Sixteen || Slave (Part 2)

17 0 0
                                        

Astrid's POV

Afternoon at Caly's House

Naiinis ako kanina pa. Kasi naman! Kinaladkad nya ako papuntang parking lot at kakaladkarin nanaman nya ako papasok sa bahay nila! Tss...

"Bitawan mo nga ako! Close ba tayo para hawakan mo ko?" Tanong ko sakanya tapos hinila ko yung kamay ko sakanya.

"Baka kasi tumakas ka." Sabi nya.

"Baliw kaba? Makakatakas ba ako sa ganitong paraan?" Tanong ko tapos tinuro ko yung bakod nila.

Puro may patusok. Tsaka yung gate nila parang sliding tsaka may guard pa. Tss..

"Ok, I'm sorry. Tara na sa loob" anyaya nya.

Nakasimangot akong sumunod sakanya pero nang makapasok ako, OMG lang ang mata ko. Wow! Napakagandang mansion. Parehas lang kami nang bahay pero aaminin ko, pang dream house tong bahay nila.

"May binabalak kang masama noh?" Asar nya sakin. Yuck! Feeling to.

"Ano ako? Katulad mong magnanakaw? Tss...wag kang assuming." sabi ko sakanya tapos suminangot lang sya.

"Son!" Biglang may tumawag ata kay Shawn na babae. Wow! Mama nya ba yan? Ang ganda.

Bumaba yung mama nya sa hagdan at sinalubong si Shawn.

"Mom. Amm...I'm with Astrid." sabi nya kaya medyo nagulat ako.

"H-hi po." sabi ko.

Tinignan nung mama ni Shawn ako sa paa hanggang sa ulo. Omo!

Bigla nya akong niyakap tsaka sya kumalas.

"Son, you have a good taste. So, ikaw pala ang girlfriend ni Sig." Sabi nung mama nya.

"Mom, she's not my girlfriend." sabi ni Shawn tapos tumango nalang ako.

"What? Tss....Akala ko ito na yung makakapagbago sayo sa pagiging playboy mo." sabi nung mama nya.

"Amm...ma'am kaibigan lang po ako ni hali--este--Shawn." Sabi ko. Muntik ko pang masabing halimaw. Tsaka kasinungalingan lang na sinabi ko na kaibigan ko si Shawn.

"You can call me Tita Pam." Sabi ni Tita Pam.

"Ok po."sagot ko.

"So, anong gagawin nyo dito?" Tanong ni Tita.

"Amm...assignment." sagot ni Shawn. Sinungaling na Shawn. Assignment daw? Tss...

"Ahh..opo." sumang ayon nalang ako.

"Oh, sige. Son, don't do anything to..."

"Astrid po." sabi ko.

"To Astrid. Kilala na kita, Sig." Sabi ni tita tapos tumango si Shawn tapos umalis na si Tita.

"Sorry about that." sabi ni Shawn.

"Sus! Nahiya ka pa e totoo naman." Asar ko sakanya tapos tumaas nalang kami.

Sa room ni Shawn, puro color blue. Blue pala favorite color neto. Tsaka andami nyang collection nang mga kotse. May gitara pa sya at piano. Aba! Talented.

"Marunong ka palang mag gitara tsaka piano." Sabi ko tapos umupo sa kama nya.

"Ops! Dun ka sa sofa umupo." sabi nya tapos umupo nalang ako sa sofa. Arte neto!

"Oh, anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Tupiin mo yung mga damit ko lang tsaka yung mga cd ko ayusin mo." Sagot nya.

Damit nya hindi nya kayang tupiin?! My god!

"Napaka tamad mo, Shawn! Pati damit mo ipinapatupi mo pa sa iba!" Sabi ko sakanya.

"Bakit? Hihindi ka? Okay. Puntahan ko lang si Manu--"

"Wag! Ito na nga o! Tatayo na. "Sabi ko sakanya tapos pumunta sa closet nya.

"Give me a shirt and pants. Magbibihis lang ako." sabi nya tapos tinapunan ko sya nang shirt and pants.

