ANALYN POV
Nandito na kami ngayon sa Classroom ulit. Nakabihis na kami ng formal para sa huling pagrampa at para malaman na kung sino yung pasok sa top 5 ng babae at ng lalaki. Sasabihin na rin ata yung mga nakakamit ng awards e.
Yung suot kong gown ay yung inarkila ni Kuya syempre.
Sobra yung kaba ko kanina pero nawala yun nung nagsasayaw na kami. Kaya siguro full of confident na ko nung nagsasayaw na kami kasi, alam kong kaya ko at di ako pababayaan ng partner ko.
Punong puno at ang lakas ng kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa ni Kelvin kanina.
Kaya Nagulat nalang talaga ko sa----
" Ikaw beh! Kinilig ako kanina! Hahaha! May pa'ending pa kayo ni Kelvin na kiss kiss ha! Yummy ba?! Aahhh!" Si Beauty.
Kanina pa to, paulit ulit siya.
Di mapakali.Ito naman kasing Kelvin na to!
Lakas magpakilig e!
Pati tuloy ako, di ko rin makalimutan yun nangyari. Pinipigilan ko lang wag ipakitang kinikilig ako, para di ako asarin lalo ng mga impakta kong kaibigan.
Pangalawang beses na to. Nung una nung mall tour ng sexbomb diba?
Tapos, ngayon.
Nakakainis lang na...nakakakilig parin.
" Tigilan mo nga ako. Saka puro ka kamanyakan. Si Mr. Geronimo, si Kuya. Si Alfred. Tapos si Kelvin. Sino isusunod mo? Si Luigi? Hahaha.." Sabi ko.
" Gaga! Kahit yung kumag nalang na yun ang lalaki sa mundo, never akong kikiligin dun no! Never! As in! Never!" Taas kamay na sabi niya.
Natawa nalang kami ni Denise sakanya.
" Huh! Aminin mo, Analyn. Kinilig ka rin. Don't lie to me.. I know you better and more than better." Si Denise na tatawa tawa.
Inirapan ko lang sila tapos ay panay sila pang aasar sakin.
Wala naman kasi si Kelvin dito.
Kausap yung Mommy niya sa labas." Hindi."
" Hindi daw. Tae mo! "
" Wag nang pilitin ang ayaw. Baka umamin. Showbiz yang kaibigan natin e. "
" Loka! "
Di na sila namansin at nagtawanan nalang sila habang inaayos yung buhok ko at yung make up ko.
May pakinabang pala talaga sila. Haha.
After a while, natapos na kami sa pagpapaganda.
Nagpunta na kami sa stage para sa huling pag rampa. Akay ako ni Kelvin nang magpunta kami dun kaya yung mga estudyante tilian ng tilian.
Artista ba kami? O si Kelvin lang ang tinitilian nila?
Kasi puro babae at bakla yung sumisigaw e.Hehe.
Rampa.
Rampa.
Rampa.
Rampa.Hanggang sa matapos ang pagrampa at ngayon ay nakatayo lang kami at nakangiti waiting for the results.
Madaming sumisigaw sa pangalan ko at lalo na sa pangalan ni Kelvin.
Masyado naman ata silang baliw na baliw kay Kelvin.
Sabagay kasi, gwapo na. Talented pa, mabait, di manloloko.Higit sa lahat. Mahal ko pa.
Hehe.
Kinikilig na naman ako!!
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...