigas ka dyan!" Sigaw nya tapos tumawa ulit.
"Ano ba ang problema mo ha!?" Sigaw kong tanong then suminangot sya at tumingin saakin.
"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Inaagaw mo sakin ang boyfrie--"
"EX boyfriend, Rose. At tsaka sa tingin mo ba mang aagaw ako ng boyfriend! Hindi mo lang ba naiisip na kaya umiiwas sayo si Shawn kasi ayaw nya na sayo! AYAW NYA NA SAYO! naiintindihan mo ba ako ha? O kailangan ko pang ipamukha sayo na hindi ka na nya mahal! Are you stupid! At ilang beses ko na sinabi sayo na wala akong gusto kay Shawn! Kaya Rose, kung ako sayo, buksan mo na tong pintong ito!" Paliwanag ko habang sya nakasimangot lang.
"Whatsoever! Say what you want to say! Mang aagaw ka parin! Mag enjoy ka nalang dyan! B*tch!" Sabi nya then umalis na.
"Rose, please buksan mo na tong pinto!" Sigaw ko.
"Rose! Wag mo kong iwan dito sa loob!" Sigaw ko ulit pero tawa lang ang naririnig ko.
"ROSEEE!!" tawag ko pero nawala na sya sa paningin ko kaya agad na tumulo ang luha ko.
Shawn's POV
"Ceb! Nakita mo ba si Lish?" Tanong ni Kaye kay Liam.
"Di eh. Baka absent sya. Pero bat naman yun maga-absent?" Tanong rin ni Liam kay Kaye.
"Omygod! Where are you, Lish?" Tanong ni Kaye sa sarili nya then napaupo sya.
"Tatawagan ko sya mamaya. Kumain na muna tayo." Sabi ni Liam kay Kaye tsaka inalalayan sya tumayo.
Tinignan ko si Jaye.
"What the hell Jaye! Wag mo naman sirain ang pinakamamahal kong bag!" Sigaw ko kay Jaye tsaka hinampas.
"Sorry bro! Nakakainis lang yang Liam na yan. Masyadong touchy kay Kaye." Inis nyang sabi.
"Puntahan mo na kaya at yayain mag lunch? Tanga lang pre?" Asar ko sakanya tapos umalis na sya.
"Bro! Lunch lang kami ni Jessa." Paalam ni Percy sakin tsaka ako tumango.
"Bro! Kain lang kami ni sweetiepie ko." Paalam din ni Sam kasama ang bago nyang chic.
"Ewan ko sayo Sam! Panget mo!" Sigaw ko sakanya tsaka tumawa.
Tumayo narin ako at umalis. Dumiretso na ako sa parking lot.
Pero huminto ako nang may narinig akong nagbubulungan. Sinilip ko kung sino, sina Rose.
"Aww...sigurado akong gutom na gutom na yun."
"Manigas sya dun sa library!"
"Good job, Rose!"
"Yan lang kasi ang nararapat sa mga malalanding katulad ni Astrid."
Agad akong napatakbo papuntang library. Kinulong nila si Astrid dun simula umaga!? Pakana ito ni Rose! That slut!
Library
Pinipilit kong buksan yung pinto kaso sira yung door knob. Sumilip ako sa may bintana then i saw a hair. Si Astrid!
"Astrid!" Tawag ko tapos agad syang tumayo at humarap sakin. Napahinto ako.
Umiiyak sya.
Sh*t! Umiiyak si Astrid! Aish!
Dahil sa galit ko, sinipa ko ng malakas yung pinto at nabuksan ito.
Agad kong humarap sakanya at agad nya akong niyakap. Niyakap ko din sya pabalik.
"Shawn *sob*" tawag nya sakin habang umiiyak.
Tinignan ko yung mukha nya at pinunasan yung luha nya.
"Astrid, okay ka lang ba?" Tanong ko pero di sya sumagot at niyakap nalang ako. Niyakap ko narin sya.
Pero kumalas agad sya. Nakita kong nakapikit sya. Nahimatay si Astrid. Sh*t! Di pa pala sya kumakain!
"Astrid!?" Tawag ko sakanya pero di sya gumigising.
Agad ko syang binuhat at inilabas sa library. Wala naman medyong tao sa field kaya agad akong pumunta sa parking lot.
Ipinasok ko muna si Astrid sa kotse ko bago ako pumunta kay Rose.
Hinigit ko yung kamay nya.
"Shawn! Nasasak--"
"Anong ginawa mo kay Astrid?" Mahinahon kong tanong.
"I didn--"
"I said, anong ginawa mo!?" Sigaw ko sakanya tsaka sya napaiyak.
"Shaw--"
"Subukan mo lang na saktan sya, ako na ang makakalaban mo." Seryosong sabi ko sakanya tsaka sya binitawan.
Napaupo naman sya sa sakit kaya tinulungan sya ng kaibigan nya.
Pumasok na ako sa kotse at nag drive na papunta kina Astrid.
Kailangan nyang magpahinga.
|¤|¤|¤|
#Rose'sPlan
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Novela JuvenilSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...