Tinupi ko na yung mga damit nya. Mga trending to tsaka ma appeal ang mga damit nya. Pero habang nagtutupi ako, may nakita akong couple shirt ba to? Kasi black sya na nakasulat na 'I Love Her ->' ganyan.

"Bat mo hawak yan?" Biglang tanong ni Shawn kaya medyo nagulat ako.

"Ano ba! Aatakihin ako sayo eh!" Sabi ko sakanya tapos tinupi ko nalang yung shirt na yun.

"Kanino bayun?" Tanong ko.

"Wala." Sagot nya.

"Wala tapos andito sa closet mo" sabi ko.

"Magtupi ka nalang,ok" sabi nya tapos sinunod ko naman.

Tss...kung wala lang yung pang blackmail ni Shawn sakin edi sana wala ko ngayon dito sa bahay nila at kasama ko si Kaye.

Naalala ko si Rose. Sinabi nya na wag akong talkative at touchy kay Shawn. Hindi ako touchy noh! At tsaka medyo madaldal lang ako.

Sunod naman na inayos ko ay yung mga cd.

Wow! Dami nyang cd. Pero may napansin nanaman yung mata ko. Tinignan ko ito, ang title ay 'my first love'. Ano bato? Movie or music?

"Don't touch that!" Sabi nya tapos muntik ko nang mahulog yung cd.

"Pwede bang wag kang manggulat dyan!" Sigaw ko sakanya.

Curious ako kaya nilagay ko ito sa bag ko. Titignan ko lang kung anong laman pero ibabalik ko naman.

Pagkatapos nang lahat lahat...

"Oh, tapos na ako. Uuwi na ak--"

"No. You stay here." Sabi nya habang naglalaro sa phone nya ata.

Napasimangot nalang ako. Tapos naisip ko nalang na tignan tignan ko yung mga bagay na andito sa kwarto nya.

Tinignan ko yung picture nya noong bata pa sya. He's so cute! I mean-- nung bata pa sya. Tsaka yung kasama nya family nya sa beach bayun. Ang gwapo nya! Okay, aaminin ko ang gwapo talaga nya pero di ko sya type.

"Ehem! Laway tumutulo!" Asar.nya sakin tapos napatingin ako sakanya.

"Feeling ka po!" Sabi ko tapos tinignan ko ulit yung mga picture.

Pero may napansin nanaman yung mata ko. Yung picture na sya tapos may babaeng maganda. Sino yan? Kapatid nya bayan?

"Kapatid mo ba to?" Tanong ko tapos pinatingin ko sakanya yung picture.

Nagulat sya tapos tumayo sya at kinuha nya ito at pinahiga nya yung frame.

"She's not my sister." Sagot nya tapos bumalik sa kama nya.

"E sino sya?" Tanong ko ulit.

"Nothing. Pwede bang wag kang makulit." Sabi nya sakin.

"Tss..tinatanong lang e. Sino nga sya?" Tanong ko ulit tapos kinuha ko yung frame tsaka tinignan.

Pilit nya ngang inaagaw pero ayaw ko.

"Sino nga sya?" Tanong ko.

"Astrid! Give me that!" Sabi nya.

"Sino nga muna sya?" Tanong ko ulit.

Nagtatakbuhan kami kasi inaagaw nya yung frame.

"Astrid! I said give me th--"

Omo! Dadaan sana ako sa kama nya kaso nadulas ako kaya napahiga ako sa kama nya at nasa taas ko sya.

*dugdug*

Ano yun? Heartbeat? Lecheflan! Di pwede noh!

Ngumiti sya nang nakakaloka.

"If you don't give me that...."

"I'll kiss you." sabi nya tapos binalik ko na sakanya yung frame tsaka tumayo.

Ayokong makuha nya third kiss ko!

Binalik nya ito. "She's my ex." Sagot nya.

Ex? Ex nya yun?

|¤|¤|¤|

#ExNiShawn

-bæ

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon