PART 37

82 3 0
                                    

KELVIN POV

" Saan ka pupunta, Kuya?"

" Dito lang."

" Umiiyak ka ba? Ang lalim ng mata mo oh. Nag away kayo ni Ate Analyn? Teka. Kayo na ba?"

I looked at her secretly, saka ako umiwas sakanya.

" Hindi. Wala lang to. Sige na. May pupuntahan pa ko."

" Gabi na ha? Diba bukas may pasok pa? Intrams niyo pa right? Saka... Saan naman ang punta mo Kuya?"

" May pag uusapan lang kami ni Alfred. Saglit lang yun. Sige na. Kung ikaw kaya ang natutulog no? Maaga ang pasok mo bukas diba?"

" Bakit? Tanghali ba ang pasok mo?"

" Alam mo, Marie? Wag mo kong pilosopohin. "

" Hahaha. Oo na! Sige na. Ingat ka nalang, Kuya. Sungit sungit mo! Nagkajowa lang e. Haha. Sige na pasabi kay Ate Analyn goodluck sa laban niya tomorrow! Muah!"

" Anong jowa?" Pagtatanong ko.

Alam ko ibig sabihin nun. Pero, intriga kasi siya e.

" Di mo alam yun?"

" Alam."

" Alam mo naman pala e. Tatanong mo pa. Goodnight! "

Nang sabihin niya yun ay umakyat siya sa hagdan papunta sa kwarto niya.

Aalis na sana ko ng biglang...

" Saan nga naman ba kasi ang punta mo? I saw you lately na may tinatawagan ka, and before dun hindi ka mapakali at umiyak ka pa? May problema ba? Nag away ba kayo ni Analyn?"

" Hindi, Ate. Wala lang yun. Si Alfred kasi, pine'preassure ako. "

" About?"

" Sa game namin sa intrams. Gusto mag practice, e ako ayaw ko. "

" Kasi kasama mo si Analyn?" Nakangiting tanong niya tapos ngumiti nalang din ako.

Kahit hindi iyon ang sagot ko, tinanggap ko nalang para hindi na siya magtanong.

" Ahh.. Sige, Ate. May puntahan lang ako. Saglit lang to. Uwi rin ako agad."

" O sige. Wag kang magpapagabi. "

I would like to say thank you to Kuya Lance. Nagbago ang ugali ni Ate ng dahil sakanya. Hindi na mainitin ang ulo. haha.
                                                            
Nang tumalikod ako ay nakita ko si Tita Emma na nakatingin sakin.

Nginitian ko lang siya tapos ay naglakad na ko papunta sa kotse ko.

I know, she knew what i'm going to do.

Pero, tama ba ang ginawa ko?

Tama bang... Tinawagan ko yung babaeng yun para makipagkita sakanya para kausapin siya?

Kaya ko ba?

O baka napipilitan lang ako at nadadala sa sitwasyon?

" Alam mo. Kausapin mo yung nanay mo. Wala namang mawawala e. Mas mawawalan ka kapag hindi mo ginawa yang bagay na yan. Kasi darating ang panahon na iiwanan ka na niya. Gusto mo bang, maiiwan ka ng hindi mo man lang siya napatawad? Alam kong mahirap magpatawad, pero isipin mo nalang na dahil dyan sa pagpapatawad mo, may isang taong mapapasaya mo ng husto lalo na kung Nanay mo. "

Nag paulit ulit ang mga salitang yan, na sinabi sakin kagabi ni Yanna.

Oo. Dito siya natulog. Pero inuwi ko muna siya sakanila para makapag bihis siya.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon