ANALYN POV
Isang buwan ang lumipas.
At sa loob ng isang buwan na yun, sobrang daming nangyari.
Kakaiba talaga lahat ng kinikilos ni Kelvin.
Sobrang sweet niya. Tapos, hindi na siya nangongopya sakin.
Pambihira!
Nakilala lang si Benguet Girl. Tumino ang gago!
Haay!
Pero hindi pa sila. Pero nililigawan pa rin niya.
Tapos, yung Nanay niya hindi pa niya kinakausap.
Basta may pag uusap kami tungkol dun. Hindi pa daw kasi siya handa.
Pero, dumadalaw siya sa mga kapatid niya. Bati na sila nung Ate niya.
Sabi ko nga dun na siya, kaso ayaw niya. Ewan ko kung ano ang dahilan nung lalaking yun.At ito pa!
Sa loob ng isang buwan na nakalipas. Wala rin atang araw na hindi nag away at nag abot silang dalawa ni Spencer.
Minsan, nagkainitan sa classroom.
Minsan kausap ko lang yung tao, bigla niyang tinulak.Haay naku!
Tapos ang pangyayari pa! Na ayaw kong dumating
Next month ay yung Intrams .Pahirapan na naman to. For sure.
E diba nga ayaw ko nito! Yung beauty pageant na yan!Tapos si Spencer pa yung escort ko!
Patay na naman po ako sa mga away away na yan.
" Hoy, bruha. Si Kelvin?"
" Kasama si Nancy." Sabi ko nalang dahil iyon talaga yung totoo.
" Pinapatawag ka nga pala ni Ms. Joson sa faculty. "
" Bakit daw?"
" Tungkol ata sa Intrams, be. " sabi niya sakin.
Niligpit ko yung mga gamit ko saka ako nagpasama sakanya.
Speaking of the devil!
Pagdating namin dun ay nandoon si Spencer.
" Oh, Analyn? Come in." Sabi ni Ms. Joson kaya pumasok kaming dalawa ni Beauty.
" Good Morning po, Maam." Sabi ko tapos si Beauty.
" Una sa lahat, nakausap ko na si Mr. Abellana about here. Pero itatanong ko parin sayo kasi ikaw lang ang makakasagot ng totoo."
" Ang alin po?"
" May something ba kayo ni Kelvin?"
Sana.
" Wala po. Protective lang po talaga siya."
" Sigurado ka? Kasi, iba yubg nakikita ko e"
" Sabi ko sayo bes e. Nakikita ko rin yung nakikita ni Ma'am."
" He." Bulong ko sakanya.
" Naku! Wag niyo pong bigyan ng malisya yun. Magbestfriend po kami." Sabi ko nalang.
Bakit ba pati sila bigay ng bigay ng ganung kahulugan?
Nakakaasar.
Ako, oo. May gusto sakanya? But him? Manhid yun!
" Okay. Sabi mo e. Saka... Balita ko, nililigawan niya si Nancy?"
" Opo. Isa pong bagay na patunay na wala po talagang something between us. Ganun lang po talaga yung pagkakaibigan namin."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...