Thirty Three || Kids Guide Learner

6 0 0
                                    

Shawn's POV

Nasaan na si Astrid? Di man lang sakin nagpaalam.

"Omg! Si Shawn!"

"Girls! Ang leader ng The4!"

"I need airr!!"

Aish. Nandito kasi ako sa canteen. Lunch na e. Ngumiti lang ako sakanila at ayun! Namatay sa kilig.

Hirap talaga maging gwapo *insert gwapong smile*

"Shawn!" May biglang sumigaw kaya lumingon ako. Si Sam.

"Oh. Bakit?" Tanong ko tsaka lumapit sakanila.

"Kanina kapa libot ng libot. Sino ba hinahanap mo?" Tanong ni Percy.

"Si Astrid ba?" Tanong naman ni Jessa.

"Ikaw tol ha! Baka ma fall ka kay Astrid!" Pabirong sabi ni Sam kaya sinamaan ko ng tingin.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Sam!" Inis na sabi ko kay Sam tsaka sya tumawa.

"Asan na ba yung babaeng yun?" Tanong ko ulit.

"Ah..kasama ni Liam. Nag lunch sa labas." Sabi ni Jessa.

"Lunch lang kami ha!" Paalam ni Percy tsaka ako tumango.

Tinignan ko si Sam.

"Umalis ka na nga!" Inis kong sabi kay Sam tsaka tumawa.

"Bye tol!" Paalam nya habang nakangiti. Panget nya!

Inuna talaga ni Astrid ang date nila nung bestfriend nya kaysa sakin.

Wait what!? Anong pinagsasabi ko? Aish!

Naglakad na ako papuntang parking lot. Gutom na ako.

^^^^

Andito na ako sa Music Room. Hinihintay yung babaeng yun.

Tumingin ako sa relo ko. Magaala-una na wala parin sya.

"Students! Maghanda na kayo dahil 10 mimutes nalang parating na sila. Enjoy this day. Thank you." Rinig kong nag announce yung principal sa labas.

Aba? Asan na kaya yung babaeng yun!?.

*toktok*

Baka sya na to. Tumayo ako at binuksan yung pinto. Sya nga.

"Nag enjoy ka ata sa date nyo." Sabi ko tapos umupo sa couch.

"Ha? Anong date na pinagsasabi mo?" Tanong nya tapos pumasok na.

"Tss..painosente." sabi ko tapos tumayo.

"Ho--"

"Hi kids! Welcome to Fame Academy! Enjoy your day Kids!"
Rinig kong nag announce nanaaman yung principal.

Tinignan ko si Astrid. Mamaya nalang nga kami mag away.

Lumabas na ako. Pumunta na kami sa grounds. Andun na yung mga kids at naka line. Mga grade 4 or grade 5 ata to.

Huminto muna ako. Pero may biglang bumangga sakin sa likod. Lumingon ako.

"Aray ko. Bat ka ba huminto?" Inis na tanong ni Astrid.

"Bakit, bawal ba?" Tanong ko tapos nag roll eyes lang sya.

"Aish! Dumiretso ka na nga lang!" Inis na sabi neto sabay tulak sakin.

Inisa isang pinartner ang mga bata sa amin. Tig dalwa raw kasi. At grade 4 ang mga to.

"Ok, students! Sana maturuan nyo ng maayos ang mga bata. Salamat!" Sabi nung principal.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon