ANALYN POV
Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Kasama namin yung Mommy ni Kelvin or should I say na yung pamilya niya.
Libre na daw ni Tito Rodrigo yung lunch e kaya pumayag na kami.
Sinasama nga nila sila Denise
kaso ayaw nila.For sure.. Nahihiya lang yun.
Bigla kasing nawala si Alfred e. Saka si Nancy.
Hahanapin daw nila saka sila Mag'lunch.
Anyway,
Nandito rin naman si Kuya kaya panatag ang loob ko.Ang wala lang naman dito ay yung kapatid naming bunso. Si Aldrin at si Marie.
May eskwela kasi sila kaya di sila pwedeng umabsent para manuod at makasama dito.
Lunch lang naman kasi, babalik din kami mamaya nila Eric dun sa School.
Oo.
Kasama namin si Eric kasi parte siya ng pamilya ni Kelvin kahit na... Malayo.
E... Kamag anak na rin niya kasi, pinsan nga naman ni Spencer diba? Kaya hindi talaga mawawala si Eric dito. Yun nga lang, wala dito si Pauleen. Haha.
Lungkot ata siya e. Haha.By the way,
Napaka saya ko dahil hindi ko talaga ine'expect na mananalo ko.
Title holder pa kaming dalawa ni Kelvin.
Di lang talaga ko makapaniwala na out of 21 candidates for different year and sections ako yung pinaka nag'stand out sa babae tapos si Kelvin naman sa lalaki.
Aaminin kong, ayaw ko nitong pageant pageant na to.
Pero, yung manalo ka. Sobrang napakagaan sa pakiramdam. Tapos may mga awards pa kong naiuwi.
At higit pa dun, may 5 thousand ako. Haha. Si Kelvin man meron.
Hahaha.Pero, hindi naman premyo yung habol ko no. Alam niyo yan from the very start.
" Say aahh." Sabi ni Kelvin sakin tapos may isinusubo sakin sa kutsara niya.
Di na naman ako nag'umarte pa at sinubo ko nalang.
" By the way, Congratulations nga pala ulit sa inyong dalawa. Deserving talaga kayo. " sabi ni Tita.
Teka??
Ano ba ang pangalan niya?
Di ko knows e.
" Salamat po, Tita--"
" Mommy nalang. Tutal girlfriend ka ng anak ko diba?"
Nanlaki naman yung mata ko dun.
Excited naman po kayo masyado.
" Ma." Angal ni Kelvi pero halata sakanya ang tuwa.
" Ma. Hindi pa. Kailangan pang manalo ni Tol sa basketball. Haha. Ipag'pray natin ang kaluluwa niya para manalo hahaha." Sabi no Spencer kaya natawa kaming lahat.
" Huy, Kuya! Mananalo ko. Kahit wag mo kong ipagdasal." Tatawa tawa ring sabi ni Kelvin.
Tingnan mo tong dalawang to.
Magiging magkasundo rin pala e. Umabot pa sa mga bangayan.
Kung alam ko lang na magkapatid kayo nun?Hay naku! Sinabi ko na kung ganyan din naman pala ang kalalabasan.
Sana di na kayo nagkasakitan.." Sayang. Di kita mapapanuod, Tol. Bawal na ang outsider e. "
" Di ka naman outsider ha?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...