AFTER 12 YEARS
KELVIN POV
Dumaan ang maraming taon.
Maraming mga bagay at pangyayari ang nangyari sakin at lalo na saming dalawa ni Yanna.Nakapagtapos kami ng high school at tumuloy kaming parehas sa college.
Magkaiba ng tinahak na landas, pero may oras parin kaming dalawa para sa isa't isa.
Oo..
Aaminin kong, nasaktan ako dahil hindi nakuha ni Yanna ang pagka'Valedictorian dahil sakin.Wala e.. Yun talaga yung rules ng school. Kahit pakiusapan ko, wala na.
Pero kahit papaano, masaya na rin ako kasi, Salutatorian siya at talagang hindi siya nagpabaya sa pagaaral niya, kahit alam niyang hindi niya mapepwestuhan yung gusto niyang posisyon.
Hindi na rin masama, diba?
Saka... Si Eric naman ang naging Valedictorian namin e.. Kaibigan namin.. At tinuturing ko na rin bilang totoong pinsan kahit si Kuya lang ang may pinsan sakanya talaga.
Kaya masaya na rin kahit papaano. Milestone na rin to para sa barkada namin.Naks!! Milestone!!!
Haha.
Babawi nalang daw si Yanna sa College days. Pagbubutihan daw niya.
Kasi... Hindi naman daw niya ko magiging kaklase kaya hindi daw ako makakaistorbo sakanya.
Biro lang naman yun. Di ako nagdamdam kasi nga biro lang. Saka... Alam ko naman kasing ako ang may kasalanan e..Anyway,
Magiging Magna Cumlaude daw siya. Yun ang pangako niya sakin at sa Kuya niya.At di naman kami nabigo, dahil after ng lahat ng paghihirap niya.
Nakamit niya yung gusto niya.
Magna Cumlaude nga siya.
Ang galing nga e. Tiningnan ko yung grades niya at puro 1 talaga ang grade niya. Ako kasi 1.5 pinaka mababa ko. E siya?? Wala. Puro 1 talaga.
Talino ng future wife ko no?
Kung hindi lang talaga dahil sakin? Valedictorian siya nung highschool.
Pero okay na rin to. Kasi mas bigggest achievement daw para sakanya yung sa College kesa sa Highschool.
Sabagay.. Oo. Tama siya.
Oo nga pala, maikwento ko lang.
Malaki na ang anak ni Ate at Kuya Lance.Lalaki ang Anak nila.
Pinangalanan nga nilang
Gian Lancer e..Gwapo rin ang pamangkin kong ito.. Mana sa Tito niya. Hehe.
Sabi ko nga sakanya, kung manliligaw siya magpaturo sakin, dahil sobrang eksperto ko roon kaso...
Nagalit sakin si Yanna kaya binawi ko agad.Hindi na pala ko, Guru. Hahaha.
Paano naman kasi, kabata bata pa daw ng pamangkin namin, tinuturuan ko nang maging hambog.
Sabagay... Oo tama siya. Bata pa siya.
12 years old boy.. Aral muna nga dapat.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...