PART 56

53 3 1
                                    

KELVIN POV

Dalawang buwan ang lumipas.
Bawat oras at araw para sakin ay sobrang mahalaga at napakasaya talaga.

Maraming mga nangyaring magagandang bagay, at may mga pangit na bagay din ang nangyari pero natapos na rin naman at nasulusyunan.

Sa paglipas ng araw, ay siya namang pagdagdag ng araw nang pagiging masaya naming dalawa ni Yanna na magkasama.

Magpapasko na.
Malapit ng matapos ang taon, pero still hindi ko alam kung ano ang balita kay Mommy.
Hinihingi ko sakanila yung number nila Mommy sa states para matawagan ko at makamusta ang lagay nito, pero wala daw silang kopya.

Bagay na hindi ko pinaniniwalaan.

Nararamdaman ko kasing itinatago lang nila sakin ang lahat ng bagay na alam nilang ayaw kong malaman.

Gustuhin ko mang magalit sakanila pero di ko magawa.

Ano bang kinakatakot nila at ayaw nilang sabihin sakin ang totoong lagay ni Mommy?

Lagi nilang sinasabi na okay lang daw si Mommy at wag akong mag alala. Pero may iba talaga kong nararamdaman na di ko maintindihan. Ayaw kong isipin yun pero iyon yung iniisip ng isip ko.

Ilang araw na rin akong nag aalala.

At pakiramdam ko, ako lang ang walang alam sa totoong nangyayari.

" Kelvin? Tara na?? Masyado ka naman atang nag'momoment dyan? Magkikita kita parin naman tayong magkakaibigan habang christmas vacation. Remember? May outing pa nga tayo e. Saka next year may class na ulit."

Kakatapos lang ng christmas party pero hindi ko naenjoy.
Although, sumasali ko sa mga games at nakikipag kwentuhan, pero dinidibdib ko parin yung problema ko.

" Di naman yun ang iniisip ko e."

" E ano?"

" Si Mommy. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman mismo sakanya kung ano yung totoong lagay niya. Yung sakanya mismo manggagaling. Yung hindi galing sa bibig nila Ate, nila Kuya... Alam mo yun? Pakiramdama ko kasi... Lahat nang sinasabi nila sakin? Kasinungalingan. Lahat ng sinasabi nila sakin mali... Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang tao kaya ayaw nilang ipaalam sakin e--"

" Hindi ganun yun. Malay mo naman... Yun pala yung totoo ayaw mo lang talagang paniwalaan--."

" Yanna? Hindi ako tanga. Tumatawag sakanila si Ate Gladys, pero hindi nila alam yung number? Imposible ring hindi nila alam kung ano yung address. Yanna... Ano? Ako pa ba ang magiging tanga?"

" Kelvin, intindihin mo nalang sila, may dahilan siguro sila kaya nila ginagawa yun."

" Dahilan? Para ano? Dahilan para saktan ako? Para pag isipin ako oras oras kung ano ang nangyayari."

" Tinanong mo na ba si Ate Glenda?"

" Lahat sila. At lahat sila ay ayaw sabihin sakin yung totoo! Yanna! Hindi ako tauhan nila na pwede nilang utuin! Oo! Bobo ko! Mahina ang ulo ko! Pero hindi ako tanga. Nakakaramdam din naman ako ng kasinungalingan sa paligid ko. Ang sakit lang kasi.... Yung pamilya mo nagsisinungaling sayo.. Hindi ka nila pinagkakatiwalaan. "

" Tama na. Magpapasko na. Malay mo naman, isusurprise ka pala nila kaya di nila sinasabi sayo. "

" Sana nga ganun lang yung dahilan. Paano kung hindi?"

Hindi na siya nagsalita at niyakap nalang niya ko.

Hindi ako galit sa mga kapatid ko, nagtatampo lang ako sakanila at naiinis dahil nagtatago sila sakin.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon