NANCY POV
Lunch namin ngayon.
Hanggang ngayon, naninibago ako.
Hindi ko pa masyadong kabisado tong university na to dahil, sobrang laki niya.
Pero, highschool lang daw ang nandito.
At ang dami dami pang Canteen..
Kaya kahit saan pwede kang kumain.
Kasama ko ngayon si Pauleen. Parehas kasi kaming galing probinsya. Parehas kaming scholar.
Pero, kung siya masiyahin. Ako naman tahimik lang.
Nakikitawa paminsan minsan, pero I'm not that kind na ako yung magpapatawa or magiingay.
Kung kakausapin ako, kakausapin ko. Kung hindi. Tahimik lang ako.
Nang matapos kaming mag lunch ay naglakad kami ni Pauleen pabalik ng room namin. Marami siyang kinukwento pero di ko nalang siya pinapansin.
Hanggang sa nay narinig kaming ingay galing sa likod ng isang gusali.
" Ano yun? " tanong niya sakin.
" Parang may away ata."
" Tara tingnan natin!" Sabi niya saka ako hinila.
Pinilit ko namang makawala sa pagkakahila niya sakin, kaso mahigpit ang hawak niya.
" Napaka'tsismosa mo! Tara na."
" Sisilipin lang naman natin e! Saka nandito na tayo!"
Nang masilip namin yubg nag aaway sa likod ay nabigla ako.
Si Spencer yun ha.. Saka si Kelvin.
Yung kaklase namin." Awatin natin!" Sabi ni Pauleen tapos ay mabilis tumakbo papunta sa likod ng gusali.
Ako man ay wala nang nagawa kung hindi sumunod.
Silang dalawa lang ang nandoon at nagsasapakan.
" Hoy! Ano ba! Tama na nga yan!" Sigaw ni Pauleen saka inawat si Spencer. Ako naman inawat ko si Kelvin.
" Gago kang Mokong ka!"
" P.I kang kumag kang demonyo ka! Layuan mo ang bestfriend ko! "
Sigaw niya tapos ay nagpupumilit siyang masuntok si Spencer kaya ako naman ay todo hatak sakanya." tama na!" Sabi ko habang hawak hawak ko siya sa braso niya at habang pilit inilalayo.
" Hayop ka! Kulang pa yang mga pasa mo na yan sa mukha mo!" Sigaw na naman netong Kelvin na to.
" Lalo sayo! Gago! "
" Tama na sabi e!" Sigaw ko kaya napatingin sila sakin.
" Sige! Magpatayan kayo dito! Hintayin niyo ang principal natin at isusumbong ko kayo!"" Wag." Sabi ni Kelvin tapos ay hinawakan yung kamay ko.
Napatingin naman ako dun kaya ang ginawa ko ay mabilis kong tinaggal.
Tsansing!
" Anong kaguluhan yan?!" Siyaw ng isang boses kaya napatingin kami sakanya.
O_O.
Ms... Madrigal??
Yung principal namin kasama si Ms. Joson.
" Sa office ko tayo magkitang apat. Ngayon na!!!"
" Ma'am.. Di po kami kasali "
" Now!!!"
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa nangyaring iyon.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...