ANALYN POV
Nag eexam kami ngayon.
Di ako makapag sagot ng maayos lalo na sa math dahil si Kelvin ayaw mag concentrate sa papel niya.Ako ng ako ang pinupuntirya.
Parinig ng parinig. Salita ng salit ng kung ano ano. Ewan ko kung patungkol sakin yun pero natatamaan ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Di ko na maunawaan ang ugali niya.
Ayaw ko namang patulan dahil sabi ni Beauty sakin kanina. Dedmahin ko nalang.
Sinabihan ko na rin sila Alfred na wag nang lumapit sakin dahil nga sa nangyayari.
Oo. Parang praning lang. Pero, wala naman akong magagawa e. Para maiwasan nalang din yung away sa pagitan naming dalawa.
" May mga tao talagang hindi ka naiintindihan. Nasasaktan ako. Sobra. Lahat nalang sila niloloko ko. Haha. Putang ina!!"
O_O
Nagulat ako dahil ang lakas ng mura niya.
" Mr. Garcia!? " si Ms. Joson.
" Po?" Natatawang sagot nito.
" Bakit nagmumura ka? Gusto mong wag mag'take ng math exam mo? "
" E di wag. Sino tinakot mo." Tatawa tawang sabi ni Kelvin kaya napatingin sakanya lahat.
" Aba!!--"
" Ms. Joson.. Nag jojoke lang po siya. Wag niyo nalang pong patulan " pagputol ko sa sasabihin ni Ms. Joson tapos ay napatingin ako sakanya.
Ngingiti ngiti siya pero sarkastiko.Napatingin naman ako kay Denise at ngumiti lang siya sakin ng pilit.
" Pagsabihan mo yang nobyo mo.
Ngayon nalang ulit nagpakita yan dito ganyan pa ugali."Hindi na ko sumagot at nagsagot nalang ako sa test paper ko.
" ano sagot sa number 10?" Tanong niya.
" Number 10 ka palang?" Takang tanong ko. Malapit na kasi matapos yung time para sa subject ng math.
" Pakielam mo? Buti nga may sampu pa kong sagot at hindi lahat inasa sayo."
" B. " sabi ko nalang sakanya at di na siya nagsalita.
Nang matapos ang exam ay naglabasan na rin kami. At gaya ng dati.. Iniwan na naman niya ko.
Di na ko magtataka. Ayaw ko lang magalit.
" Uy! Sabay ka na sakin?" Si Michael.
" Wag na. Salamat nalang. Mag'commute nalang ako."
Makulimlim kasi. Baka umulan maabutan pa ko sa daan kung maglalakad lang ako." Tara na. Wag ka nang mahiya. Okay lang sakin."
" Hindi na talaga. Salamat nalang."
" Ang hirap ng Exam natin sa math no? Parang ikaw."
" Ha?" Takang tanong ko naman.
Nagulat nalang ako ng biglang may magsalita sa likod ko.
Kelvin??
" Ang hirap ng exam kanina no? Parang yung utak mo! Ang hirap umintindi!!!"
Napasigaw nalang ako ng biglang sapakin ni Kelvin si Michael.
" uy! Ano ba! Kelvin! Tama na nga!" Awat ko sakanya. Saka lo siya inilayo.
" Hoy ikaw gago ka! Pumili ka ng tataluhin mo! May syota na yung pinopormahan mo, Gago!!!"
" Kelvin!!" Awat ko ulit.
Ang lakas naman ni Kelvin ata ngayon.. Hindi ko siya makayang awatin.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...