ANALYN POV
" Saan mo ba ko dadalhin?!" Sigaw ko kay Kelvin dahil sinakay niya ko sa kotse niya, tapos nilagyan ng piring ang mata ko.
Lintek to!
Gumaling lang galing sa sakit niya!
Nandidimonyo na naman!
" Basta. Wala ka bang tiwala sakin?! Yan ang hirap sayo e."
" Nakakainis ka kasi minsan! "
" Pwes hindi ka maiinis promise. Basta calm down at manahimik ka lang dyan."
" leche ka e! Gagawa pa ko ng assignment ko e!" Angal ko sakanya.
Nagtext kasi ko kay Beauty at sabi nga niya, sabi daw sakanya nung pinsan niya wala nga daw talagang naging klase nung friday. Whole day daw yung program.
So, ibig sabihin.. Bukas checheckan yun.
Nakakaasar!
Whole time lang akong nakaganoon habang walang ideya kung saan ba kami pupunta.Nanahimik lang ako habang nasa kotse niya.
Nakakainis siya. Swear!
" Sige na. Pwede mo nang tanggalin." Sabi niya ng bigla kaming huminto.
Nang ilibot ko ang paligid ko ay nainis lang ako.
Ano ka'surprise surprise dito?!
Parking Lot?!
Parking Lot ng Mall!
Diyos ko!
" Wow?!!! Tinakpan mo yung mata ko the whole time! Tapos dito mo lang pala ko dadalhin sa Mall! Bwiset kang talaga!"
Tawa lang siya ng tawa.
Sarap dagukan neto!
" Tigilan mo ngang tumawa! Sasapakin kita e!"
" E bakit? Nakakatawa ka kasi."
" Ewan ko sayo! Uuwi na ko! Demonyo ka. "
" Wag muna! May pupuntahan ako sa loob. May mga ipapakilala pa ko sayo."
O_O
Mga?!
" Aba, lintek nga naman!! MGA Ha?! Ibig sabihin... Madami! Ang mga babae mo? O? E akala ko ba dun ka sa punja nung Nancy na yun mamamahay? Ang dami mo naman yatang inuupahang apartment! "
" Grabe ka. Yung bibig mo. Anong punja? Hahaha. "
Ewan ko kung bakit ko ba nasabi yung salitang yun. Bigla nalang lumabas e.
Nakakainis kasi talaga.
Istorbo sa pag aaral ko.
Porket siya e suspended. Iistorbohin niya ko?!
Ako namang si Tanga!
Go lang!
Haay! Naku!
" Tara na! Baka hindi natin sila maabutan, sige ka. Magsisisi ka."
" di ko pagsisisihan yabg mga punyeta mong girlfriends. Sasaktan ka rin nyan!"" Hahahaha! As if naman."
Nang aasar pa siya ha!
Talagang ipapanalangin kong wag kang sagutin ni Nancy. Hudas ka!
Wala na kong nagawa dahil sa naglakad siya tapos nakaakbay siya sakin.
Kumakaway pa dun sa mga babaeng kinikilig sakanya.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...