ANALYN POV
Maraming mga couple ngayon ang naglalakad, magkahawak kamay at nagdedate.
Valentines na kasi ngayon. Sobrang bilis nga ng panahon e.
Parang kahapon lang ay pasko tapos nag bagong taon at nagpasukan.
Tapos sa friday, JS Prom na.Ang bilis lang talaga kasi, matatapos na ulit ang school year tapos mag'fourth year na din kami next pasukan.
Nandito kami ngayon ni Daddy sa park.
Naglalakad lang kami. Katulad ng iba, magkaholding hands.Si Kelvin yung tinutukoy kong Daddy, siya kasi yung may gusto na ganun. Nung una ayaw ko nga rin e. Kaso, dahil sa gusto naman niya.. Pinagbigyan ko na.
" Gusto mo ng Ice cream?" Tanong niya sakin at tumango lang ako.
Iniwan niya ko na nakaupo dito sa may bleacher.
Nang sa hindi ko inaasahang may biglang tumabi sakin.
Di ko namam siya tiningnan. Umusog pa nga ako sa gawing kanan ko kasi sobra siya kung makagitgit.
Tiningnan ko si Kelvin at bumibili pa rin siya. Ang dami kasing bumibili kaya hindi siya inuuna.
" Suplada." Bulong niya kaya tiningnan ko siya.
Di ko naman inaasahan na siya pala.... Akala ko kasi kung sino kaya di ko pinapansin e.
Sensya naman.
" Michael? Haha! Hoy! Hindi ako suplada noh di lang talaga kita napansin kasi akala ko kung sini ka. Anyway? Bakit nandito ka?"
" Masama bang nandito?"
" Hindi naman. I'm just asking."
" Ahh" sabi niya tapos tumahimik na siya.
Kaya pala kung makagitgit sakin. Kasi kilala ko naman pala siya.
" May date ka kaya ka nandito?" Tanong kong muli. Para kasing awkward na magkakilala naman kami pero hindi kami nag uusap.
" Ikaw."
O_O
Ako??! Gago ba to?!
" Hah??!!" Gulat na reaksyon ko.
" Sabi ko. Ikaw? May ka'date ka ba? Kasi ako, wala. Namasyal lang ako dito." Paliwanag niya kaya nakahinga ko ng mabuti.
" Ahh.. Akala ko kasi kung ano na."
" Assuming." Bulong niya kaya nagmake face nalang ako.
Hindi ako nag'aasume no! May Kelvin na ko!
Anyway, nagtataka siguro kayo kung bakit nagkakausap kami no?
Ganito kasi yan....
Nagkasama kami last week sa isang group project.
Paano kasi, adopted student siya mula sa ibang section. Inisip kasi ng President na titino ito kapag napunta ito sa first section kahit papaano. Kaya inilipat siya ng principal samin. Tinanggap naman siya ni Ms. Joson kasi yun yung order ng president at ng principal.
Galing kasi siya sa last section. Tapunan ng mga estudyanteng magugulo at mga walang ibang alam gawin kung hindi kalokohan at basag ulo.
Pero walang nakakaalam na anak siya ng President. Ewan ko kung bakit, pero di ko nalang pinapakielaman kasi naman kami close. Magkakilala lang kami at nagkakausap kapag kailangan.
Pero, sure ako kasi... Kinakahiya niya si Michael dahil nga pasaway ito.
Haay! Ewan!Pero ang napansin ko sakanya... Tamad nga talaga siya. Mahilig mag'cutting class at lagi pang tulog sa oras ng klase.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...