ANALYN POV
" WHAT???!!! Ginawa ni Spencer yun?"
" Babaan mo nga yung tono mo. Para kang eng eng. Magkaharap lang tayo oh. Lakas ng boses mo."
Inirapan ko lang siya saka ako muling kumain.
Paano, sabi daw ni Ian sakanya nagpunta daw sa bar ng Dad niya si Spencer tapos binastos daw si Denise at yung negosyo nila.
Hindi talaga ko makapaniwala.
Tapos nangyari pa yun, kahapon. Noong pagkagaling nila dito ni Eric.
Huh!
Bakit ba ang mga kabataan ngayon, walang ibang alam kung hindi GULO! AWAY! BASAG ULO! MGA BWISET!
" oh? Bakit ang sama ng tingin mo sakin? Hindi ako naggagawa ng istorya noh. Galit ako sa SUITOR mo pero i'm not a liar."
" Defensive mo. May sinabi ba ko? Saka anong Suitor?"
" Tanga! Manliligaw! Honor ka pa niyan ha!"
" Gago! Alam ko. Ang sinasabi ko sayo, hindi ko siya suitor. Kahit nga kaibigan hindi e. suitor pa kaya?"
" Wow. Flowers plus Chocolate plus Love Letter. Sa tingin mo ano yun? Teacher kaya yun? "
" Ewan ko sayo."
Para siyang timang!
May masabi lang.Nakakairita sila.
" Tingnan mo ha, kung ibang babae kaya niyang bastusin ng ganun? How come kung ikaw pa? Diba?"
" Ano?" kunwaring hindi kklo narinig.
" Wala." Sabi niya saka niya ko pinandilatan ng mata.
Nagpatuloy lang kaming kumain hangang sa...
" Di lang kasi ako makapaniwala----" pangunguna ko pero pinutol niya.
" Sino ba pinaniniwalaan mo? Si Ian? O iyon? Huh! Yanna.. Hindi gagawa ng kwento si Ian. Sinapak nga daw niya e. "
" Ewan ko sa inyo. Kahapon ka pa. Kung ano ano sinasabi mo sakin."
" Hahaha! Syempre. Tingnan mo, umalis yung ugok? Itinapon mo na ba yung binigay niya? "
" Oo."
" Very Good. Ganun lang gawin mo. Tanggap ka lang tapos, pagtalikod tapon tapon na din. Hahaha."
" Nahihiya na ko doon sa tao. Nakakaawa siya."
" Wowowow! Sino ba nagsabi sakanya na magbigay siya? Ikaw? E ano ba magagawa niya kung ayaw mo naman nung ibinibigay niya."
" It's not like that."
" Ewan ko sayo. Basta! Ligawan ka na nang kahit na sinong adik sa kanto! O kahit na adik sa prisinto! Papayag ako. Basta, wag lang yung lalaking yun. Di ko talaga papayagan. Susulsulan ko pa si Kuya Lance para maging tagumpay ang plano ko. Hahaha"
Parang ito ang Kuya ko. Pansin niyo ???
" Napakasama mong tao."
" E siya na mabuti."
" Gusto niyo kutsilyo?" Tanong ni Aldrin samin tapos may dala nga siya.
" Loko! Tagain kita e! Haha."
Hindi ko tuloy napigilang matawa dahil parehas silang tumawa.
Si Kelvin kasi tinusok si Aldrin ng kutsara sa tiyan.
Mga bwiset.
Puro kayo harutan.
Mga loko loko.Pero, sarap nilang tingnan.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...