PART 38

80 2 2
                                    

SPENCER POV

Umalis ako sa punyetang restaurant na yun.

Di ko talaga maatim lahat ng narinig at nalaman ko.

Si Kelvin?

Kapatid ko!

Si Mommy?

May Sakit sa dugo?! Leukemia! Melignant pa!

Shit!!

Bakit sakin nangyayari to!

Nakakainis!

Grabe!!

Sa dami dami ng pwede kong maging kapatid! Si Kelvin pa!

Shemay!!

Pwede namang ibang tao nalang! Bakit siya pa!

Nyeta naman oh!

Ano to?! Sadyaan!

Nakakawalang gana tong gabing to!

Tinatawagan ko si Eric pero Cannot be reach siya.

Nyeta!

Sino kakausapin ko!

Sino ang pagbubuhusan ko ng mga kwento ko… nang problema ko.

Si Rizza kaya??

Kaso... Isa pa yun e!

Ipipilit lang niya for sure kung ano yung masabi niya. At sure akong sasabihin niyang intindihin ko ang Nanay ko at ang sitwasyon.

Lokaret din yun e. Di ako kakampihan nun sa kagaguhan at asal kong ayaw kong gawin na tama sa paningin niya.

Pero? Tama ba si Mommy sa ginawa niya? Tinago niya e.

At take note. She was very good in hiding huh!

Melignant! Melignant is the most dangerous type of Cancer.

Minu-minuto kang aatakihin ng sakit na yun dahil iyon ang pinaka malala, masakit at delikadong type ng Cancer yun. Pero, God!!

Naitago niya!

Haay!

Ano ba!!

I need someone to talk to.

Nagdrive lang ako nang nagdrive hanggang sa makarating ako sa isang bar.

Ito yung bar na pagmamay ari nung kaibigan ni Daddy. Yung tatay ni Ian.

Hininto ko yung sasakyan ko sa harap ng bar saka ako pumasok doon.

Umorder ako ng alak para maibuhos ko lang lahat ng problema ko.

Nakita ko si Ian na nagdadala ng mga order na alak nung mga costumer nila, pero wala akong pakielam sakanya. Magtrabaho siya at wag niya kong pakielaman.

Magsumbong siya sa kaibigan niya para malaman nila na nandito ko. Pero wala parin akong pakielam!

Legal na ako. 18 na ko. Di ako natatakot sa curfew curfew na yan.
Kung hulihin nila ko at pagsabihan at parusahan. Sige lang.

Di ko sila pipigilan.
Mas gusto ko pang mawala sa bahay at paningin nila para di sila makitang lahat kahit isang araw lang o isang gabi lang.

Pero kung mangyari yun, paano si Analyn bukas? Bukas na yung Intrams?

Huh!

Ewan ko sa inyo! Pabigat kayong lahat sakin ngayon! Ayaw kong problemahin lahat ng problema niyo, pero... Kahit anong iwas ko. Kasali parin ako.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon