KELVIN POV
Buti nalang at okay na kami ni Yanna ko.
Sobrang humanga ako sakanya, dahil walang review review pero nasasagot niya lahat.
Siya na talaga. Ang galing niya.
Grabe.Pero, I'll tell you a secret.
Kanina kasi, habang nangyayari yung activity ni Ms. Manalo. Nandaya ako.Hahaha.
Nakita ko yung sagot dun sa hawak na papel ni Ms. Manalo kaya nalaman ko yung answer. Hahaha.
Yung Hades and Poseidon.
Hahahaha.
Ang galing talaga ng mata ko. Hahaha.
Ito talaga yung best asset ko e. Beautiful eyes. Hahaha.
Pero, syempre di ko sasabihin yun kahit kanino sa mga barkada ko, lalo na kay Yanna. For sure magagalit sakin yun.
E.. Ngayon na nga lang kami nagkasundo e. Mag aaway na naman ba kami?
Wag na uy!
Secret ko nalang yun!
Saka.. Wala namang masama sa ginawa ko e.
Di ko naman sadyang makita yun e.
Ang kasalanan, kung sinadya. E di naman.. Kaya, sorry.
It's not my fault. Hahaha.
" Oy? Wag mo na kong ihatid ha. Susunduin ako ni Kuya. May dadaanan kami. Mauna ka na"
Uwian na kasi. Kakatapos lang ng Filipino namin. Yun kasi ang last period namin sa buong hapon.
Buti nalang talaga at hindi lumapit yung Spencer na yun kanina habang lunch, kung hindi sasapakin ko na talaga siya.
Kapal ng mukha.
Sabi ng akin lang ang bestfriend ko at di ako nagpapahiram.
" Saan?"
" Ipapakilala niya yung girlfriend niya. "
Aahh...
Nice to here that again.
The last time kasi na alam kong nagmahal si Kuya Lance ay nung 2008 pa.
Mabuti nalang at naka'moved on na talaga siya ng tuluyan dun sa babaeng impaktitang iniwan din siya.
Parehas kaming iwanin e.
Ano ba meron samin?
Huh!
" E sama ko."
" Part of Family ka?"
" Oo. Bestfriend mo ko e. Diba ako nga yung nawawala niyong kapatid. Haha."
Biro ko.
Pero, gusto ko talagang sumama.
Di naman magagalit yun, for sure.
Close kaya kami ni Kuya Lance. Sobra. Lalo ni Aldrin. At syempre.. Si Yanna. Sobrang sobrang sobra.
Parang pamilya ko na nga sila e. Mga kapatid ba.
Kapatid?
Anong klaseng kapatid??
Brother in law??
O_O??
Ano daw??
Bayaw??
Hindi no!
BINABASA MO ANG
Kung Ako Nalang Sana ( Sana Hindi Ka Na Nasaktan Pa. ) (COMPLETED)
RomancePaano nga ba magsasalita ang isang bibig na hindi man lang alam banggitin ang salitang MAHAL KITA, pero alam banggitin ng PUSO at ISIPAN. BESTFRIEND? Yung salitang gusto mong takasan, pero hindi mo magawa, dahil hanggang doon ka lang. Meet Analyn G...