SPENCER POV
Nang imulat ko ang mga mata ko, pakiramdam ko sobrang sakit ng katawan ko.
Tinangka kong bumaling ng posisyon pero nasaktan lang ang tagiliran ko at ang hita ko.
Teka??
Nasaan ba ko???
Di ko naman to kwarto ha?
Hindi pure white ang paint ng kwarto ko. Blue yun!Saka... Bakit may dextrose??
Ano ba nangyari sakin??
Teka??
Sino ba tong nakayuko na to sa tabi ko??
Tiningnan ko yung balangkas niya pero di ko makilala dahil di nga ako makakilos ng husto.
Nang tatangkain ko sana siyang kalabitin ay biglang may nagbukas ng pinto.
Si Eric.
" Insan. Nasaan ako? Sino to?"
" Tanong mo sa sarili mo. Gago. Tingnan mo yang itsura mo. Mukha kang unggo! "
Inisip ko naman kung ano yung nangyari... At kung bakit ako nagmukhang bugbog sarado.
Uminom lang naman ako e, dahil galit ako kay Mommy at kay Kelvin.
Tapos....
Tapos...
Napatigil ako ng kakaisip ng maalala kong napaaway ako kayla James kagabi.
Nagsapakan kami dahil iniinis niya ko at nagpapagawa siya ng dare na ayaw kong gawin kaya nagkainitan kami at...
" Shit!! Sila James?! Where are they! Papatayin ko sila!"
" Wow, Insan. Ikaw nga tong muntikan nang mamatay, tapos gusto mo ikaw pa ang papatay ngayon? Yung totoo kaya mo? Saka wag ka nang mag alala. Inayos na ni Tito at nung may ari ng bar yung kaso. At para lalong mapag tibay na sila James ang nag umpisa. Tumistigo sila Alfred na tumulong sayo kagabi. Inabot din ng mga pasa yung mukha ng mga loko. Gago ka! Kaya ayun... Nakakulong na sila James. Wag ka nang mag alala."
Ako??
Tinulungan ako ni Alfred at Ian??
Pero... Bakit??
Ibig sabihin ba nun?
Mabait talaga sila at di nila iniisip ang isang taong ililigtas nila kung kaaway ba nila to o hindi.
Napangiti ako sa isip ko.
Kasi... Di naman nila ko kaibigan pero, tinulungan nila ko.Salamat kung iniligtas nila ko at tinulungan.
Pero, yung James, Dexter at Rolly na yun...
Hindi!Hindi ako papayag hanggang di ako nakakaganti sakanila!
Dinala ko sa ospital dahil sa ginawa nila sakin. Tapos kulong lang ang aabutin nila?
Kung habang buhay! Sige! Payag ako! Pero alam kong papalayain parin sila.
At di ako papayag!
Pero, teka!!Maiba ko ng usapan....
Sino ba tong nasa tabi ko?
Hindi naman siya si Daddy kasi wala namang puti ang buhok niya e.
Sino to?" Insan? Sino ba to?" Tanong ko sakanya tapos nagkibit balikat lang siya saka ngingiti ngiti.
Bwiset!!
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...