PART 58

81 3 0
                                    

KELVIN POV

Para kong binagsakan ng langit sa nalaman kong balita. Para kong kinuyog ng mga tao sa buong mundo dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko akalaing yung bigat ng pakiramdam ko mula kagabi at hanggang kanina ay iyon ang ibig sabihin.

Bakit?? Ano kasalanan ko para iwanan ako ni Mommy.
Nangako siya sakin e... Bakit ganun? Hindi siya lumaban?

Sabi ko sakanya... Magkikita pa kami e!!

Shet!

Ang sakit. Sobra!!

Ano ba tong nangyayari! Sabihin mo sakin Panginoon na hindi totoo ang balita ni Kuya sakin.

Please!!!
T_T

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kotse ko.

Wala na kong pakielam sa JS na yan. Kailangan ako ng Mommy ko.

Umuwi ako ng walang sabi sabi at pagkarating ko sa bahay nila Kuya ay may nakaburol na nga.

May mga ilaw at may mga taong dumarating.

Nang lumabas ako ng kotse ko ay lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nanlalambot ang tuhod ko at ang sakit sakit ng puso ko.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko kahit gusto kong lumakad ng mabilis.

Nahihirapan ako. Hindi ko kayang pumunta sa lugar kung nasaan siya.

Iyak lang ako ng iyak habang dahan dahang naglalakad.
Kinakaya ko kahit nahihirapan ako.

Kailangan kong makita at mapatunayan mismo sa sarili kong mga mata kung si Mommy nga ba talaga yun. Saka lang ako maniniwala.

Nakita ko si Ate pero di ko siya pinansin.
Diretso lang ang tingin ko at umiiyak lang ako.

Pagkalapit ko ataul ay napalamukos ako sa mukha ko at napaiwas ako ng tingin.

" Mommy" nanginginig na boses na usal ko habang hindi talaga ko makatangin sakanya.

Panay agos lang ng luha ko. Gusto kong manuntok pero nanghihina ako. Gusto kong buhatin si Mommy para gisingin siya or what... Pero... Di ko kaya.

" Ang daya mo, Ma! Sabi mo magkikita tayo. Sabi mo.... Pupuntahan kita sa bakasyon para alagaan ka, diba? Pero Ma, One month nalang hindi mo pa ko naintay-------ang  sakit sakit Ma. Ang daya mo. Si Daddy kasi e. Sabi ko.. Alagaan ka niya.. Pero sumama ka sakanya. Parehas kayong madaya. Nagpasundo ka agad sakanya. Hindi mo manlang ako naisip. " Humihikbi at pahinto hintong sabi ko kay Mommy.

Alam kong hindi niya ko naririnig pero gusto ko lang siyang kausapin.

Pinipilit kong ngumiti kahit naiiyak ako para lang ma'lessen ko yung pain pero di ko kaya kahit pekein ko pa yung ngiti ko.

Hindi talaga ko makangiti ng maayos. Ayaw ko na.

" Kung alam ko lang Ma na hindi na tayo magkikita pagbumalik ka? Sana sumama na talaga ko sayo. I'm sorry, Ma. I'm sorry. Sobrang laki ng kasalanan ko sayo.. Sobrang dami kong pagkukulang sayo, Ma! Ma!! Please... Kausapin mo ko! Gumising ka na dyan!!!"

Naramdaman kong palapit si Kuya Lance sakin, pero di ako nagpatinag.

Nagpatuloy lang ako.

" Pero nung mga araw na gusto kitang makita at makausap... Niisa sakanila ayaw akong payagan. Nilalayo kanila sakin, Ma. Ngayong wala ka na saka ko lang tuloy masasabi to... Ma..... Mahal na Mahal kita. Sobra. Alam kong napatawad mo na ko at mahal na mahal mo ko... Pero Ma... Kulang pa lahat e. May gusto pa kong punan kasama ka."

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon