ANALYN POV
" Ewan ko sayo!" Bungad ko habang nag eexplain sakin si Kelvin.Kanina pa nandito yan samin. Nagpapaliwanag about sa nangyari.
Paulit ulit siya.
" Ee.. Sorry na nga! Ikaw naman kasi! Nagsinungaling ka pa! Makikipagkita ka lang naman pala sakanya."
Kaya pala malakas ang loob niyang patamaan ako kahapon ay dahil sinundan nila ko ni Aldrin sa mall.
Nakakainis talaga!
" bakit? Kung sinabi ko ba sayo, Papayag ka ba? Saka.. Tigilan mo ko sa iniisip mo! Hindi ako nakipagkita sakanya para sa kalandian ko! Nakipagkita ko sakanya dahil nahihiya ako dahil sa ginawa mo sakanya nung monday! "
" E bakit nga kasi di mo sinabi?!"
" Dahil nga ayaw kong mangyari tong ganitong bagay! Pero dahil dyan sa init ng ulo mo, ayan! Nangyari na! Ano napala mo? Wala! Nasuspindi ka pa! Yan ang napapala ng mga taong dinadaan lahat sa init ng ulo ang lahat ng bagay!"
" Yanna naman e! Pikang pika na talaga ko doon sa lalaking yun, kaya ko nagawa yun! Pakiramdam ko kasi inaagaw ka niya sakin."
O_O
Inaagaw??
" Inaagaw? Anong inaagaw?" Tanong ko.
" Yung pagiging mag bestfriend natin! Pinipilit niyang agawin para mapunta sakanya yung atensyon mo! "
Yun lang naman pala e!
Buti di ko na mis interpret yun.
" Kelvin naman.. Para kang bata. Hindi naman kita syota para magkaganyan ka diba?!"
" Yun na nga! Hindi nga kita syota kaya nga gusto ko!... "
" Gusto mong ano?!"
Tuloy tuloy yung usapan naming yun, pero siya yung napahinto.
" Wala. Gusto kong Ingatan ka. Kasi nga... Di ko kayang makita kang nasasaktan at sinasaktan ng kung sino."
" E di wag mong tingnan. "
" Yanna naman!"
" Nyeta ka! Naiinis na ko sayo! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan kapag nakikita mo kong nasasaktan ha?! Kelvin ako rin! Tingnan mo yang itsura mo! Para kang asong binugbog ng sampung kabayo!
Kung akala mong ikaw lang ang ayaw makakita na nasasaktan ang bestfriend mo! Pwes! Nagkakamali ka! Dahil sobra sobrang sakit na yung ibinibigay mo sakin sa oras na nakikipag away ka sa mga walang kakwenta kwentang bagay! Sobra sobra yung sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sayo!! Dahil sayo, Kelvin! Dahil nasasaktan ka nang dahil sakin! Nang dahil dyan sa kaselfish'an mo napapahamak ka. "Hindi ko na naiwasang umiyak habang sinasabi ko yun.
Naawa kasi ko talaga sakanya.
Para siyang namamagang pigsa.
Tapos kanina yung isa, nakita ko. Mas grabe pa.
Shemay silang dalawa!
Pero, wala akong paki kay Spencer. Cause I care about my
Bestfriend situation.Siya lang ang iniintindi ko. At hindi ang kung sino.
Nakakuha tuloy siya ng reward na suspension.
Bwiset kasi e!.
" Yanna. Sorry. Don't cry."
" Ayaw mo kong nasasaktan nang kung sino?! Kaya ikaw yung nagpapakasakit para abutin mo yan! Pero, hindi mo alam na mas sinasaktan mo ko dyan sa mga pinaggagagawa mo! Na ikaw mismo yung nanakit sakin, Kelvin. Akala mo kasi ikaw lang yung mahihirapan e. Hirap na hirap na kong intindihin yang napakagulo at buhol buhol mong utak!"
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...