SPENCER POV
Nandito kami ngayon nila Mommy sa school kasama ko si Ate Rica, si Ate Gladys, si Rizza saka si Daddy.
Papanuorin namin si Kelvin at si Analyn.
Pero pagpunta namin dito ay nakita ni Mommy yung babaeng anak niya.
Dumating kasi kami dito na wala na yung mga estudyante. Nasa parade na daw kasi kasama yung mga escorts and muses.Kaya, maghihintay kaming makabalik sila. Hindi naman malayo yung iikutan e.
Maikli lang.
So... Wala dito ang kapatid ko at kahit si Eric...
Ibig sabihin... Nakahabol si Kelvin. Haha.Good job, Tol.
Pero, back to my story...
Hindi naman siya pinakitunguhan nung anak niyang babae ng masama, kinamusta pa nga niya kami and she also asked what happened to me.Nalaman lang daw niya kay Luigi na si Kelvin ay mag'eescort sa pageant kaya siya napunta dito.
Pupukpukin nga daw niya ito sana kung umuwi kanina. Dahil kagabi daw nagpaalam na saglit lang aalis, pero di na bumalik.
Hahaha.
Pasaway talaga si Kelvin. Di man lang tumawag sa Ate niya para di mag alala. Haha.
Magkaugali nga kami. Hahaha.
Alam kong hindi pa alam nung kapatid ko na rin bale, yung sitwasyon ni Mommy, pero... Di ngayon ang tamang panahon at lugar para pag usapan nila yun.
Kaya ayun,
Nagdaldalan lang sila habang nag iintay.Mabait din naman pala yung kapatid ni Kelvin na to.
Tanggap din niya ang pangyayari.
Pero??Ay! Ewan!
Sabi kasi ng doktor,
Pwede na rin daw akong lumabas ng ospital kaso, naka'wheel chair.
Saka dapat may kasamang isang nurse.Pumayag naman ako basta gusto kong mapanuod ang kapatid ko.
Hanggang ngayon kasi, mayroong bagay sakin na hindi ko maintindihan.
Para kong nagui'guilty na ewan.
Pero, tanggap ko na si Kelvin bilang kapatid ko.
Pero, siguro... Kaya lang ako nagkakaganito dahil gusto ko talagang mag'pageant.
Haay!
Okay na. Kesa naman mapahiya ang section namin. At kesa mapahiya ako kasi ganito itsura ko.
May band aid ang mukha. Naka'wheel chair. Puro pasa pa.Sigurado naman akong hindi ko kaya e.
At nakakasiguro rin ako, na kaya ni Kelvin na ipanalo ang dapat.
Haay.
Hindi ako dapat mainggit. May next year pa. Haha.
Saka, proud ako kasi... Kapatid ko yan.. Pag nanalo siya.. Parang nanalo na rin ako.
Kanina nga, nung nakita nila kami nanlaki ang mga mata nila. Pero ang di nila alam... Si Eric alam na ang tungkol dito. Kaya ayun...
Nagkabiruan pa sila kanina.
Nandito lang kami sa may gilid. Manunuod ng mga rarampa. Yung nga estudyante nasa gitna nakaupo indian seat.
May mga SG pa nga na nakabantay sa gate e. Para walang lalabas.
Sila Denise naman nasa gilid lang namin. Kumpulan sila doon kasama si Eric.
Teka??
May napansin ako kay Eric.. Bakit sobrang dikit siya kay Pauleen?
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...