ANALYN POV
Isang linggo ang lumipas mula ng mailibing ang Mommy ni Kelvin.
Aaminin kong sobrang laki ng pinagbago ni Kelvin. Hindi siya yung tulad nung dati na kahit papaano ay may interes mag aral. Ngayon ay wala na. Cold pa siya makitungo at gusto laging mag isa.
Pati ako ay ayaw niyang kausapin. Kapag uwian ay maaga siyang umuuwi at hindi niya ako iniintay.
hinahayaan ko nalang ang bagay na yun dahil naiintindihan kong may pinagdadaanan siya.Pero ang malaking tanong kasi...
Mahalaga pa ba ko sakanya? O hindi na.
Parang balewala na kasi ako e.Kung daan daanan niya lang ako ganun ganun nalang. Magkasama kami sa iisang bahay pero parang wala lang siya.
Kakausapin ko, pero di magsasalita." Wag mo nalang pansinin, Analyn. Hanggang kaya mo. Magtimpi ka nalang."
" Yun naman ang ginagawa ko, Alfred e. Kaso... Habang tumatagal... Parang nararamdaman ko na... Wala na talaga kong halaga sakanya. Hindi niya ko kinakausap, pinapansin, tapos iniiwanan niya ko lagi. "
" Mahalaga ka sakanya. Ikaw pa ba? Wag kang magisip ng kung ano. Kaya lang siya ganun kasi, di niya natanggap na.. Niloko siya ng pamilya niya. Hindi niya tanggap na wala na yung Mommy niya."
" Alam ko naman yun e.. Kaya nga nagtityaga ako "
Hindi na siya sumagot sakin at nagpatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad pauwi.
Hinatid niya na si Nancy kanina, pero bumalik siya sa school dahil may naiwan siya. Naabutan niya kong pauwi na kaya sumabay na siya sakin. Sira daw kasi yung kotse niya di pa napapaayos kaya nag'commute nalang siya papasok at sa paghatid kay Nancy.
E dahil daw sa maglalakad lang ako, sasabay na daw siya.
Wala lang. Trip ko lang maglakad. Maaga kasing nagpalabas ang school e. May namatay kasing isang co'teacher nila. Para daw di sila gabihin sa pag uwi eee nagpaaga nalang sila ng uwian ng mga estudyante ng sa gayon, maaga ri silang makauwi from burol.
" Maiba ko.. Ano na ba talaga ang status niyo ni Nancy?" May maitopic lang. Tahimik na kasi e.
" Complicated." Nalangiting sabi niya sakin kaya inasar ko siya.
Halatang kinikilig siya.
" Anong complicated? Ayusin mo explanation!?" Tatawa tawang sabi ko
" Basta. Gusto ko siya.. Gusto rin daw niya ko.. Pero bawal maging kami."
" Huh! Kunwari pa kayo! Umayos nga kayo! Isang buwan nalang ang klase oh! Ano balak niyo? Tiyak yun di kayo magkikita this vacation kasi uuwi siya sa probinsya nila. Tapos ikaw tambay ka lang dito. Or worst, baka maglalasingan lang kayo.. And another worst thing... Baka kasama niyo na si Kelvin dyan sa sessions niyo. "
" Yun na nga ang problema e... Iniisip ko kung susundan ko siya para mapatunayan ko sa pamilya niya na kahit nag aaral kaming dalawa ni Nancy, hindi masisira yung pag aaral niya. Gusto kong patunayan sakanila na.. Handa akong gawin lahat ng ipapagawa nila payagan lang nila kami ni Nancy na maging magkasintahan.
Saka... Grabe ka sa tambay ha! Haha. "" Tingnan mo nga naman! Haha. Yung kaibigan naming torpe at walang paniniwala sa mga love love na yan! Ngayon e inlove na inlove! Haha"
" Loka!"
" Kung ako sayo.. Sasama ko sakanya at yung plano mo na yan.. Gagawin ko. Kasi.. Mas maganda kung pinaghirapan mo yung OO niya kesa naman parang kami lang ni Kelvin.. Tingnan mo tuloy.. Ang gulo namin parehas."
" Baliw. Alam mo ikaw! Palagi mong nirerelate yung mga bagay bagay sa sarili mo! Hindi maganda yan."
" Aahh basta! Sumama ka sa probinsya nila Nancy para makita at mahanap mo ang forever mo! At ito ang payo ko sayo, para magtagumpay ka... You need to pray always."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...