PART 39

68 1 1
                                    

KELVIN POV

Hanggang ngayon ay di ako makaalis para umuwi.

Nandito ako sa bahay nila Mommy, dahil hindi siya mapakali sa pag iintay sa pagdating ni Spencer.

Dapat pala talaga sinundan ko siya nung umalis siya e.

Tinatawagan siya ng mga kapatid niya at maging ang pinsan niyang si Eric na napasugod pa dito dahil sa nangyari pero di nila makontact si Spencer.

Syempre, nagulat si Eric sa nalaman niya at natuklasan niya, pero wala naman siyang magagawa dahil iyon ang katotohanan.

Pero, di ko siya pinsan. Si Spencer at Ate Rica lang ang may pinsan sakanya.
Saka yung isang babaeng kapatid din pala nila sa Ama. Maganda rin. Pero mukhang suplada.

Lahat kami ay nag aantay na tumawag siya at sagutin ang tawag namin pero, wala e.

Cannot be reach talaga.

" My God! Saan nagpunta yung Boyfriend ko!" Sabi ng isang babaeng sa pagkakaalam ko ay Rizza ang pangalan.

Girlfriend daw ni Spencer for a long years yun ang kwento ni Ate Rica sakin.

Playboy pala tong kapatid kong to e. May girlfriend pala siya sa States pero nililigawan niya si Yanna.

Buti nalang talaga at ako ang mahal ni Yanna at ako ang nagmamahal ng totoo kay Yanna. Kung hindi... Masasaktan lang kami pare parehas.

Pero... Teka???

Did I called Spencer na Kapatid??

Tinatanggap ko na ba talaga ang sitwasyon?
O tinatanggap ko lang dahil sabi ni Mommy na magkaayos kaming magkapatid.

Gustuhin ko man kasing tanggihan, pero wala naman talaga akong magagawa. Makikisama nalang siguro ako.
Dahil iyon ang katotohanan.

Tutal, mabait naman pala talaga yung pamilya nila e.
Pati yung second husband ni Mommy nakausap ko kanina, at mabait siya.

Nagsorry siya sakin sa nagawa nilang kasalanan and at the same time nagpasalamat na rin siya dahil sa wakas daw, pinatawad ko na ang Mommy ko.

Pinaalam na rin ni Mommy sakanila yung sitwasyon niya at tulad nang inaasahan, nagulat sila at nag iyakan.

Ipapagamot daw ni Tito Rodrigo si Mommy sa States para daw gumaling.
Tapos nag iyakan sila.

Ako naman ay pinilit kong wag maiyak dahil ayaw kong maging mahina. Kailangan ni Mommy ng lakas. At sigurado kong ako ang isa dun.

Si Ate Glenda nalang ang walang alam sa nangyayari at si Marie.

Ako nalang ang bahalang magsabi sakanila pagkauwi ko.

Nasaan na ba kasi si Spencer??

" Wala ba kayong alam na pwede niyang puntahan? Eric?" Tanong nung kapatid nilang si Gladys daw.

E syempre dahil sa mabait na bata ako at gumagalang.

Tatawagin ko na rin siyang Ate Gladys.

" Wala talaga, Ate. Nakita ko siya sa Restaurant kanina, pero si Ate Rica pala ang kasama niya. Pero yun pa yung time na hindi pa siya nag'walk out. Saka, tumatawag siya sakin kanina e. Kaso di ko nasagot dahil naliligo ako. I'try to call him back after i take a bath pero cannot be reach na siya. Ayaw na niya kong sagutin."

" E saan nagpunta ang Baby ko. Baka may alam ka pa. Isipin mo naman Eric. Please... Nakakaramdam talaga ko ng ibang energy e. Bad energy." Sabi nung Rizza.

Uso ba maaarteng tao ngayon?
Yung maganda nga, sexy at may poise. Pero maarte naman.

" Sige. Ako na bahala. Tatawag ako ng mga pulis para sa kasong to. "

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon