Kung Ako Nalang Sana
( SANA HINDI KA NA NASAKTAN PA. )WRITTEN BY : dlimms
ALL RIGHTS RESERVED
Enjoy Reading :)
............................................
ANALYN POV
Naiinis ako! Sobra!
Kung bakit?
Wala.. Wag niyo nalang din pansinin.
Gggrrrr!!
Pag talaga naaalala ko kung sino ang kasama niya?
Naiinis talaga ko!Kahit sabihin na nating girlfriend niya yun!
Naiinis pa rin ako!
Sarap sabunutan at gawing papaitan ng bruha!
Hindi sila bagay!
Gwapo si Kelvin. Maputi, Talented.
May pagkatamad lang Mag aral at nakakainis minsan.
Pero... Mabait naman yun!
At itataya ko ang buong pagkatao ko kung hindi ko mapatunayan yun!Hindi ko naman magiging bestfriend ang mokong na yun kung hindi siya mabait.
Pero... Naiinis talaga ko!
Kerengkeng kasing babaeng yun!
Nakakaasar!Di naman kagandahan.
Mas maganda pa ko sakanya!Ahead lang siya ng kaartehan. Pero mas Ahead ako ng katalinuhan at kagandahan sakanya.
Pero, di ko sinasabi na kami ang bagay ni Kelvin.
I just want to say na... na....Ay ewan!
Wala akong sinasabi okay?!Okay!
Magpapatugtog na lang ako ng dance music.
Eto!
Tama to!
Usong uso to sa ngayon kahit na nung 2003 pa siya na'release. E anong taon na?
2010 na!But, Still I love this song.
I love the singer's and I love the dance steps.Idol na Idol ko kaya ang Sexbomb dancers. At lagi kong pinapanuod yung mga palabas nila twing hapon. Kaso, nangyari lang yun nitong bakasyon lang.
Hanep kasi ang sched sa studies!
Maghapon kailangang sa eskwelahan. Kaya pag uwi ko hindi ko na naaabutan.Last season pa naman to, kaya lulubusin ko na.
Pero okay lang yan!
Di ko man sila nasubaybayan ng husto, I still love them pa rin.
Lalo na si Izzy Trazona! Rochelle Pangilinan! At si Loiuse Bolton.
Shet!
Na'totomboy ako sakanila.
Hahaha.
Sumayaw lang ako nung nagsimula yung kanta.
Magaling kasi talaga kong sumayaw, hindi to sa pagmamayabang ha!
Pero... Magaling talaga kong sumayaw. Parehas kami ni Kelvin.
Haay! Naku!
Naalala mo na naman, Analyn ang mokong na yun! Na ipinagpalit ang panonood niyo ng movie, sa girlfriend niyang haliparot!
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
Любовные романыPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...