ANALYN POV
" Sumasakit na talaga ang ulo ko dyan sa Pinsan mo, Luigi. Iuwi mo na sainyo."
" Ala e, ayaw nga ih."
" Peleten-- este pilitin mo! "
" Hende pwidi."
" Bakit?"
" Nandun, na si Teta. Piro, de namen senasabe kong nasaan sya. Magagalet yan e."
" Kung ayaw mo. Ako magdadala sakana sakanila. Kailangan nilang mag usap nag ina."
" Piru wala seya sa bahay ngayun. May ebang pamelya yung nanay niya at i guess nandun siya."
What?
Haay, naku!
" Basta wag mu sasabehen. Otos din kase ni Ati Glinda yun. Na wag etoro se Kilven."
" E bakit?"
Hindi naman siya sumagot sakin at umalis na siya.
Birthday na ni Kelvin bukas. Pero, ewan ko ba.
Parang gusto ko siyang ipaghanda para kahit papaano ay masaya siya ss birthday niya, kaso nainis na naman niya ko.
Actually, silang dalawa ni Spencer.
Para silang aso't pusa.
Tapos yung isa, nasapak na't lahat. Inuuna pa rin yung kakerengkengan.
Sabi niya babalikan niya ko, pero maglalakad nalang ako pauwi.
Baka maghintay na naman ako sa wala.Habang naglalakad ako ay may nakita kong nakakalat sa daan.
Papel siya.
Nakalamukos. Kulay Pink.
Naintriga naman ako kaya kinuha ko yun.
" Bakit hindi kaya ako tinitingnan ng taong mahal ko? Bakit kaya hindi niya ko kayang mahalin? Ano ba ang dapat kong gawin."
Ay!
Related sakin?
Kanino ba galing to? Inaasar ba niya ko?
Pinagmasdan ko yung sulat at hindi siya pamilyar.
Baka naman, sinadyang wag kong makilala?Haay naku!
Beauty, Denise, Alfred, Ian! Kayo lang ang nasa likod neto for sure!
Haay!
tinapon ko yun saka ako naglakad pauwi.
Papasok na sana ko sa pintuan ng bahay namin ng may narinig akong may kausap si Kuya.
Di ko alam kung sa telepono ba yun o hindi. Pero, siguro nga sa telepono.Pinipilit kong pakingan pero wala akong marinig. Basta ang alam ko. Parang galit si Kuya.
Sino kaya ang kausap niya??
" Ate?"
" Aldrin?"
" Wag kang makinig dyan. Baka balibagin ka ni Kuya. Mainit ang ulo niya. Ako nga pinaalis e." Sabi niya tapos umalis at lumabas ng gate ulit.
Hindi naman ako nakinig dahil parang nag jojoke lang siya kaya ang ginawa ko ay sumilip ako sa bintana.
Sa cellphone nga lang siya may kausap.
Pero sino kaya?
" Hindi akin yan! Tapos!" Sabi niya saka pinatay yung phonecall.
Mabilis naman akong tumakbo para di niya ko mahalata.
Then, saka ako nagfocus and naglakad pauwi ulit.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...