Pasensya na kung nauna pa yung twenty eight. Vote naman po dyan please :(
Kaye's POV
Bumalik na kaming room. Yung Arts Club, dun kasi kami inasign nina P and VP.
Nang makapunta kami dun. Kumuha kami nang Bond paper, colored and art paper, construction paper at kung ano ano pang pang arts and drawing.
"Amm...ako magle lettering nang 'Arts Club' para idikit dun sa pinto, ok?" Sabi ko tapos umoo sya.
"Then, ako mage examples ng mga drawings." Sabi naman nya.
Ngumiti ako. Ang galing talaga ni Jaye mag drawing. Nung one time nga na magkasama kaming mag lunch, may binigay sya saking drawing. At nabigla ako dahil ako yun.
*toktok*
Lumingon kami para tignan kung sino yung kumatok.
"Hi Jayely!" Bati nung babaeng pumasok at hinug agad si Jaye.
Di naman pinigilan ni Jaye. Napasimangot ako.
Ang pabebe! May pahug hug pang nalalaman sabi nung isip ko.
Nag lettering nalang ako habang silang dalwa naghaharutan. Napasimangot nalang ako.
"Pinabibigay kasi to nina Mr. Caly and Mish Mendesh." Pabebeng sabi nung babae sabay hawak nung kamay ni Jaye.
Napa roll eyes nalang ako. Pake ko! Tsaka bahala si Jaye! Hmp.
Naglettering nalang ako pero nabigla ako nang ung lettering ko ay 'pabebe ka!'.
Kaya in erase ko yun tsaka tumalikod at umalis. Napatingin sakin si Jaye kaya pinigilan nya ako.
"San.ka pupunta?" Tanong nya. Aalis kasi nakakahiya sainyo!
"Amm...kukuha ng inumin." Sagot ko.
"Samahan na ki-"
"No need. Nakakaistorbo ata ako. Sige, bye." Sabi ko tapos umalis tsaka tumago dun sa may pinto.
Hay naku! Bat ko yun nasabi, napaghahalata tuloy ako. Pero huy! Di ako nagseselos ha! Napapainom lang talaga ako.
Bumili na ako ng tubig tsaka bumalik na sa room pero napahinto ako ng may pinaguusapan sila.
"Omg, Jaye. Amm..can we hang out later?" Tanong nung babae kay Jaye.
"Amm..sorry pero sasabay kami ni Kaye."sabi naman ni Jaye.
"Tsk. Ano bang nagutushan ko dun sa Kaye nayun e she's just an ordinar--"
"Hindi lang sya ordinaryong babae para sakin. Dahil naging part sya ng buhay ko at pati narin ang puso ko." Sabi ni Jaye kaya nabigla ako kaya nahulog ko yung bote kaya napatingin sila.
Tumago ako at pasimpleng kinuha yung bote pero..
"Kaye? What are you doing in there?" Tanong ni Jaye tsaka lumabas para makita ako.
"Am...ahh...ano..." speechless ako. E anong sasabihin ko?
Naghihintay lang sila ng sagot.
"Amm... ito tubig, inumin mo. Nauuhaw ka ata e." Palusot ko tapos binigay yung isa pang tubig. Sakin dapat yun eh.
Lumapit sya sakin tapos kinuha yung tubig. Pumasok na ako.
"Salamat. Nagabala ka pa." Sabi ni Jaye tapos ngumiti lang ako.
"Aalis na ako. Nakakairita ang nakikita ko dito." Paalam nung babae tsaka umalis.
Napa roll eyes ako. Edi sana kanina pa sya umalis para masaya! Tss..
Nagsimula na kami sa ginagawa namin hanggang sa tumanghali na.
Lunch
"Kain na muna tayo. San mo gustong mag lunch?" Tanong ni Jaye.
Napasimangot ako nang maalala ko yung first kiss ko nung nag lunch kami.
"Amm..sasabay ako kay Astrid." Sabi ko tapos umiwas ng tingin.
"E kasama nya si Shawn." Sabi naman nya.
"Edi kay Ceb. Kay Liam Ceb." Sabi ko naman tsaka na sya suminangot.
"Bat ba ayaw mo sumabay sakin?" Tanong nya.
Ayoko na kasing manakawan ng halik!
