PART 45

66 4 1
                                    

KELVIN POV

Nanunuod lang kami ng mga talent ng co'contestant namin habang nakaupo kami dito sa smay monoblock dito sa may likod ng mga students. Malapit na kami sa gate. Pupunta lang kami sa may gilid ng stage kapag nagpe'perform na si number 11 na lalaki para maghanda kami ng pwersa. Hahaha.

Goku.
Vegeta.
Gohan.
Piccolo.
Trunks.
Or
Majin Buu?

Hahaha. Dragon Ball Z attacked! Hahaha.

Nakakahiya daw kasi kung doon pa kami pepwesto sa harapan, e nandoon na daw yung judges tapos dadagdag pa kami, ano pa daw ang mapapanuod ng mga estudyanteng naka upo sa semento at tanging papel lang ang sapin. Haha.

Ganun kasi dito e.
Kaya... Pinagbigyan na namin hahaha.

Pero, sa totoo lang. Wala akong nakitang magaling sa mga nagpe'perform. Kung di nagkakamali sa steps, may pumiyok sa pagkanta. May mga di nakakasunod tapos yung isa namang babae kanina ay sobrang laughtrip.

Hahahahahaha!

Biruin mo. Siya yung contestant at star nung talent niya siya pa yung parang naging back up sa ginagawa nila. Hahaha siya pa yung nasa gitna pero siya yung nanggagaya ng steps at di makasunod. Hahaha.

Sarap tumawa.
Hahaha.

Tapos yung kasamahan niyang sumasayaw, umiiling nalang. Hahaha.

Sa kahihiyan siguro hahaha.

Sa loob loob lang nila siguro...

' bakit ba ko nakasali dito. kakahiya. '

HAHAHA

Anyway.. Tama na ang tawa. Baka maiyak si Number 6. Hahaha.

Yung iba individual ang ginawang performances e. Yung iba naman parang samin lang ni Yanna. Kung sino yung kapartner nila, kasayaw na nila or kaya naman ka'duet nilang kumanta.

Malayo pa kami, number 8 palang yung nag pe'perform sa stage e. Yung lalaki. Solo lang siya, pero may mga back up siya sa pagsayaw.

Syempre diba? Mukhang loko loko ka lang dun kung sasayaw ka ng isang dance na pang'grupo. Tapos mag isa ka lang
Hahaha. Kung interpretative dance pa sana. Okay lang. Kaso, hindi naman.. Pagtatawanan ka lang.

Pero, the whole time i've watched all the performances for their talents, wala pa kong nakikita nang katulad nung amin.

Yung medyo may pagkabuwis buhay, kasi may mga stunts pa kami e. At sobrang moody nung steps namin. Mabagal sa una, tapos bibilis, babagal, stunts, bibilis, stunts, end. Diba?. Hahaha.

Buti nalang talaga at isa sa kagalingan ko ay ang mabilis makakuha ng steps.

Prinactice namin ni Yanna kanina to, bago kami magbihis e. At perfect ko agad in one practice.. Hahaha.

Talent ko na talaga siguro yun, sensya na.

Hahaha. Di yun sa pagiging hambog ha. Pero, ganun talaga siguro kapag nasa dugo mo ang pagiging gwapo. Hehehe.

Kahit ano kakayanin mo at kaya mong gawin. Hahaha.

" Next is candidate number 9----"

Naku

Mukhang magaling yung number 8 na lalaki.

By the way, magkahiwalay yung winners, pero kung mananalo si Yanna, syempre panalo na rin ako. Haha di naman kasi siya mananalo nang hindi ako kasama. Hahaha.

Pero, ewan nalang din natin.

" Kinakabahan ako, Kelvin. " bulong sakin ni Yanna kaya hinawakan ko yung kamay niya.

Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon