KELVIN POV
" Sorry for what happened---"
" Okay lang. Kasalanan ko rin naman, lumingon ako bigla."
Walang tinginang sabi niya sakin habang nagda'drive ako pauwi.
" Pero, Salamat ha. Ikaw na talaga ang pinaka da best bestfriend ko!!"Bestfriend??
Nye!.
" Oo naman. Wala yun. Ikaw pa ba?"
" Pero, paano mo nalaman?"
" Nakita ko sa T.V. ang tungkol doon, then i called my friend at humingi ako sa kanya ng V.I.P ticket."
" Aaahh.."
" So? Paano? Susunduin kita bukas ha."
" Opo. Itay."
" Anong Itay? Tadyakan kaya kita!"
Natawa lang ako tapos ay nag asaran nalang kami hanggang sa maihatid ko siya sakanila, makuha ko yung gamit ko from their house, saka ako umuwi samin.
Tahimik lang ako habang nagda'drive.
Ayaw kong mag isip,
Pero di ko talaga maiwasan, lalo na nung maalala kong hinalikan ko siya.
Di ko alam kung ano yung pumasok sa utak ko at nagawa ko yun, pero... Ewan ko ba!
Sa kabila nun, nakukuha ko pang mangiti.
Hindi ko naman maiwasan din na hawakan yung labi ko.
Shit! Ano ba nangyayari sakin!
Bakit ganito?!
Inlove ba ko sa bestfriend ko?!
No!
Hindi!!
" Tol!!!" Sigaw nila Alfred ng makababa ako sa kotse ko.Mabilis silang lumapit sakin saka ako pinagdadamba at niyakap.
" Saan ka galing, Tol! Na'suspend ka lang di ka na nagparamdam! Saan ka galing?!" Tanong nila.
" Somewhere." Sabi ko saka ko sila tinalikuran.
Pagpasok ko ng pintuan ng bahay ay....
" Saan ka galing? Hindi mo ba alam na nag aalala kami sayo? "
Si Ate Glenda." Wala naman nagsabi sayo na mag alala ka."
" Bastos ka! You are grounded! Akin na ang Car Key mo!"
" Ayaw ko." Sabi ko sakanya saka ko siya tinalikuran.
" Bastos ka! Akin na!"
" Oh ayan!! Saksak mo sa baga mo! Sayo na! Wag mo nang ibalik sakin! Sayong sayo na! Gusto mo, lutuin mo, pakuluan no saka mo lamunin! Sayong sayo na! Pero, ito tandaan mo, Ate! Wala kang pakielam kung gagamitin ko o hindi yung motor ko!"
" Hindi mo rin yun----"
" Wala kang karapatang pagbawalan ako sa bagay na yun! Akin yun! Pera ko pinambili dun! Kung gusto mo ng motor bumili ka! Hindi yung kinukumpiska mo yung akin para magkaroon ka!!"
" Hindi ko sinabing ako ang bumili, pero kasama yun sa pagiging grounded mo!!"
Nag iinit na talaga ko!
Kaa ayaw kong umuwi dito!
Mas gusto ko pa sa ibang bahay, kesa sa sarili kong bahay.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...