Sixty Seven || Practice for Ms&Mr. Intrams

3 0 0
                                    

Astrid's POV

Pagkatapos ng lunch ay tuloy pa din ang mga students ng paglaro ng booths dahil maghapon ito. Pero kaming nga pinili as Mr and Ms. Intrams ay magpapractice ngayon. Bat pa kasi ako yung napili? Ang tuod ko kaya -.-

Pumasok na kami sa room kasi binuksan to ni ma'am para makapagbihis kaming mga Ms. Intrams, tapos ang boys dun sa kabilang room.

"Girls, nakadala ba kayo ng extra damit na pang practice natin?" Tanong ni ma'am saamin habang nasa pinto sya.

"Yes ma'am." Sagot naman naming mga babae. Tsaka sya tumango at umalis. Sinara na rin ni Kaye yung pinto para makapagbihis na kami.

Kahapon kasi pinadala kami ng fit na damit para daw kapag nagpractice kami, makita nila kung tama ba yung pagkembot namin o hindi. Kaya ayun, ang dala ko ay fit na croptop tsaka leggings. E wala naman akong ka shape shape.

Nagsimula na kaming magbihis. Nabigla ako ng magsuot ng napakaikling shorts at fit na pang-gym na bra si Rose. E ang rules dito ay bawal mag ganyan na damit. Parehas nga lang kami ng damit ni Kaye e.

"Magpapractice ba sya o magba bar?" Sarkastik na tanong na bulong sakin ni Kaye tapos pasimple ko syang kinurot.

"Wag mo na syang pansinin." Bulong ko pabalik sakanya.

Tinignan ko si Rose at nakatingin sya sakin na parang nagsasabi na mas-sexy-ako-sayo-look. Umiwas naman ako.

"Ay bes! Ang SEXY mo sa ganyan lang na damit. Di tulad ng IBA, sumusuot pa ng damit na kulang sa tela para lang masabi na sexy sila. Pak!" Pagpaparinig na sabi ni Kaye sakin kaya nilakihan ko lang sya ng mata tapos kumindat lang sya sakin.

Suminangot naman si Rose at lumabas na lang. Kinuha ko na yung jacket ko at sinuot ito. Mamaya ko nalang ito tatanggalin kung magsisimula na kami.

Iniwan na muna namin yung bag namin dito sa loob at nilagay yung pikachu na bear sa plastic bag ko. Lumabas na kami.

Maglalakad na sana kami ni Kaye para pumunta na sa studio kaso biglang sumulpot ang dalwa sa tabi namin.

"Psst! Pahiram muna ng future girlfriend ko ha?" Bulong sakin ni Jaye tsaka hinawakan si Kaye sa kamay. Tumango nalang ako. Ano ba yan, mang-aagaw si Jaye. Nagseselos na ako, inaagaw nya ang bestfriend ko :(

"Bat nakajacket ka?" Tanong naman bigla nung nasa tabi ko. At alam nyo naman kung sino yun.

"E mamaya naman tatanggalin ko to." Sagot ko nalang tsaka aya tumango.

Studio

Nagsimula na kami. Nauna muna sina Kaye at Jaye na turuan kung saan sila maglalakad at kung pano nila ipepresent ang section. Napapangiti ako sakanilang dalwa kasi bagay na bagay talaga sila.

"Bagay sila ano?" Sabi sakin ni Shawn tsaka ako tumango habang tinitignan silang dalwa.

"At bagay din tayo"

"Oo nga--wait ano?" Bigla kong tanong tsaka sya tinignan pero di ko alam na ang lapit pala nya kaya...kaya muntik ko na sya mahalikan.

*dugdug*

Feeling ko ang pula pula na ng pisnge ko. Bigla akong napalayo at napaiwas ng tingin sakanya. Pasimple ko ding kinurot ang sarili ko.

Baka mas lalo akong mapadaling mapaamin sakanya. Haist!

"Bes! Kayo na." Biglang sabi ni Kaye saakin kaya napatingin ako sakanya.

