ANALYN POV
" Bye! " sigaw ko kay Aldrin nang ihatid namin siya ni Kelvin sa eskwelahan.
" Oh my God!! Analyn Gatchalian?! Kelvin Garcia?! My God Kayo nga!!" Sigaw ng isang babaeng hindi ko masyadong makilala dahil para siyang sabukot na ewan.
" Sino ka ba? Bakit kilala mo kami?" Tanong ni Kelvin sakanya.
Nandito kasi kami sa Gate ng eskwelahan ni Aldrin. Nakatayo kami dito.
" Di niyo ba ko nakikilala?! My God! Ako to! Si Rebecca Assuncion!!"
Rebecca??
" Becca!!!" Sigaw ko tapos ay hinawakan ko yung kamay niya.
Isa siya sa mga barkada namin nung grade school, kaso di na siya nag aral nang high school dahil marami silang magkakapatid at di sila kayang pag aralin ng Tatay niya.
Yun yung kwento niya samin dati.
" Kumusta na kayo?! Aba biruin mo nga naman! Kayo pala magkakatuluyan! Ilang years na kayo?!"
O_O --- Ako
O_o --- Kelvin
^_^ ---- Siya" Baliw! Anong kami?! Highschool pa lang kami gaga! Saka hindi kami!"
" Aahh.. Oo nga pala. Hahaha malay ko ba! E may hinatid kayong bata! Akala ko anak niyo!"
" Gaga! Kapatid ko yun! Saka, Kung magkakaanak man ako siguradong baby pa. Ito talaga.." Biro ko sakanya saka ko siya hanampas sa balikat niya.
Pabirong hampas lang naman.
" E paano! Kultang kulta na yung utak ko! Sorry ha! Akala ko naman kayo na nitong Ex Crush ko! Hahaha. Kumusta ka na?"
" Okay lang." Sabi ni Kelvin saka nagbigay ng ngiti.
" Haay naku! Ang gwapo mo pa rin ha! pero bakit ganyan?? May pasa ka sa mukha mo?"
" napaaway. Pero, salamat ha. "
Hala?!
Ano nakain nitong lalaking to??
Wala atang hangin ang utak at hindi nagyayabang?
May iba talaga sakanya.
Kanina ko pa pansin. Tahimik lang siya. At di masyadong nag iingay.
" Haay naku! Ikaw? Kamusta ka na? " singit ko nalang para hindi masyadong ma'out of place ang kagandahan ko.
" Eto. Labandera. Hatid sundo sa mga kapatid ko dyan sa Elementary dyan sa public. Di namin kaya dyan sa Private na yan e, di tulad dati kaya pa ni Tatay, ngayon hindi na. Tapos.. Minsan, pag walang labada nagtitinda ko ng isda sa palengke sa pwesto ni Aling Chichay!"
" Grabe naman pala. Buti nakakaya mo?"
" Eto naman talaga ang buhay namin e. Kaya, tyaga tyaga lang. Saka ganun lang talaga ang buhay! Kailangan challenging!"
Sabi niya kaya nagkatawanan kami parehas." Ahh.. Doon muna ko sa kotse ha. Hintayin nalang kita doon." Paalam ni Kelvin saka umalis.
" Hoy, teka nga! Ikaw ba ay hindi ka pa talaga nililigawan nun?"
" Gaga. Hindi no."
" Huh! Lagi kayong magkasama e! Tapos tingnan mo pati Hanggang ngayon together kayo! Aba! Baka forever na yan?! "
" mag bestfriend kami alam mo yun."
" Hmm.. Bestfriend?! Kapag kinasal kayo! Abay ako! Wag mo na kong gawing ninang ng Anak niyo dahil wala akong ibibigay!!"
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...