Shawn's POV
Lunch
"Aray!" Tili ko tsaka hinampas yung kamay ni amazona.
E kasi naman, ginagamot yung suntok nya saakin, dinidiinan nya pa! Masakit kaya!
Ginamot nya ulit. Bumubulong pa sya ng kung ano ano habang ginagamot ako. Tss..as if naman na di ko sya naririnig -.-
Nandito kami sa Clinic. Dapat nga e sa nurse ako magpapagamot neto kaso isa rin sya sa mga nagkakandarapa saakin kaya si Amazona nalang.
Nung una, ayaw nya pero sinabihan ko sya na kapag di nya ginamot to, makakarating to sa principal. Ayun, napilitan.
"Oh ayan! Okay na?" Inis nyang sabi tsaka lumayo.
"Tsk. Napaka amazona mo ka--"
"At the first place, ikaw ang may kasalanan. Nagpanggap na boyfriend ko sa harapan ni Manuel! Diba alam mo naman na crush ko sya!" Inis nyang paliwanag. Napasimangot ako. Anong iniisip nya? Na may gusto sakanya si Manuel?
"Bakit? Sa tingin mo magseselos yun? Hindi! Hindi ka naman gusto eh!" Sabi ko din tsaka sya tumingin ng masama saakin.
"Wala akong pake kung di nya ako gusto. Ang point ko lang ay sana di ka na pumunta dun." Sabi nya naman.
Inaasar ko lang naman kasi sya. Ang cute nya kasi kapag nagagalit. Wait, what? Did i say that she's cute? Heck no!
"Bat ang laki ng galit mo sakin? Para yun lang." Sabi ko habang hinahawakan yung labi ko.
"Di ko na mapigilan ang sarili ko. Inis na inis na ako sayo, alam mo ba yun!" Sigaw nya sakin.
Nakakarinidi naman yung boses nya! Parang nakalunok ng megaphone. Ang ingay!
"Can you please lower your voice?" Pakiusap ko sakanya.
Huminahon naman sya.
"Ano bang nagustuhan mo dun? E mas gwapo nga ako dun e." Sabi ko tsaka sya napatingin saakin ng masama.
"Ano? Ikaw? Mas gwapo?" Tanong nya ulit.
"Oo. Bakit?" Tanong ko.
"Fyi lang ha, mas gwapo pa sayo si Manuel. Tsaka anong nagustuhan ko sakanya? Yung pagiging totoong sya. Mabait, gentlemen, at magalang. Kulang pa yan para i describe ko si Manuel." Sagot nya saakin. Aba, talagang kilalang kilala nya yung Manuel nayun?
Napasimangot nalang ako. Edi sya na. Suportadong suportado sya sa Manuel na yun.
Tumingin ako sakanga ng mapatitig sya sa labi ko.
Lumapit sya sakin. Palapit ng palapit sa labi ko. Nabigla ako sa ginawa nya.
At....
"Aray!" Tili ko ulit ng bigla nyang diniinan ang pagpunas sa labi ko.
"Sorry naman. Dumudugo e." Sabi nya tsaka ginamot nya na ulit.
Ang akala ko hahalikan nya ako. What the heck, Shawn! Hahalikan ka? Seriously! Anong iniisip mo?
Lumayo sya saakin tsaka nag thumbs up.
"Ang galing kong nurse noh?" Tanong nya tsaka ngumiti.
"Nope. You're a worst nurse." Biro ko tsaka naman sya suminangot at nanaray.
"Aray naman. Sakit mong magsalita ah!" Sigaw nya sakin tsaka ako hinampas.
Napasimangot ako. Napaka brutal ng babaeng to. Minsan mabait, minsan naman abnormal, minsan naman amazona! Nakakasakit ng ulo tong si Astrid.
"Tinitingin-tingin mo dyan!" Sigaw nya saakin.
"Ang panget mo kasi!" Sagot ko tsaka sya nanghampas nanaman.
Napasimangot ako. Kapag di pa talaga sya tumigil sa panghahampas saakin, hahalikan ko na sya!
Wait? Halikan? Ano nanaman tong naiisip ko? Na dapat bang halikan ko sya para bayad nya sa pagsuntok nya saakin? Aha!
*Riing* (recess)
"Oh! Recess na. Baka pwede na akong lumabas." Sabi nya tsaka tumayo at hinawakan ang door knob.
Pero bago pa sya makalabas, hinila ko sya palapit saakin kaya ang kalabasan
.
.
.
.
Hinalikan ko sya.Astrid's POV
0_____0
2 seconds
.
.
5 seconds
.
.
9 seconds
.
.
12 secondsAgad akong kumalas at napahawak sa labi ko. Shocks! Hinalikan nya ako! Hinalikan nya NANAMAN ako!
*dugdug*
Tumayo sya pero ako? Nakatingin parin sakanya.
"Bayad mo sa pagsuntok sakin." Sabi nya tsaka ako bumalik sa realidad.
"Hi-hinalikan m-mo--"
"Salamat sa paggamot. You can have your healthy break." Sabi nya tsaka tuluyang umalis.
*dugdug*
Omygosh! Omygosh--
*pak*
Sinampal ko yung sarili ko para bumalik na ako sa realidad.
Hinawakan ko yung dibdib ko. Ang lakad ng tibok! Ang bilis! Ano ba to? May sakit na ba ako sa puso?
"Ano kaba Astrid! Umayos ka nga!" Sabi ko sa sarili ko.
"Lish!" Tawag saakin ni Kaye kaya agad akong napalingon.
"H-ha?" Tanong ko. Lutang ako ngayon. Aish!
"Anong tinatayo tayo mo dyan! Tara na!" Anyaya ni Kaye saakin tsaka nya ako hinila.
Habang papaunta kaming canteen, hawak hawak ko padin yung labi ko. Di ko alam pero di ko kasi makalimutan e! Loko kasing Shawn yun!
"Hoy babae! Kanina ka pa. Ano bang meron sa labi mo ha?" Tanong nya tsaka ko nabitawan yung labi ko.
"Ha? Wa-wala. Makati kasi." Palusot ko tsaka ko hinimas yung labi ko.
Tinarayan lang ako ni Kaye tsaka kami umupo dun sa upuan namin. Andun si Li, kumakain.
"Oh, AL!" tawag sakin ni Li tsaka ako ngumiti sakanya.
"Nag order na kami ng food mo, ang tagal mo kasi." Sabi ni Kaye.
"Salamat." Sabi ko tapos nagsimula na kaming kumain.
Isusubo ko sana yung kutsara ko ng makita ko si Shawn. Tumingin din sya saakin at ngumiti, kaya napatalikod ako at uminom ng tubig.
"Okay ka lang?" Tanong ni Li saakin.
"Ha? Okay lang ako" sagot ko tapos dahan dahang lumingon. Wala na sya.
"Nga pala Kaye, anong status nyo ni Jaye?" Panimula ko. Gumagawa nalang ako ng topic para makalimutan ko yung halik na yun.
"Ayun, close na kami." Kinikilig nyang sabi.
"Halata naman e." Pang aasar ni Li sakanya.
"Ewan ko nga sayo Ceb!" Sabi ni Kaye kay Li tsaka kami tumawa.
Nang matapos na kami kumain, bumalik na kaming room.
Naalala ko tuloy yung kanina na magkasama kami ni Manuel. Tsk! Masaya na ako nun e. Bat kasi ang epal ni Shawn?
Pumasok na kaming room habang hinihintay yung sunod na teacher.
Mabuti nga at wala pa si Shawn, kundi super awkward dito. Lalo na katabi ko pa sya diba?
Hinawakan ko ulit yung labi ko.
*dugdug*
Shocks! Bat ba di ko yun makalimutan! Tsk! Nakakaasar naman! Ano ako? Kissing Human? Kahit anong oras pwedeng halikan!
Hindi ko alam pero, itong halik na to, iba to e. Halik na nagpabilis ng tibok ng puso ko. At hindi maari yun!
Erase. Erase.
|¤|¤|¤|
#ThisKiss
-bæ

BINABASA MO ANG
Fall For You
Fiksi RemajaSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...