"Ka-kami na?" Nauutal kong tanong.

"Oo, tayo na." Bigla namang sagot ni Shawn.

Kami na!?

"Ms. Astrid, kayo na ang ipapractice." Biglang sabi sakin ni ma'am tsaka ako napatayo.

Napapikit ako sa katangahan ko. Ano bang naiisip ko? Takte naman oh!

Pumunta na ako sa tabi ni Shawn na nasa unahan na.

"Ah, pakitanggal na yung jacket mo." Bilin sakin ni ma'am tsaka ako napatango. Oo nga pala, yung jacket ko.

Shawn's POV

Unti unti nya tinanggal yung jacket nya kaya ako napatulala. Alam kong mabilis dapat yun kaso, nag slow motion ang lahat.

Ang ganda nya, shet!

Nahihiya pa sya nun kasi medyo hindi sya makatayo ng maayos kasi tinatahuban nya yung tyan nya.

Kaso syempre pinatayo sya ng maayos ni ma'am kaya..kaya...nakakabakla sabihin pero nakakainlove sya.

Siguro hindi na simpleng gusto to. Hindi na simpleng inlove to. Ewan ko kung bakit ko to naramdaman agad sakanya. Pero mahal ko na sya.

"Mr. Caly! Attention please." Biglang sabi ni ma'am kaya ako nakabalik sa realidad.

"Sorry ma'am. Natulala lang." Sabi ko tsaka napatingin kay Astrid na ngayon ay tinuturuan kung pano tumayo ng maayos.

"Naku, Mr. Caly. Mamaya na ang pagpapantasya kay Ms. Mendez." Napapangiting sabi ni ma'am.

Tinuruan na kaming dalwa. Yun nga, kapag si Astrid ang nauunang maglakad, napapatingin ako sakanya.

Hindi naman sa pag ano ha, pero hindi naman pala sya flat.

(A/N: napaka pervert mo talaga)

Hindi naman kaya, medyo lang.

(A/N: naku naku!)

"Mr. Caly, ikaw na."

Nagsimula na akong maglakad at ngayon ay katabi ko na si Astrid. Ang pose namin ngayon ay medyo nakayakap ako sakanya.

"Ms. Mendez, bukas, tumingin ka na sa mga mata ni Mr. Caly para mas maganda." Bilin ni ma'am tsaka sya napatango.

"Sus! Mas bagay ako sakanya." Parinig ni Rose na nasa gilid ata nakaupo.

"Psst!" Tawag ko sakanya kaya napatingin sya. At magkalapit na kami ng mukha.

Napangiti ako habang nakatingin sakanya at sya naman ay namula. Namumula ba sya dahil kinikilig sya? O naiinis?

"Ganyan nga!" Biglang tili ni ma'am tsaka si Astrid napalayo sakin.

"Diba sinabi nang bukas. Masyado kang na excite." Naiinis na sabi sakin ni Astrid.

"Bakit ba, gusto ko ngayon e." Bulong ko tsaka sya napatingin.

"Ano ulit?" Tanong nya.

"Wala! Sabi ko ang flat mo pala." Biro ko sakanya tsaka sya napasimangot at napacross arms.

"Flat pala ha? Humanap ka ng partner mo." Inis nyang pabulong na sabi tsaka nagpaalam ata kay ma'am na lalabas muna saglit.

Napaupo nalang ako.

"Uy Shawn, anyare sa bes ko?" Tanong sakin ni Kaye.

"Wala. Biniro ko lang tsaka lumabas." Sagot ko tsaka uminom.

"Anong klaseng biro? Nainis ba sya?" Tanong nya ulit.

"Malamang." Sagot ko.

"Hala ka, kapag yun nag backout, bahala ka. Ang lakas nun magtampo." Sabi nya sakin tsaka kinausap na si Jaye.

Ganun pala sya?

Flat pala ha? Humanap ka ng partner mo!

Naku, lagot ako neto.

|¤|¤|¤|

#Flat

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon