PART 36

83 3 1
                                    

KELVIN POV

I'M SO DAMNED!!!!

I don't know what to do! Shit!

Di ako makapag isip ng maayos!

Pinipilit kong maging masaya pero,... What the hell!

Pati tong moment na to, nanakaw ng babaeng yun!

Hanggang dito ba naman dapat daladala ko yung problema niya?!

Kung magka'cancer siya. Kasalanan niya yun. And not mine.

Karma niya yan! Pero ano to!

What kind of bullshit is this!

" Kelvin. Kanina pa kita tinatanong, pero wag mo sanang mamasamain. May problema ka ba? Kung meron sabihin mo."

No.

I dont want you to know.

Ayaw kong kulitin mo ko para kauspin ko ang Nanay ko.

Buti nga di mo na naalala ang tungkol doon e.. Tapos ipapaalala ko pa?

Haay!

" Wala. Wag mo nalang akong pansinin. Tara, let's go home."

" Huh? Ano yun? Dinala mo lang ako dito without any reason talaga ha? Kakarating lang natin uy. Mamahinga muna tayo. Saka... Mukang masarap yung pinaluto mong pagkain ha."

Kesa naman hindi kita makausap ng maayos diba?

" Sa inyo ka na kumain. O gusto mo mag drive thru nalang tayo para makakain din sila Aldrin nang iuuwi mo."

" Ano ba talaga problema mo? Diba plinano mo to? Bakit gusto mong sayangin lahat? "

" Wala. Tara na."

" Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi. Porket mayaman ka kailangan sayangin na lahat ng pinaghirapan mo kapag tinoyo ka."

Haay!!

" Masama ang pakiramdam ko. "
Palusot ko pero mas mabilis pasiya sa bullet magsalita.

" Sinungaling. May tanong ako sayo. Bakit ka naluluha kanina? Wag mong isasagot sakin na napuwing ka lang. Benta na yan."

Haay!

Ano pa ba ang di benta sayo??

Maniwala ka lang.

" Nag away kami ni Luigi. Okay?"

" Bading ka ba?"

" Syempre hindi."

" Simple thing nagpapaapekto ka? Tadyakan kita e. Yung totoo kasi. Nagsisinungaling ka e. Nababasa ko sa mata mo."

" Yanna, pwede ba? Wag ka nang makulit. I want to go home."

" Ask if I want? And I will tell you that I dont want."

Ang tigas din ng ulo nito e. Gusto kong manuntok ng pader.

Di ko na talaga alam ang mararamdaman ko.

" Alam mo... Kanina sabi ko, hindi ka nalelate sa usapan natin. Pero... Hindi ako nawalan ng pag asang mag intay kasi alam ko darating ka. At di nga ako nagkamali kasi, eto ka. Kaharap ko. Pero alam mo? Hindi kita feel. Buti pa yung hangin kahit hindi ko nakikita nararamdaman ko. Buti pa yung bagyo, kapag pinaghahandaan dumadating. E ikaw? Pinaghandaan mo nga to, pero ano nangyari? Wala. Nandyan ka nga pero parang hindi naman kita mahagilap.
Sana hindi ka nalang dumating at nagsayang ng oras sa ganitong event. Sana hindi ka nalang dumating kanina. Wala pa sanang umasa at nagmumukhang tanga ngayon. Oh ano? Gusto mong umuwi? Sige. Umuwi ka na. " sabi niya saka tumalikod sakin at pumunta doon sa may likod ng curtain.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon