SPENCER POV
" Oh? Nasaan na si Analyn?" Nakangiti at parang nang aasar na sabi sakin ni Eric.
" May epal, Insan. Sarap sapakin. Wag mo kong tawanan. "
" di naman ah.. By the way, Sino? "
" Yung Kelvin na yun."
" Sabi ko naman kasi sayo, di ka basta basta pwedeng lumapit doon. May nagbabantay doon."
" E sabi mo hindi naman sila diba? Ang sabi mo magbestfriend lang."
" Yun ang sabi nila. Malay mo? Secret relationship pala ang meron sila, kaya ganun kung maging protective si Kelvin. Saka.. Wag nalang iyon ang pormahan mo. Marami pa namang iba dyan e."
" Ahh. Basta! I will do anything. Malapitan ko lang si Analyn. You know me, Insan. I never failed for something or everything I want. Lahat ng gusto ko. Nakukuha ko. At gusto ko si Analyn. Kaya hindi ako mapipigilan ng mokong na yun."
Oo. Tama kayo ng rinig.
Gusto ko si Analyn.
Nung saturday palang nung kasama ko siya accidentally ay tinamaan na ko sakanya. Pero, not that serious.
Hindi ako seryosong tao.
Lagi ko nga siyang bukambibig kay Eric, kaso di naman daw niya kilala.
Yun pala, kaklase niya since first year pa.
Gago talaga tong kumag na to.
" Bahala ka. Gago rin yung isang iyon. Bahala ka sa buhay mo insan pag napahamak ka."
" Talaga."
" E teka nga lang. E diba kayo pa ni Rizza?"
" Malalaman ba? Saka... Paglalaruan ko lang naman si Analyn. Bakit? Sa tingin mo ba seryoso ko kay Rizza? Insan naman, common sense. Wala pa kong seneseryosong babae. Laro lang ang gusto ko. Laro lang. For fun. Haha."
Haha.
Oo. Tama kayo ulit ng dinig.
Masama na ko kung masama, pero.. Yun talaga ko.
Sorry pero.. This is my personality. And this is me.
Tama rin kayo ng intindi na may girlfriend ako. Si Rizza.
Nasa states siya. Iniwan ko siya dun dahil she want na doon grumaduate.
" Gago! Di nakakatuwa yang ginagawa mo sa mga babae. Kakarmahin ka, Sige ka."
" Hindi ako natatakot sakanya. I never scared for something, bro."
" Bahala ka. Tara na! "
Nang sabihin niya yun ay pinaandar ko yung kotse ko.
18 na ko kaya legal na kong mag'drive.
Tamad lang talaga kong mag aral kaya hanggang ngayon ay nasa 3rd year high parin ako.
Paki ko ba sa pag aaral. E sakin din naman daw mapupunta yung negosyo dahil ako daw ang lalaki sa pamilya namin.
Bakit kailangan pang mag aral ng mabuti kung alam mong may trabaho ka na rin pagdating ng panahon.
Huh!
Papagudin ko lang sarili ko.
Bakit ko iisipin yan.E di ang gagawin ko nalang.. Maglalaro muna ko, habang nag aantay sa tamang panahon, diba?
Tutal, may dahilan na ko para sipagin pumasok araw araw.
At iyon ay si Analyn.
Gagawin ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...