KELVIN POV
" Eto bayad. Gusto ko every minutes uulit ulitin mo yan ha." Sabi ko dun sa staff nung dedication booth.
" Okay po, Mr. Intrams. Hehe. Gwapo niyo po pala talaga. Pwede po pa'kiss?"
" Hindi pwede e. Sorry. sige salamat." Sabi ko saka ako bumababa sa stage.
Agad akong nagpunta kung nasaan si Nancy, Alfred at Yanna.
Sila ang magkakasama ngayon e.
Nandun sila sa bench.
May dala kong softdrinks saka tinapay, at chichirya." O guys. Tara, picnic tayo." Sabi ko sakanila saka ko inilapag yung mga dala ko sa bato na table.
" Naku. Si Mr. Intramurals. Galante." Biro ni Alfred saka kinuha yung isang chichirya.
" Gusto mo?" Tanong niya kay Nancy." Sige lang." Sabi naman nito kaya nagkatinginan kami ni Yanna.
" Dear Yanna ko,
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi mapapantayan at madidiskubre ng iba kung gaano kita kamahal.
Pagdating ng araw gusto ko ikasal tayo at bigyan mo ko ng isang masayang pamilya. Aalagaan kita hanggang sa pagtanda. Hindi kita pababayaan at iiwanan. Pangako ko yan ngayon at hanggang kamatayan.
Ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay.Ang pinaka poging nilalang sa buhay mo,
Kelvin Garcia "" Ayyyiieeeee!" Pang aasar nung dalawa.
" Ayie kayo diyan! Banatan ko kayo e. Haha."
" Just listen again." Sabi ko
" To Nancy ng buhay ko,
Alam kong pakipot pa ko pero sana mahalin mo rin ako katulad ng lihim na pagmamahal ko sayo.
Umaasa,
Alfred Villanueva."" hayup ka, Pare! Saan mo nakuha yang isyu na yan ah!" Tatawa tawang sabi ni Alfred tapos kami tawanan lang ng tawanan.
" Grabe kayo. Wala namang something samin e." Si Nancy
" Wala nga ba?" sabi ko saka ko niyakap si Yanna from her back.
" Denial kayo masyado. Obvious naman na nag'dedate na kayo. Kahapon nga lang e. Haha "
Tsismosa talaga tong si Yanna. Haha. Pero, totoo yung sinasabi niya.
" Hoy Hindi ah. He was asking me for lunch yun lang yun." Si Nancy
" Date na rin yun. Dalawa lang naman kayo." Sabi ko naman.
" Ay ewan ko sa inyo." Sabi ni Alfred saka pinagpatuloy yung pagkain nung chichirya.
" Say Ahh." Sabi ko kay Yanna.
Sweet namin no? Haha.
Kung wala lang talaga kong problema? Mas masaya at mas makulit pa ko sa nakikita niyo ngayon.
Si Mommy kasi e.
Bakit ba kasi nagkasakit ka pa?
Kung may magaling lang na doktor dito sa Pilipinas hindi ka na sana lalayo pa.
NANCY POV
Nagkakatuwaan lang kaming apat ngayon dito sa may bench nang magulat ako ng biglang may humatak saming dalawa ni Alfred na mga lalaki.Malalakas yung pwersa nila.
Lima sila.
Tatlo kay Alfred dalawa sakin.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
Любовные романыPaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...