PART 32

77 4 0
                                    

SPENCER POV

" So, pagpapanggap lang ba talaga insan?"

" Oo nga."

" Baka mahulog ka. Patay ka kay Rizza." Tatawa tawang sabi niya

Nandito kami ngayon sa court. Nagpapractice.

Isang araw lang kasi ang practice ng bawat year. At ngayon kami naka sched.
Para to sa intrams.

" Hindi ako mahuhulog. This is a game." Sabi ko naman.

" E ano ang sabi ni Ate Rica?"

" Wala. Ordinary thing lang na mga sinasabi niya."

" Di ka pinagalitan? Diba alam niyang kayo pa ni Rizza?"

" Yes. E di ko naman kasi sinabi sakanya yung about sa pagpapanggap. Saka.. Normal thing lang yun. Sabi ko lang naman kaibigan."

" Normal thing... Abnormal!"

Nagtawanan lang kami.

Ang bilis nga ng araw e.

Biyernes na pala ulit.

Mag iisang linggo na rin yung dinner namin ni Analyn.

Ewan ko.

Bakit ko ba inaabangang mag one week yung bagay na yun?!

Huh!

Paki ko ba!

" Insan? May practice kayo mamaya? "

" Oo. Sa bahay"

" Ayyiee. Todo practice. Para ba yan sa talent portion? O para sa pagpapakitang gilas mo para tuluyang mahulog sayo si Analyn?"

" He! Tigilan mo ko." Tatawa tawang sabi ko saka ako umalis dala yung bag ko.

Magbibihis kasi ko. Magpapractice kasi kami ni Analyn sa bahay.
                                                            
KELVIN POV
                                                         
" Bakit ba lagi kang nakasibangot?" Tanong sakin ni Nancy.

" Masama lang pakiramdam ko."

" Masama? O.. Pinipilit maging masama."

Napatingin ako sakanya dahil i dont get her point.

" Ano ibig mong sabihin?"

" Nararamdaman ko, Kelvin. Nararamdaman ko. "

" Ang alin?" Patay malisyang sabi ko.

" Natatandaan mo ba nung araw na sweet ka sakin? Yun di yung araw na nahulog ako sayo. Na minahal kita. Pero, Kelvin.. Hindi ko na nakikita ngayon yun sayo. Ikaw lang naman yung hinihintay kong magsalita. "

" Sorry. " pagharap kong sabi ko sakanya.

Hinawakan niya yung kamay ko tapos pumikit siya.

Tiningnan ko siya at naglabas siay ng luha sa mata niya. Tapos ngumiti lang siya.

" Ayaw kitang makitang magsalita. Kaya pakikinggan nalang kita. Kelvin? Tell me? Mahal mo siya?"

Bumilis yung tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano ko ibubuka yung mga bibig ko.

Hindi pa ngayon yung plinano kong araw para sabihin sakanya ang bagay na to.

Bakit inunahan niya ko?

" Nancy??"

" Kelvin, I need your answer? Tell me please." Nanginginig ang boses na sabi niya.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon