SPENCER POV
" This is the Question that you picked candidate number 12. "
Bumunot kasi sila ng tanong kaya ayun....
Si Analyn ang tatanungin ngayon. Sa babae kasi inumpisahan.
" Kung may biglaang umalis sa buhay mo nang hindi manlang nagpaalam sayo? Ano ang gagawin mo lalo na't alam mong mahal na mahal mo siya?"
Ayan!
Ba't ganun???
Napatingin ako kay Alfred saka kay Ian. Nakatingin din sila sakin.
Tapos sabay sabay kaming tumingin kay Kelvin.Nakatingin lang si Kelvin kay Analyn ngayon.
Seryoso at talagang parang may malalim na iniisip.Kung nagtataka kayo?
May desisyon kasi siyang pinaplano, kanina lang yun nangyari nung nagbibihis sila ng pang'formal.
Kausap niya si Mommy saka ako. Kasama namin sila Alfred at Ian.
Ayaw ni Mommy na gawin ni Kelvin yung plano niya dahil ang gusto ni Mommy, maging maayos at matapos ni Kelvin ang study niya dito.
Pero, ewan ko ba. Kahit anong pilit namin kay Kelvin na wag gawin ang bagay na yun, parang ayaw niya kaming pakinggan.
May sarili talaga siyang pinaniniwalaan.
Alam kong gusto niyong sabihin ko kung ano yung napag usapan namin, pero... Mas maganda kung siya nalang ang magsabi.
Ayaw kong makielam.
Kahit alam kong..... Sobrang masasaktan ang puso nilang dalawa..Para kasing ayaw niya ring ipaalam kahit kanino e. Pero, alam kong... Buo ang loob niyang gawin ang bagay na yun.
Kahit nahihirapan siyang magdecide dahil sa mga situations.
" Bago ko sagutin ang isang napakaganda, seryoso, heartfelt and heartwarming question, I want to say Good Morning and Hi to all of you.
Kung sakali mang iwanan ako ng isa.. Sa pinakamahalagang tao sa buhay ko nang hindi nagpapaalam, siguro... Wala akong ibang magagawa kung hindi humanap ng paraan para mahanap siya. Dahil ako yung taong tingining mahina, pero handang lumaban para sa taong minamahal niya.
Kahit saan pa ko mapunta. Kahit saan ako makarating. Gagawin ko. Makita lang siya at matanong ko sakanya kung bakit niya ko iniwan ng basta basta.
Kung sakaling, hindi ko magustuhan ang paliwanag niya siguro, uuwi nalang ako sa bahay at sasabihin sa sarili ko na.. Kalimutan ko na siya. Dahil wala siyang kwenta. Na hindi ko siya dapat mahalin.At kung sakaling hindi ko siya mahanap at napigilan sa pag alis niya, siguro... Ikukulong ko ang puso ko sa pighati't kalungkutan. Dahil wala nang ibang mas masakit na bagay sa mundo ang nararansan ng tao, kung hindi ang iwanan ka ng taong mahal na mahal mo.
Pero, para sakin... hanggang tumatakbo ang oras, habang pumipintig ang puso ko. Kaya kong maghintay sa pagbabalik ng taong minsang iniwan ako pero, alam kong kaya akong balikan sa tamang panahon dahil naniniwala ako, na ako parin ang laman ng puso niya. Gaya ng kung anong laman ng puso ko. Yun lamang po, Salamat po."The whole time she was talking or answering the question, I was looking for Kelvin and all I see was confusing face and teary eyes.
Bakit kasi sakto yung tanong e.
Ano ba yan!
Nananadya ba??
Saka... Bakit ba puro love ang nasa question. Akala ko naman Politics, Environment, Etc. Etc.
Haay!
Sabagay kasi, mas mabilis bigyan ng sagot ang topic na to. Yung wala talagang mapapahiyang contestant dahil sa mali at hindi sila nakasagot.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...