KELVIN POV
" Hahahahahahahahahahahahahahaha!" Malalakas na tawa naming tatlong lalaki sa grupo.
Malakas kasi talaga kaming mang asar. Pero yung inaasar lang namin, ay itong mga nasa grupo lang din namin. Hindi kami nang aasar ng di namin close, para less away. Puro pa naman famous ang mga kaklase namin. Mahirap na.
Sila Yanna kasi ay nagpipilit pa ng pagtawa ngayon kay Beauty, pero alam kong gusto na nilang tumawa.
" Beauty! Love team mo! Hahahaha!" Mapang asar na sabi ni Alfred.
May gusto kasi si Beauty kay Alfred pero, syempre.. Ayaw niya dito.
May sinabi nga sakin si Alfred, matagal na to. Gusto niya daw ligawan si Yanna, pero sabi ko wag. Dahil Kabarkada namin siya at parang bestfriend na rin namin ang isa't isang tatlo dahil nga since grade 1 magkakakilala na kami.
Pumayag naman siya, pero sabi niya. Hanggang ngayon daw crush pa rin niya si Yanna.
Pero.. Hindi talaga pwede.
Hindi pwedeng maging sila.
" Mga Bwiset kayo! Tigilan niyo nga ako! Tara na nga, Analyn, Denise! Mga peste kayo! Lalo ka na Kelvin! Napaka sama ng ugali mo!" Sigaw niya sakin tapos ay hinampas niya ko.
" Bakit? He wants you kaya!" Sabi ko naman
" I don't like him!"
" Kilalanin mo muna." Sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya sakin ng diretso. pinipilit ko namang wag matawa pero natatawa talaga ko.
Magsasalita sana ko ng biglang nagsalita si Luigi e.
" Hi, Swete Pie. Ako nga pala si Luigi. Pensan aku ne Kelven. "
" Hahahahahahahahahaha!" Tawanan nila..
Actually, kilala ni Alfred at Yanna si Luigi pero, hindi yung katulad ng pagkakakilala nila sa pagkakakilala ko sa pinsan ko.
" Diyos ko, Besaya ka man dong." Sabi ni Beauty.
" Hehe. Uo. Besaya ako. Pwidi keta legawan?"
" Ha? Hindi! Ayaw ko. Magagalit parents ko. Strict sila e."
" kunwari ka pa! Ikaw nga naghahanap ng forever dyan e! Hahaha" pang aasar na naman ni Alfred.
" Che! Tigilan mo ko! Manahimik ka! " Sabi niya,
Pero kami ay tawa lang ng tawa. Lalo na ko. Sakit kaya sa tiyan.
Yung makita lang yung itsura niya kanina ay sobrang saya na e...
Tapos nagsalita pa si Luigi.Boom!
Bisaya!!
Hahahaha.
* --- KKKKKRRRRRRIIIIIINNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!! --- *
" Tara na, Guys! Bell na! Haha." Sabi ni Yanna na kitang kita ko ang ngiti sa labi niya.
Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ngumiti ng ganyan. Yung simple lang pero halatang masaya siya.
Yung hindi na niya kailangang tumawa ng malakas, at manghampas kapag tumatawa para makita lang na masaya siya.
Napangiti nalang ako ng maisip ko yun.
Ang ganda niya.
No. Joke.
" Tara!! Pasok na tayo! " sabi ni Luigi saka isinara yung pintuan ng kotse ko.
" Ha?!" Gulat na tanong ni Beauty.
" Classmate natin siya. Transferee." Sabi ko.
" Diyos ko Lord!! Take me!" Sabi ni Beauty tapos ay umalis kasabay si Denise tapos ay sumunod si Luigi sakanila.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...