"Huh? Hindi. Ililibre kasi ako ni Ceb." Palusot ko. Ilan na ba ang napalusot ko ngayon?
"Edi ako na muna yung manlilibre sayo." Sabi nya tapos napakati nalang ako sa ulo ko.
Ang kulit mo, Jaye!
"Ay hindi na. Magla lunch nalang ako sa...sa jollibee." Palusot ko ulit. Sus! Ang talino ko talaga magpalusot.
Napasimangot na sya at lumapit sakin ng unti.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nya tapos napaisip ako.
"Hindi ah. Bat naman kita iiwasan?" Tanong ko tapos kunwari inaayos ko yung mga gamit pang drawing.
"Dahil ba dun sa....halik?" Sagot nya kaya napahinto ako. Omg! Anong isasagot ko!?
"Hindi rin. Wala nga! Hindi naman kita iniiwasan." Sagot ko tapos kinuha ko na bag ko.
"Edi sumabay ka sakin kung di yun ang dahilan." Sabi nya tapos hinawakan nya kamay ko.
Kung di ako sasabay dito edi buking na ako! Haist!
"Ta-tara na nga! Ang kulit mo. Gutom na ako." Palusot ko ng paulit ulit tsaka umalis sa room.
Sumakay na kami sa kotse tsaka nagpa restaurant nina Jaye.
Restaurant
Bumaba na kami sa kotse. Inunahan ko si Jaye pumasok sa pinto. Tsaka naghanap nang mauupuan. Nakasunod naman sya.
Nag order na kami ng food and then silence...
"Kaye! Galit kaba sakin?" Tanong bigla ni Jaye.
"Hindi noh! Baki--"
"Kasi kanina kapa tahimik. Hindi mo ko kinakausap o pinapansin. Iniiwasan mo pa ako. Kaye, may iba bang nanliligaw sayo?" Tanong nya nang mabilis. Ang OA much masyado ni Jaye.
"Walang ibang nanliligaw sakin. Tsaka wala lang ako sa mood mag ingay." Sagot ko. Pero this time, seryoso na tong pinagsasabi ko.
"E anong problema?" Tanong nya tapos dumating na yung food.
Oo nga noh! Ano bang problema ko? Galit galitan lang ba peg ko ngayon?
Kumain na kami.
"Walang problema, Jaye. Hindi ako galit o nang iiwas sayo, ok?" Sagot ko na lahat lahat. E sa dami bang tanong nya, iisa isahin ko pa ba?
"Talaga? Baka naman nagsasawa kana sakin?" Tanong nya bigla tapos sumubo kaya medyo nabigla ako.
"Hindi naman ako yung tipong babaeng madaling magsawa. Sa katunayan nga e, gusto ko pa..." mahina kong sabi tapos ngumiti naman sya. Totoo to teh!
"Nga pala Kaye, may ibibigay ako sayo." Sabi nya tapos tinawag nya yung waiter na may hawak na flowers at kinuha to.
"Para sayo." Sabi nya sabay abot nung flowers. Ang ganda! Ang bango pa.
Kinuha ko ito tsaka ngumiti.
"Salamat. Bat mo naman naisipang bigyan ako neto?" Tanong ko tapos nilapag ko muna yung flowers sa isa pang table na katabi namin.
"Kasi gusto ko mag effort na makuha ka. Hindi yung parang wala lang." Sagot nya tsaka naman ako namula ng unti. Pinapakilig ako ng lalakeng to!
"Ay..hehe. Pero pwede namang simple yung ibigay mo sakin. Pero salamat dito. Ang ganda tsaka mabango." Sabi ko tapos ngumiti ako kay Jaye.
Kumain na kami. Ngayon, medyo nawala wala na yung kaba ko na manakawan ng halik! Kasi alam kong irerespeto nya ako.
|¤|¤|¤|
#Palusot101
-bæ
BINABASA MO ANG
Fall For You
Teen FictionSya si Astrid, ang babaeng masungit sa mga lalake lalo na sa nakaaway nya nung unang pasukan palang. Wala daw kasi itong modo. "Gantihan nya man ako, atleast ready na ako" sabi nya sa sarili nya. Ito naman si Shawn, ang lalakeng hearttrob sa campus...