PART 3

142 9 1
                                    

ANALYN POV

" Oh? Ang aga aga nandito ka na agad?"
Bungad ko pagkababang pagkababa ko.

Paano naman kasi..

Nandito na si Kelvin. Kumakain kasabay ng mga kapatid ko.

Wala bang pagkain sakanila?

Grabe naman pala.

" May basketball kasi kami, Ate! E dito na namin pinakain si Kuya Kel. Nagluto si Kuya Lance e.."

" Huh! May babago pa ba?! Tabi nga!"

" Umagang umaga ang sungit mo!" Angal niya sakin.

" e di ikaw na masayahin sa umaga!"

" Naku, kayong dalawa. Tumigil kayo, nasa harapan tayo ng pagkain."
Pagbabawal ni Kuya samin.

" Paano itong kapatid mong mataray Kuya Lance.. Daig pa si Ms. Manalo. Teacher namin sa English. Laging mainit ang ulo."

" Ganun talaga. "

Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa mahinag tawa ni Kuya.

Para kasing may ibig sabihin yun sakin.

" Anong ganun talaga Kuya? Ituloy mo!"

" Kapag maganda!"

Alam ko na yun!

" Nung Sanggol pa." Dagdag ni Kelvin tapos nagtawanan silang tatlo.

Mga bwiset!!

Hindi ko na pinansin pa ang mga mokong dahil alam kong hindi ako mananalo sakanila.

Kumain na lang ako at nag isip kung ano ang mga gagawin ko this day.

Dalawang araw nalang pala pasukan na naman!

And I'm excited for that!
Sobra!

Masarap kayang mag aral, kesa nakatunganga at nasa galaan lang.

" By the way, Ana. Magpasama ka bukas kay Kelvin ikaw na bumili ng mga kailangan niyo sa school, isama mo na rin si Aldrin para malibang at makapasyal. Bukas ko na rin ibibigay yung pera na pambili. Okay?"

" okay lang. Pero kaya na namin dalawa ni Aldrin yun. Bakit kailangang ipasuyo pa sa mokong na to!"

" para di ka na mamasahe. Alam mo namang ako lang ang may sasakyan satin. Hindi ka naman marunong magdrive. Wala naman tayong driver. "

" E bkit kasi hindi nalang ikaw sumama samin Kuya, para malibang ka rin."

" May Trabaho ako bukas."

" Sabi ko nga."

Napahiya naman kasi ko dun.

" Saka, Yanna. Okay lang naman sakin. Ako pa nga nag suggest kay Kuya Lance nung nalaman ko e.. And siguro... bibili na rin ako nung akin. "

" e di wow." Sagot ko sakaniya tapos mga nangiti lang sila.

" Sungit nito. Papiga nga ng pisngi mo."

" Aray ko!"

" Tigilan niyong dalawa yan. Baka mamaya magkatuluyan pa kayo."

" Yuck!" Sabi ko, pero kinikilig ako ng konti.

" Kuya Lance. Parang kapatid ko na tong si Yanna. Hindi ko siya liligawan, kasi... Ipagtatanggol ko siya sa mga ugok. "

Ouch!

Nakakainis ka!

Manhid!

* --- ding dong --- *

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon