PART 53

58 2 2
                                    

KELVIN POV

" Hoy! Saan ka pupunta?!" Tanong sakin ni Eric.

" Pre! Anong gagawin mo? " si Ian

" Mag'start na oh? Saan ka pa ba pupunta? " si Alfred.

Kinuha ko kasi yung gamit ko para umalis nalang dito sa court.

Oo.

Tama kayo ng basa at pagkakaintindi.

Aalis nalang ako para samahan ang girlfriend ko sa detention room.
Kesa naman nandito ko naglalaro, wala naman akong inspirasyon... Balewala lang din diba?

Hindi ko sila sinagot at naglakad ako paalis pero...

" Garcia! Kailangan ka ng grupo. Saan ka ba pupunta? Mag start na oh." Sabi ni Mr. Ramos, coach namin. Siya kasi yung na'assign sa Juniors e. Kaya walang magagawa.

" Sir, kailangan din ako ng girlfriend ko."

" Ano ka ba?! We need to win this game! And we need you to win this game! Ano ba! Ikaw ang pambato para sa MVP, ngayon ka pa aatras?" Pagdidiin niya sakin.

Kita ko ang inis sa mukha niya pero wala akong pakielam.

" Hindi naman po ako aatras. May kailangan lang po talaga kong unahin kesa sa laro. Nandyan naman po sila Alfred. I know they are better than i am."

" Oo. Nandito nga sila. Pero mas kailangan ka nga ng grupo! Di mo ba naiintindihan? Garcia! Ano ba! Mas mahalaga pa ba yung bagay na uunahin mo kesa sa larong to ha!?"

" Opo, Coach. Mas mahalaga siya kesa sa pagiging MVP ko. Dahil ang MVP ay isang karangalan lang na maiuuwi ko at isang bagay na magpapakilala sakin sa buong campus na to, pero ang karangalang samahan ang girlfriend niya sa isang bagay ay mas higit pang mas mahalaga para sakin na hindi kayang pantayan ng isang parangal.
Hindi ko kailangang makilala ng buong campus, Coach. Hindi ko kailangang maging MVP para lang maging isang Pamosong tao sa larangan ng Basketball. Dahil para sakin sapat na, na meron akong napatunayan sa sarili ko, at iyon ay ang pagmamahal ko sa lahat ng taong nagmamahal sakin, at lalo na ang pagmamahal ko sa girlfriend ko na alam kong kailangan ako ngayon. Please, Understand Coach. I don't want to miss this game, pero mas may kailangan akong gawin."

" Pero di ka papapasukin dun! Kasi wala kang ginawang masama!!"

" Bakit coach? Ikaw ba? Hindi mo gagawin ang lahat para sa taong mahal mo?"

Hindi na siya sumagot sakin kaya tinalikuran ko nalang siya.

Bastos na kung bastos pero ayaw ko ng maglaro.

Wala na kong gana.

Pasensya na.

Mas kailangan ako ni Analyn kesa ng game.

Humanda talaga sakin yung Macey na yan!

Ayaw talagang tumigil e!

Badtrip na nga ako kagabi dahil sa nararamdaman ko sa pag alis ng nanay ko, dumagdag pa siya! Tapos ngayon nanggulo pa!

Talaga nga namang... Huh!!

Pinipilit ko na nga lang maging masaya at kalimutan yung problema, pero nagbubuo nanaman siya!

Alam niyo bang nag'text sakin yan kagabi! Nakikipag balikan!

As if naman na gago ko para pumayag!

Kung iniwan at sinaktan niya ko noon.
Wala na siyang karapatang bumalik sa isang katulad ko na ginago at pinagmukha niya lang tanga!

Ang kapal talaga ng mukha niya!!

Makakatikim talaga siya ng sampal sakin. Promise.
Sampal nalang! Baka makatulog ng years yan pag sinuntok ko e. Saka.. Babae parin yan.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon