KELVIN POV
" Pare!" Bungad sakin ni Ian pagkababa ko ng sasakyan ko.
Nagtataka ko sakanya dahil madaling madali siya at di mapakali.
" Bakit ba? Para kang timang, alam mo yun?"
" Basta! You have to see this!"
Hindi na ko sumagot at sumunod nalang ako sa paghatak niya sakin.
Dinala niya ko sa katabing restaurant ng bar nila.
" Yan! Yan ang gusto kong ipakita sayo. Pare! She cheated on you?!"
" Kaya pala nakipaghiwalay siya sakin."
" Ha? You mean?--- hoy! Saan ka pupunta!" Sigaw niya sakin nang bigla akong lumakad papunta doon sa restaurant.
Padabog kong binuksan iyong glass door, dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga taong kumakain.
" Kelvin? What are you doing here?" Tanong sakin ni Macey na biglang gumanito ang mata.
O_O
Na shocked siya ng sobra.
Bakit? Di niya expected?
Gaga siya!
" Ikaw? What are you doing here?! Who is he, huh?! "
" Pare. I'm---"
" Wala akong pakielam sa pangalan mo! Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang magsalita! Manahimik ka dyan kung ayaw mong isubsob kita sa nilalamon mong kauri niyong dalawa!"
Hipon!
" Kelvin ano ba! Mahiya ka nga! "
" Ikaw ang mahiya! Tinawagan mo ko para makipagkita sayo tapos nung nagkita tayo nakipag break ka! May narinig ka sakin? Wala!! Tinanggap ko kasi sabi mo.. Ayaw mo na! Tapos ano to?! Ha! Nakakita ka lang ng bago mong lalandiin kaya ka nakipaghiwalay! Ganun ba yun?!"
" Shut up." Nagtitimping sabi niya sakin.
Napangisi nalang ako sa inasal niya.
" Pare, stop it. Tara na.
Nakakahiya." Bulong ni Ian sakin tapos ay hinatak niya ko." Get off of me!" Sigaw ko sakanya tapos ay bumalik ako kayla Macey.
" Kelvin Garcia, Pare" sabi ko doon sa lalaki tapos ay akmang makikipag handshake ako.
Ngumiti pa ang mokong saka sana aabutin yung kamay ko, kaso hindi pa man niya nahahawakan ang kamay ko ay sinuntok ko na siya sa mukha niya.
Ayun!
Napahiga!
" Magsama kayo! Parehas kayong Gago!"
" Umalis ka na nga dito! "
" Oo! Iaalis na rin kita sa buhay ko! At wala ka nang karapatang bumalik pa! Tandaan mo yan!"
Kinuha ko yung baso saka ko ibinalibag iyon sa counter.
Talagang umuusok ako sa galit.
Shit silang dalawa!!
" Pare! Bakit ginawa mo yun?!"
Paglabas namin ay tanong ni Ian." Hayaan mo sila. Makaganti man lang."
" Gago ka ba?! Nagbasag ka sa restaurant. And you're only 16 right? Pwede kang idemanda nung mga tao doon. Menor de edad ka pa naman. Hindi ka kakampihan sa paliwanag mo, paalala ko lang sayo.."
" Nag init ako e. Nagsayang ako nang luha. Di naman pala dapat. " sabi ko sakanya habang kumukuha ko ng pera sa wallet ko.
" Oh. Kindly give it to the manager of that bullshit restaurant. And tell him or her, na sobra pa yan sa damages na nasira ko. Kung kulang sabihin niya. Babayaran ko siya. Kahit buhay niya kamo, sabihin lang niya."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...