PART 14

93 5 0
                                    

ANALYN POV

" Bye! Ingat ka!" Sabi ko kay Kelvin tapos ay pinaandar na niya yung motor niya.

Kinikilig talaga ko sa nangyari kanina!

Yakap niya ko. Tapos, nagkatinginan pa kami ng malapitan!

" Aaaaaaaaaaahhhhhhh!!" Sigaw ko dahil wala na naman si Kelvin.

Kanina ko pa talaga gustong gawin yan, pero di ko magawa e. Syempre.. Nag titiis lang din ako ng kilig.

Pero alam kong wala lang yun. Walang malisya yun.
Lagi naman kaming ganun e.

Sweet pero hindi dapat bigyan ng meaning.

Kasi nga!

Bestfriend ko siya.

Pero, teka lang.
Parang may napansin ako kay Kelvin.

Parang balisa siya na di ko maintindhan kung ano ang iniisip niyang something.

May problema ba siyang hindi niya sinasabi sakin?

Pakiramdam ko kasi, meron e. Ayaw lang niyang sabihin...

Haay naku!

Ngayon pa ba?!

E halos lahat! Alam ko na sakanya!
Ngayon pa siya magsisikreto?

May mali talaga. May sikreto siyang ayaw niyang ipaalam.

Madaya siya.

Pero, sabagay kasi...

May secret din ako sakanya.

Dalawa pa nga e.
Una, yung true feelings ko for him. At
Pangalawa yung sinabi ni Spencer sakin na balak niya kong ligawan.

As if naman na gusto ko no?

No way!

Kahit na alam kong si Kelvin ay liligawan si Nancy, ay wala parin akong pakielam.

Bakit naman ako maiingit?

:(

Actually... Kaingit ingit nga kung mangyari nga yun.

Pero wala akong pakielam.

Manhid na kung manhid, pero... Huh!

Bahala siya.

Di ko siya pipiliting mahalin niya ko.

Sino ba ko?

E ako lang naman si Analyn Gatchalian!
Bestfriend niya. Kaklase niya. Kopyahan niya pag may exam. Nagpapagaan ng nararamdaman niya sa oras na nasasaktan siya at higit sa lahat. Yung babaeng tinatanggap lahat ng sakit para sumaya lang siya.

Haay!

" Asan ang kalaban!"

" wala!" Sabi ko kay Kuya.

Natawa ko sa outfit nilang dalawa ni Aldrin. Para silang susugod sa giyera.

Hahaha.

May hawak pang mga baseball bat.

Mga loko loko.

" Bakit sumisigaw ka? Nasaan na si Kelvin?"

" umuwi na." Nakangiting sabi ko.

" Anyare sayo?"

" Wala, Kuya."

" alam mo ikaw? Di ko kayo maintindihang dalawa. Away bati kayo. Kayo ba?"

O_O

" Hindi ah!" Angal ko. Mabilis yun.

Ayaw ko kasing may makaalam, dahil pag nangyari yun... Mag uumpisa ang asaran. Malalaman ni Kelvin. Mag iiwasan kami. Diba?

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon