ANALYN POV
Kanina pa ko nag iintay kay Kelvin na sunduin niya ko pero di niya ko sinundo kaya si Kuya Lance nalang ang naghatid sakin.
Isa pang kinasaya ko ay manunuod daw sakin si Kuya.
Sabi niya kasi nun may appointment siya kaya di siya makakanuod. Pranked lang pala.Pero bakit ganun??
Pati si Spencer wala pa hanggabg ngayon dito sa school?
Si Kelvin at sila Alfred wala parin.Saan na yung mga yun?
Mag start na yung parade e..
Ano kaya ang nangyari kay Kelvin sa lakad niya kagabi?
Manunuod ba siya?? Siguro, Oo naman. Kasi required pumasok e. May attendance e. Saka may laban pa sila sa Miyerkules.
Pero, miyerkules pa yun e. Iba ang lunes sa miyerkules. Haay!
Saka sabi niya susuportahan niya ko e. Pero bakit hanggang ngayon wala parin siya?
Pati si Spencer? Yung mokong kong Kapartner.
Ano ba nangyayari??
" Beh! Ano mangyayari? Mag start na raw ang parade." Si Beauty.
" Wala pa nga si Spencer e."
" Parade lang naman e. Di pa naman importante yun. Ang mahalaga mamaya nandyan na siya. Siguro na'late lang yun. " Si Nancy habang nililikot yung buhok ko.
" Oo nga naman. Akin na nga! Ayusin natin ulit yung make up mo." Sabi ni Beauty sakin tapos ay inayusan niya ko ulit.
Nandito kami sa room namin. Bawat room kasi ng contestants ang dressing room.
Kaya ako lang ang contestant na nandito, dahil wala pa nga kasi si Spencer.
" Naks! Ang ganda ng kapatid ko ha."
" Kuya naman."
" Oh? Bakit? Di ba totoo?"
" Ayaw niya ata Kuya Lance e. Ako nalang." Sabi ni Beauty kaya natawa ako.
" Kitams. Natawa siya. "" Knock! Knock! " sabi nung lalaking president ng SG.
" Mag'start na yung parade. Pila na kayo sa labas. Saka si Miss Muse at si Mr. Escort, paki pila nalang siya sa harap ng line ng section niyo "Wala pa nga yung escort ko e!
Nang aasar ka ba?!Haay!
" Sige, Pres. Sunod na kami." Sagot ni Denise.
" Bakit wala pa sila?" Tanong ko.
" Sino bang sila?" Si Pauleen.
" Sila Spencer."
" Saka???" Si Denise
" Si Kelvin. Si Luigi. Sila Alfred. Ano ba!" Inis na sagot ko.
" Na'late lang yun siguro. Wag kang mag alala. Nangako si Kelvin. Tutupad yun." Sabi naman ni Kuya.
Natatakot kasi ko, baka nagdamdam siya o kaya di niya nakaya yung nangyari kagabing pakikipagusap sa Nanay niya, kaya di siya makakapunta.
Ayan!
Hinihintay ko siyang magtext kagabi, pero di na siya tumawag kaya natulog na ko.
Pagkagising ko naman, maski isang text wala.
Ano na kaya ang nangyari??
" Tara na.." Anyaya ni Denise tapos inakay ako ni Kuya.
Pagkalabas namin ay nakita ko na ako lang yung walang kapartner.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...